Lumaktaw sa pangunahing content

bakit ganun...



2018 07 04 (Wed, 9:34 PM)

            Sabi ko na nga ba, naglalaro ang mga daga kapag wala ang pusa; sa puntong ito, ako yung pusa at ang mga bagets naman ang daga.

            Habang wala pa silang teacher, napadaan ako sa room nila, at naaktuhan ko ang mga bubwit na lalaki na naghaharutan sa likod ng room. Gamit ang 4 na hard hats na suot nila, at ginawa pang espada ang mga walis. Nung nakita nila ako na naglalakad patungo sa kanila, biglang kumaripas ang mga bubwit; akala naman nila ay hindi ko nakita kung sino-sino ang mga iyon. Kaya sinabihan ko si student J na wag munang pauwiin ang mga pasaway, saktong may last period pa ako kaya di ko sila mahaharap pa.

            After ng last period, dali-dali akong bumalik sa faculty, nag-ayos ng gamit at binitbit ang aking bag papunta sa aming classroom. Kinausap ko ang mga bagets. Ewan ko ba, napakabata pa rin ng attitude nila. 14 years ago eh ka-edad ko lang din naman sila (parang ang tanda ko na ah hahaha). Kung sa panahon namin yun nangyari, siguro ay hiyang-hiya na kami sa aming adviser. Pero iba ang mga bagets ngayon. Yung alam naman nilang mali sila pero kanina habang kinakausap ko sila ay tuwang-tuwa pa na ibinabahagi ang kwento ng kaharutan nila. Makikita yung lakas ng imahinasyon nila sa ginawa nilang kalokohan, nagniningning pa ang mga mata. Naiba lang ang ihip ng hangin nung naramdaman nilang hindi sila makakauwi sa akin hangga’t di sila nagseseryoso. At yun na nga, sila na rin ang pinag-isip ko ng kanilang disciplinary action, dahil kung ako, hay naku…

            Sabi pa ni student M, kaya lang daw niya sinuot yung hard hat ay dahil gusto lang daw niyang mag-picture suot yun para malaman daw niya kung bagay ba sa kanya ang maging engineer… like what??? Yung di ko alam kung matatawa ba ko o maiinis. Sa dinami-dami ng sasabihin di ba, mga ganung rason pa talaga. Ang tinignan ko na lang na positibo ay yung aware naman sila na mali ang kanilang ginawa. Okay na rin na masampolan ang 6 na makukulit na bagets. Tignan ko lang kung magawa nila ang kanilang 1 week na disciplinary task. Gudlak!

            Sa pag-uwi ko naman, nasalubong ko ang maraming kabataan sa daan. Kasabay ko silang naglalakad, maya-maya ay bigla na lang naghabulan ang mga bata, karamihan ay naka-civilian pero yung iba naka-uniform pa, at ang kinagulat ko ay yung isa sa mga naka-civilian ay dati naming student, kaya sinundan ko sila pero sa dami eh watak-watak ang kanilang mga pwesto. Ang nakilala ko lang ay ang dati naming mag-aaral na si student N na naging estudyante ko noong grade 7 siya. Natapik ko pa siya sa balikat para makuha ko ang kanyang atensyon para tumigil na siya, akmang nag-aamok kasi si student N, gusto ko man siyang hawakan para pigilan pero galaw siya ng galaw at saka parang hindi niya ata ako kaagad na na-recognize. Sa likod ko may matanda na sumigaw na “wag nyong awatin yang mga yan” napalingon ako, like bakit hindi? Pagbaling ko ulit kay student N ay sakto naman na may rumondang pulis, kaya bago pa magkaroon ng aktwal na gulo ay napigilan naman sila dahil sa presensya ng pulis na rumonda. Ang sabi ng pulis kay student N ay “ikaw na naman…”

            Sumakay na ako ng trike. “Grabe mga kabataan ngayon,” banggit ng nasakyan kong trike driver… “opo, mga pasaway,” banggit ko na wala sa loob. Kasi naisip ko, dumaan na’t lahat si student N sa aming mga guro pero, bakit ganun…



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...