2018 07 12



2018 07 12 (Thu, 9:22 PM)

            Kaninang umaga ay kinailangan naming pumunta sa school V para lang mapalitan ang luma naming ‘at the moment card’. Minabuti ko na mag-time in na sa school bago dumerecho doon, inexpect ko na kasi na mahaba ang pila base na rin sa karanasan ng mga nauna na. Ang swerte ko lang dahil naabutan ko ang grupo nila Sir O sa may gate at inaya na niya akong sumabay sa kanila. Akala ko ay magko-commute din sila tulad ko, may dala palang kotse ang asawa ni Ma’am S, sa madaling sabi ay nakatipid ako sa pamasahe papunta hehehe.

            Gravity talaga ang traffic ngayon sa lugar namin. Yung tipo na maiinip na lang ako sa kahihintay na umusad ang traffic. Dati mga 5 minutes lang ang byahe mula sa bahay namin papunta ng school, pero ngayon ay halos abutin na ito ng kalahating oras. Kaya laging may ‘walkathon’ kapag papasok ako sa eskwela, dahil mamumuti lang ang mga mata ko sa kalsada. So, paano pa yung nanggagaling sa mas malayo pang lugar kumpara sa akin, grabe rin ang adjustment na ginagawa nila. Ang nakakalurkey pa ay ang taas na nag kalsada, tapus yung mga bahay at establishment sa paligid nito ay lubog na.

            Di ko agad na-activate yung bagong card, alanganin na kasi kami natapos at kailangan naming bumalik na agad ng school para sa aming mga klase. Kaya naisip ko na lang na i-activate ito pagkatapos sa eskwela. Nakakakaba sa gabi lalo na kung sa mga atm machine ang punta, pero thank God, I survived! Ewan ko ba, kakaiba na kasi ang panahon ngayon.

            Bago umuwi ay sumaglit ako sa fastfood M para mag-take out ng chicken burger at fries; na-miss ko kasing paikliin ang buhay ko eh, lol. Pero bakit ba mas mahal pag-umorder ka ng walang soft drinks? At mas mura naman kapag bibilhin mo kasama yung softdrinks? Eh ayoko nga magtangay ng soft drinks eh. Kaya ang sabi ko sa kahera ay bibilhin ko yung may softdrinks pero di ko na lang kukunin… tapus tumingin siya sa manager niya, nag-consult siya at hindi rin daw pwede; dahil sa ayoko namang mapamahal pa (kahit gustong-gusto ko na, charot), eh di kinuha ko na lang din.

            Sa jeep na sinakyan ko pauwi nakasabay ko si student A. Hindi ko siya naging estudyante, pero kilalang-kilala kasi siya dahil sa angkin niyang talino at ang nakakabilib pa ay very humble ang bata na ito. Sa katanuyan, nagtapos siya bilang Valedictorian noong high school, at kung hindi ako nagkakamali ay summa cum laude lang naman sa ating premier state university (Economics ang kurso niya). Mag-isa lang siya at tahimik lang habang nasa byahe. Hindi ko alam kung bakit gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang nasa isip niya tungkol sa mga bagay-bagay sa paligid… ang traffic… ang transportation… ang ekonomiya… ang mga pulitiko… at sa marami pang issues na meron sa bansang ito. Naisip ko kasi, sa isang tulad niya na very accomplished academically, ano kaya ang nasa isip ng mga tulad niyang kabataan na nagtapos sa unibersidad na may malaking pagpapaphalaga sa dangal at husay…

            …pero dahil wala naman akong chance na makausap siya, kinimkim ko na lang mga tanong sa aking sarili. Malaki pa rin pag-asa ako sa mga susunod na henerasyon na sila ang makapagdudulot ng pagbabago sa aking beloved Philippines…

            …at sana ako rin! 😊

            Sige na nga, tayong lahat na rin.



Mga Komento