Lumaktaw sa pangunahing content

ang salamin, ang generic na gamot, at ang mga hyper bagets :)



2018 07 06 (Fri, 1:14 AM)

            05 July 2018. Umaga nang kinailangan kong dumaan sa optometrist para ipaayos ang salamin ko. Naupuan ko kasi ito kagabi, kaya medyo tumabingi. Kahit halos kabubukas lang ng optical clinic, ay marami na itong customer; isa sa inabutan ko ay yung batang estudyante at ang nanay niya. Madalas daw kasing inaakala na nangongopya ang anak niya dahil sa nearsighted ito, kaya naisipan na rin nila na ipagawa siya ng salamin. So syempre, iri-relate ko yung sarili ko hahaha; noong high school naman ay napagkamalan akong gumagawa ng assignment habang nagtuturo ang English teacher ko, lagi raw akong ganun ang ibig niyang sabihin ay bakit di ako nagpo-focus sa discussion. Kung alam lang niya na hindi ko naman nakikita yung visual aids niya kaya habang nakikinig ay isinusulat ko na lang ang mga importanteng sinasabi niya, pero di ako yung nag-explain ng pagiging nearsighted ko sa aking English teacher kundi yung katabi kong klasmeyt noon na si MJ. So, madalas sila MJ and company ang mata ko sa mga ganitong lecture events noong high school (4th year). Mabalik sa present time, ayun na nga naayos na rin naman ang salamin ko, at libre lang ang paghilot-kalikot na ganap sa frame.

            Tapus, dumaan ako ng Generika. Sinisipon at masakit kasi ang lalamunan ko. First time ko atang bumili sa drug store na iyon (madalas kasi ay sa Mercury). Hinihingi pala ang name at contact number doon… para saan? Eh bumili lang naman ako ng gamot. Generic drug ang binigay sa akin (natural kasi Generika nga sila). Uminom ako sa tanghali bago pumasok… grabe… sobrang antok ko… yung 3 hours na derecho kong klase (with 20-minute break naman) ay laban na laban ako sa antok! Di ko naman in-expect na nakakaantok pala yung gamot na yun.

            Ang highlight ng araw na ito ay yung pagbisita ng ilan sa mga advisory class ko last school year. Di ko naman birthday today, I mean kahapon (July 5), pero sumugod-bahay gang sila sa klase ko kanina. Gulantang tuloy ang mga hawak kong bagets, dahil itong sila student P and company ay hyper mode na bigla na lang pumasok sa classroom. So, lumabas ako saglit ng room para hindi masyadong magambala ang summative test ng mga bagets. Buti na lang at huling klase ko na iyon, at malapit na rin naman matapos kaya minabuti na lang nila na hintayin ako sa may covered court.

            After ng huli kong class, sinalubong ko na ang mga hyper na grade 10 ko dati. At hindi ko alam kung anong nakain ni student P at napaka-active nya kanina, lol. Tapus ang dami nilang kwento, at na-miss ko yung tandem nila student R at W sa mga kulitan mode nila. Hindi ko alam kung ano na bang itsura ko kanina or reaction or whatever kas inga hanggang sa mga moment na yun ay feeling high ako sa antok effect ng gamot na ininom ko. Pero, napakasaya na nakita ko silang muli. Pagkatapos ng picture-kwento-kumustahan moment ay hinatid ko na sila palabas ng school. Kahit kasi may 2 hours akong break eh hindi naman ako pwedeng lumabas pa kasama sila (at saka never pa akong lumabas kasama ang mga dating students dahil lang sa bday ko; di ko ito nakagawian; saka na siguro pag matured na talaga sila, yung hindi ko na maiisip na ako yung pinakamatanda at magsasaway pa lol). Halos di maubos ang goodbye’s and thank you’s sa mga bagets na bumisita. Ang hirap kayang magpaalam kasi di mo naman alam kung kelan ulit sila babalik, char drama! Pero feeling ko kanina habang lumalayo na sila sa daan at unti-unting naghihiwalay at naiwan na lang akong nakatayo sa gate ng school, parang eksena ito na may kapamilya kang mag-aaborad at alam mong sa hinaharap ay malaki ang magiging pagbabago nila at iniisip mo kung sa pagbabalik nila ay ganun pa rin ba sila kagiliw na makita ka…

            Basta, ganun. Hirap ipaliwanag, lol. Btw, nakatulog ata ako ng medyo nakanganga sa faculty kanina after ng visit-meet-and-greet ng mga bagets. Di ko na talaga nakeri yung antok eh hahaha. At yan ang dahilan kung bakit alanganin ang gising ko, dahil pagkauwi ko after kumain ay knock down na ulit me. So, get well soon… to me… or to myself?...



Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...