Be Fearless; Basta ako Channel 4!



"I am lead by my dreams, not by my problems"- isa lang yan sa mga linyang natatandaan ko sa mga blogs na nababasa ko. Sabi nga, we have to be fearless, dahil kung lagi tayong matatakot to explore this life, sayang naman ang buhay. tsk'

Madalas, meron tayong tendency na i-anticipate ang mangyayari bukas base sa mga problemang dapat nating harapin... yung ganung tipo ng pag-iisip ay napaka-negative, nagdudulot lang ng pag-aalala at nakakapagod na madalas ay humahantong din sa wala. Sabi nga eh, lagi naman nariyan ang mga problema... kumbaga mga expected visitors na yan :) Kaya, totoo naman, na mas masarap isipin ang bukas dahil alam mong isang araw na naman ang madaragdag at lilipas para makalapit sa pagtupad ng mga hinahangad mo sa buhay :) Kaya relax lang... mag-chill at be cool... have faith, be fearless!


x-o-x-o-x

Ang weird pala kapag mga limang araw ka nang nasa loob lang ng bahay. Yung para bang nasanay ako na sa loob lang ng bahay umiikot ang mundo ko, yung limang araw na wala na akong natanaw kundi ang mga dingding at kisame ng bahay namin :) Tapus paglabas ko parang bagong mundo, parang bagong laya lang na preso lol :) Ang weird talaga kanina. Kahit lagi ko naman nakikita ang labas, parang lahat ay bago sa 'king mga mata :) 

x-o-x-o-x

Minsan ayoko na manuod ng tv. Puro naman remake ng mga koreanovela ang mapapanuod. Wala na bang bago? Wala na bang original? Yung makatotohanan at di puro pagpapakyut at kakornihan lang :) (demanding lang, sayang naman kasi yung tv namin eh kung puro ganun lang ang palabas)

Sa ngayon ang mga favorite channel ko ay 11 at 25; GMA News TV Channel 11 at Net 25 feed your mind! :) Pwede na rin yung channel 4 'pag wala nang option lol :) Masarap kayang manuod ng press conference... hmpf. (wala kaming cable, level 01 lang ang yaman namin hehe)

Mga Komento

  1. press conference talaga? lol

    ganyan tayong mga pinoy. panalo tayo sa pag-gaya. LOL! i'm so proud to be pinoy. ;))

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oo pinapanuod ko talaga yun :) nakakatawa kasi minsan yung mga tanong at sagutan ng reporter at ng speaker, *babaw ko lang*

      yun nga eh, puro gaya, eh ang galing kaya ng pinoy! (manggaya?)

      Burahin
  2. tama! dapat tanggalin ang takot. ung mga problema malalampasan din yan..

    ako din napansin ko paulit ulit mga remake sa tv.. minsan di na bagay kung pinoy version na.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. korek! ang mga problema ay lilipas din at di dapat tumambay :)

      yun nga eh, mahilig gumawa ng remake na mas panget sa original lol :)

      Burahin
  3. kaya nga puro remake na lng kakaburaot manuod

    TumugonBurahin
  4. I think i have come to the point that I've already surrendered myself at the mercy of fate. It's frustrating. Ayoko na rin mag-expect. I don't want to fight life anymore. It's just like that.

    Pero ewan. Minsan ako ang nagbibigay ng encouragement pero ngayon ako naman ang nangangailangan. The thing is, I don't have problems. I always face my problems and try to solve them. All i have is a heap of regrets and an ever-growing hill of frustrations.

    But at least I'm brave enough to go forward and to keep myself focused on the goal.

    Limang araw kang nagbuhay ermitanyo? Walang klase? Ako naman, ilang araw na ako laging OT sa trabaho, it feels like my life's revolving around it. And I hate it. Lately I've been thinking that I NEED a vacation. I don't WANT it right now. I NEED it.

    And yes, with over-rated actresses and goofy actors, sayang talaga ang tv. Concentrate on blogging- tunay at mas makulay ang pagchismisan at pakikisawsaw sa buhay ng ibang tao, hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oo, sa isang banda, nakaka-frustrate din talaga ang mag-expect sa buhay na 'to, basta sa tingin ko, ang mahalaga ay sinusubukan natin na gumawa ng paraan para ipamuhay yung buhay na gusto natin *parang ganun hehe* kaysa wala tayong ginawa at all...

      mas madali talagang magbigay ng encouragement sa iba kaysa sa sarili...

      sembreak po namin kaya nakaranas ako ng libreng 5 araw na puro paper works din naman ang hinarap ko *kapagod*

      tara magbakasyon na tayo, Oh life! bigyan mo kami ng panahon sa aming sarili :)

      Burahin
  5. Ang tamad ko rin manuod ng tv.. manuod man ako news na lang din, hehe..
    Na-experience ko na din yung paglabas parang bago yun nakikita ko kahit same old same old naman, nakaka-aning din, haha..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. same here! mga balita at docu na lang talaga ang pinapanuod ko.

      hindi pala ako nag-iisa sa kaaningan kong yun lol :)

      Burahin
  6. Ngayon lang nagkaTV sa kwarto at may TFC kaya medyo enjoy ko ngayun ang palabas kahit ang korni ng telenobela. Napakapredictable ng story. hehe.

    Gusto ko yung be fearless mo. Tama ka dun ser. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. buti may TFC na kayo at kahit pano parang nasa pinas na rin :) yun nga lang ganyan talaga ang mga palabas ngayon, hindi pa man tapus pwede mo nang i-kwento ang ending lol :)

      tayo na maging fearless sa buhay na 'to! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento