My New Year's Resolution: Malapit na kasi ang Dec.21 :)



Unang araw ng Disyembre, kaya gumawa ako ng new year's resolution. Baka kasi matupad yung end of the world ng Mayan calendar sa Dec. 21, at least looking forward pa rin ako sa new year :)

1. Bawasan na ang pagiging 'tulala creature'.
-feeling ko kasi sa pagiging tulala ko lang nararamdaman na tunay pa rin akong tao :) na pwede naman akong tumigil kahit sandali sa mga pinagkakaabalahan kong anek-anek... yun nga lang minsan napapasobra nagiging 'tulala forever' :)

2. Be brave.
-maging matapang kasi sabi nga ni Steve Jobs, kung takot kang mabigo, you'll not go very far in this life... I have my visions naman kung saan ako pupunta at kung ano ang mga bagay na gusto kong gawin, siguro masyado ko lang kino-consider yung mga palagay ng 'iba'... eh sila yun eh, di naman ako yun, so be brave to take your own steps sa buhay...


3. Follow your heart, dreams and intuition.
-sa ganitong paraan magagawa ko kung anong gusto ko, ganun talaga ang life eh... di sa lahat ng oras ay mapupunta ka sa piniling daan ng marami, minsan kailangan mong gumawa ng sarili mong daan, and you should let your heart, dreams and intuition lead your way :)

4. Be Open.
-in other words, ibulalas ang sarili sa lahat, pati kaluluwa lol...on a serious note, siguro naisip ko lang, maging bukas pa sana ang aking isip at puso (meron ako naks!) sa marami pang bagay.

5. Mag-exercise.
-gusto ko naman ma-xp na gumalaw galaw, yung pagpawisan, kasi baka lumaki yung tiyan ko hehe :) tumaba na daw ako kahit pa'no, pero ayoko naman ng sobra, saka for health reasons na rin, diabetic pa naman ang pamilya namin tsk'

6. Maging mas positibo pang nilalang.
-optimistic ang tingin sa 'kin ng mga kakilala ko, pero syempre behind that mind set, medyo may pagka-nega kasi ako :) kaya lagi kong pinupunan ang sarili ko ng mga positive vibes at effective naman kasi in that way mas nagiging resilient ako anuman ang mangyari sa 'kin, good or bad ika nga eh win-win pa rin dapat :)

7. Mag-plano at gamitin ng tama ang oras.
-sabi nga eh, 'if you fail to plan, you plan to fail'... at ayoko na masayang ang oras ko thinking about the past, about other people na wala rin namang concern sa 'kin, worrying etc.

8. Maging mature.
-maging young at heart pa rin naman, but I have to act my age and do my responsibilities well (bata pa naman ako I'm just 23 lol) minsan kasi ang sarap lang maging 'pbb teens' haha, pero hindi yung landi factor, yung tipong bata ka pa at walang masyadong alalahanin sa life... sarap :)

9. Pataasin ang EQ :)
-marami akong friends at mabubuting tao na nakasalamuha sa aking buhay, and I want them to feel, more than for them to know, na na-appreciate at thankful ako na nakilala ko sila, personal man or not (with tears of joy)... masarap lang talaga yung feeling na naging connected yung buhay mo sa marami pa... parang pwede ka na rin mabuhay magpakailanman :) at dahil diyan ipagpapatuloy ko yan.

10. Take life as it is... give and get the most out of it :)

-sampu lang yan sa mga nailista ko, alam kong marami pa akong dapat baguhin at pagyamanin sa sarili... I know soon, makakamit ko rin ang 'best version' ng aking sarili (may ganun ba talaga? lol)...

Mga Komento

  1. Pano yung No. 9? dyuk! Maaga yata eto. Goodluck sa lahat ng NYR mo :)

    TumugonBurahin
  2. Natawa ako sa Dec 21 end of the world na yan..hehehe. Unang una di totoo yan kaya wag matakot.

    Magaganda ang mga new year's resolutions mo. Pero ang pinaka da best ay yung pang huli. It summed up all that you have written. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama :) sa dami ng nilista ko, no.10 lang talaga ang concern ko dun hehe

      Burahin
  3. sana magawa mo yan. napaisip tuloy ako kung ano sa akin hehehe

    tulad mo gusto ko na ring mag exercise... natawa din ako sa end of the world hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gawa ka din :)
      at least prepared ako with my new year's resolution if ever magkatotoo yun haha'

      Burahin
  4. 1. LOL.
    5. Sayaw ka po Gangnam Style. :P
    - makakamit mo ang 'best version' mo kapag ikaw ang naging best teacher sa Physics. hehe :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ayoko talaga ng gangnam style, wala na bang iba? lol
      uhm... feeling ko magiging best version ako ng aking sarili kapag nakawala na ako sa Physics na yan hehe :)

      Burahin
  5. Ang dami. Sana kayanin ng powers mo. Good luck. Mamasyal ka, pasyal ka dito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto ko yan, pano ba pumunta dyan sa inyo sir? *libre* :)

      Burahin
  6. oo nga, pano yung #9.? shet, napacurious naman ako don.

    TumugonBurahin
  7. aga mo mag new years resolution ha
    haha ako pag gumagawa nito wa ko natutupad haha
    basta plano ko mag payaman next year

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. eh kasi nga baka matupad ang dec.21 lol
      same here, sana yumaman tayo higit pa sa pagiging literal na mapera :)

      Burahin
  8. Kaloka, akala ko kung bakit Dec 21! Sabi nila, hindi naman totoo yung magunaw ang mundo ngayong Dec, kasi yun corned beef namin e 2013 pa expiry! Hindi ako gumagawa ng resolution, kasi hindi ko naman nasusunod, haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha super tawa ako sa corned beef lol :) magtiwala tayo sa expiration date ng corned beef :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento