Ang Sarap :)



Mahirap talaga minsan pagsabayin yung mga bagay na gusto mong gawin sa mga dapat mong gawin :) Bakit ba kasi minsan, di sila magkaparehas?

Napakadaming tao sa mundo, mga 7 billion na ata tayo, 7 bilyon ding mga pangarap, pwede bang lahat yun ay matupad?

Tatlong taon na akong graduate sa kolehiyo, sa'n ba talaga ako tutungo? haha :)

Sabi ng nanay ko, 'always chase your dreams', sosyal pero in-english ko lang talaga :) Minsan nakakainip maghintay... nakakapagod din mag-effort... may mga down moments, pero ganun siguro talaga, kapag may gusto kang matupad kailangan paghirapan.

Sabi nung lolo na katabi ko sa bus, ilan taon na daw ba ako? syempre nagpabata ako lol. Sabi niya sa tanda ko daw bang iyon ay masaya ako... tapus napaisip ako, natulala ako sa salamin ng bintana. Dinedma ko na yung mga kasunod na kwento niya etc...

Tulad ko ay yung babaeng nasakyan ko sa trike, pinipilit maging matapang. Mura siya ng mura habang papaalis sa mga kasama niya sa pilahan... sa isip ko, marahil ginagawa niya yun kasi siya lang yung nag-iisang babae dun, para siguro di siya kaya-kayanin. Tinanong ko kung ganun ba siya katapang... sabi niya, kailangan kasi yun. Siguro nga, kailangan ko rin yun.

Sa tuwing bibili ako ng tinapay dun sa bakery, hindi na yung dating tindera ang nagbebenta sa amin kahit nandun naman siya, yung may-ari na haha. Bilang binesfriend namin yung tindera, lagi may dagdag yun kapag bibili kami, eh nakahalata ang amo, baka nga naman malugi...

Nahihiya pa rin ako magtapon ng basura, tulad ng balat ng kendi o stick ng barbecue, kahit makalat naman yung lugar. Sa tuwing gagawin ko kasi yun, naaalala ko yung mukha nung mga matatandang guro ko sa elem, baka magalit sila haha :) Tandang-tanda ko pa lagi nilang sinasabi with facial expression "wag kayong magtatapon kung saan-saan, kahit balat lang ng kendi, isilid nyo yan sa inyong bulsa"... napaka-masunurin kong bata :)

Sabi nung kaibigan ko, masyado daw akong nabubuhay sa nakaraan. Dapat daw mag-move on, itapon ang mga basura ng kahapon, bakit daw ba kasi yun ay pinanghahawakan ko. Simulan ko daw pulutin kung anong nasa harapan ko at bumuo ng kung ano mula dito. Tapus, ibinaba ko yung telepono, sabi ko na lowbat... reply sya ng "k"... eh wala naman kasing nalolow bat na landline haha...

Eh anung meron sa mga kwentong 'to?

Wala.

Gusto ko lang iparating na nagpapasalamat ako sa taon na ito, dahil sa blog na 'to. Dito pwede kahit ano. Yung ganitong tipo ng 'freedom' na wala masyado sa kinalalagyan ko. Malay ko ba na kahit pa'no tatagal din pala ang dating trip lang na ito...

Ang sarap :)

Mga Komento

  1. hehe ang sarap nga ng freedom:)

    happy new year!

    TumugonBurahin
  2. The ultimate example of random sh*t in blogging. hahahaha! Happy New Year! This time the comment is shorter. Napa sobra kasi ako last time. hahahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oo nga, for the record, ito na ata yung pinakamaikling comment mo hehe. happy new year din! God bless :)

      Burahin
  3. well for me life isn't about what we want to be or to have or even what we have achieved, it's more about the journey and the struggle of reaching and bringing your dreams into reality and appreciating the beauty of life itself.
    in short Enjoyin mo lang yan dahil pag dating ng panahon yan ung mga nakakaproud balikan
    happy new year parekoy

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yah i agree! hapi new year din! :) sana palarin sa 2013 :)

      Burahin
  4. Pasasaan bat magiging makulay ang iyong daigdig. Wag magmadali, sikap sikap lang, at dasal, darating din ang suwerte. I started to live life after six years of teaching. Ups and downs will always be there. The same reason I started a blog, to write all about what is inside of me. And to meet new friends become a bonus. More power brother! :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sana nga maging colorful ang mga darating na kaganapan sa buhay:) more power din sayo!

      Burahin
    2. haha wag na sir, hayaan mo na yan sa mga squirrels, sisibol din ang mga mangga dito sa marso :)

      Burahin
  5. Ang saya ng random post mo na'to. Pero ang pinaka summary neto para sakin ay ang dream. Future sa hinaharap. K! lol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. K! haha
      oo, i'm looking forward talaga for the next year...
      i would like to believe that something good will happen to me! i hope! i hope! and i pray :)

      Burahin
  6. Ay basta happy new year! let's welcome 2013 with happiness at uunlad din ang ating buhay :)

    TumugonBurahin
  7. Mga Tugon
    1. happy new year din! parang nakalimutan ko na yung school, akala ko bakasyon na :)

      Burahin
  8. napaka deep. may pinanghuhugutan ka.. di pa late..bata ka pa..so chase ur dreams talaga..pero wake up ha so u can do it

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento