"... alibi." ng buhay


Ika-29 ng Hunyo, 2014
Linggo, 12:37 ng tanghali


            Sa umaga pagkagising ko, ang unang tanong ko sa aking sarili ay “Anong oras na ba?”. Di naman ako makatingin sa wall clock, hindi naman kasi kalakihan, at isa pa ay malabo ang aking mga mata. Wala naman sigurong natutulog ng nakasalamin, kahit nagawa ko na yun nung mga haggard days ng aking buhay hahaha.

            Kapa ng kapa… para mahagilap ko ang cellphone sa aking kama. Minsan di ko alam na nadaganan ko na pala, o kaya ay sumuot na sa ilalim ng sapin kama. Kapag nakita ko na nagising ako ng mas maaga sa itinakda kong oras, matutulog ulit ako… at ang kasunod ay paggising ng huli. O kaya kapag sakto naman ang gising, hihirit pa ako ng “… mga 20 minutes pa,” sabay tulog ulit. At minsan, ‘super-bwisit’ (super? lol) kapag late ka na talaga nagising.

            I don’t wanna caught myself… mmm… you know lol.

 Ayokong makita ang buhay ko sa paraan na araw-araw na lang ay tatanungin ko ang sarili ko ng “Ano bang gagawin ko ngayon?”… Ayokong mabuhay para magtrabaho lang… o hindi ko gustong makita ang buhay na puro trabaho lang. Alam kong masaya kapag nakikita mong nagbubunga ang lahat ng effort mo sa iyong trabaho… pero may mas malalim pa akong dahilan na pinaniniwalaan kung bakit ako narito sa mundo. You know!

Ang gusto kong itanong sa sarili ko pagkagising ay ang mga sumusunod:

“Ano ang gustong-gusto kong gawin ngayon?”

Parang katulad lang naman nung una, nadagdagan lang ng “gustong-gusto” haha. Gusto ko talaga ang magbasa at magsulat. Pero ‘like na like’ din ako ng katamaran.

“Ano kayang bubuo sa araw ko ngayon?”

Tulad halimbawa nung nagpagawa ako ng Art Folio na sa di ko malaman na kadahilanan, bukod sa alam kong hunyango lang ako sa usaping sining hehe, di ko talaga lubos maisip na nagkakasakit na pala ang sining, imbes na Art Folio ang ilagay na pamagat sa kanilang portfolio, ang mahuhusay na bata ay inilagay ang ART POLIO o kaya ng ART FOLOIamazing! Lols. Gusto ko sana ilagay ang larawan ng mga gawa nila hahaha, kaso ang hard ko naman kung ganun. Yung bigla na lang nawala yung pananakit ng likod ko sa pagbubuhat ng mga bagay na iyon, dahil may ‘surprise!’ pala akong makikita.

“Sino kayang mami-meet o makakausap ko ngayong araw?”

Mas marami na ngayon ang nakakasama ko. At hindi sapat ang maghapon para lang mabigyan ko sila ng pagkakataon na kausapin ako. Alam mo naman, napaka-busy kong tao hahaha. Kaya alam ko na may punto o tagpo talaga na nakalaan kung kailan mo sila makakausap, yung hindi lang “hi and hello”, yung something meaningful, deep and sensible than that haha, at masaya ako na kahit pa’no I get to know them, one at a time.

“Ano naman kaya ang bagong matututunan ko ngayong araw?”

Na madalas ay kinakalimutan ko lang din, o di ko ina-absorb mabuti. Baka hindi pa ako ready haha.

Minsan sa sobra kong mapag-isip gusto ko na orasan ang lahat ng aking mga galaw, para lang magawa ko lahat ng sa tingin ko’y kailangan at gusto kong gawin. Halimbawa;

30 minutes lang sa pagbabasa ng libro sa umaga o kaya 1 chapter a day na hindi ko pa rin nagagawa hahaha,

5 to 10 minutes na stretching habang nakahiga sa kama lol,

2 hours na work preparation sa morning bago pumasok,

1 hour na pagkain at ‘me time’ sa umaga,

30 minutes na ligo, 15 minutes na pag-aayos, at 30 minutes before time sa pagpasok sa trabaho,

1 hour na pahinga pag-uwi, 2 hours na paggawa sa gabi para sa iba pang tasks,

7 hours na tulog ngunit dapat may 30 minutes to 1 hour na pagbabasa ng mga blogs o pagsulat kung hindi nasasabaw.

Lahat ng yan ay ‘waley’! Sinusunod ko pa rin ang ‘random oras’ ng buhay ko hahaha. Pakiramdam ko mas mamamatay ako ng maaga kapag ganyan ang buhay. Ayokong orasan ang aking buhay, gusto kong damhin ang mga oras na ako’y nabubuhay.

Yan ang alibi.



Mga Komento

  1. sa ngayon ang gusto kong gawin matulog ng matulog ahahaha

    TumugonBurahin
  2. Kung minsan ganyan din ako, ino-orasan ko ang nga tasks pero di naman nasusunod.

    TumugonBurahin
  3. I have a routine for the day when it comes to devotion and work. Pero sa freetime, depende sa mood. There is somthing to learn naman in everything including katamaran. Hi hi

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. agree po ako sa inyo :) sana nga po ay matutunan kong isantabi sa matagal na panahon ang aking katamaran :)

      Burahin
  4. Ramdam kits friend! Hahaha Lalo na sa katamaran :) Pero eto, bet na bet ko
    Ayokong mabuhay para magtrabaho lang…

    ang gusto ko yumaman #charot haha

    Pero seryoso, nararamdaman ko magiging isa kang magaling na manunulat. At sana i-push mo yun!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mabuti naman at may karamay ako sa katamaran, akala ko ako lang ang kanyang 'favorite victim' hehehe.

      Salamat! Dinama ko ng husto ang huling pangungusap ng iyong komento. :) 'Feelingero' lang talaga ako lols.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento