Lumaktaw sa pangunahing content

"11. Oh ayan nakainom na ako."


Ika-12 ng Mayo, 2014
Huwebes, 5:19 ng hapon


1. Nakaka-miss ang gumising ng alas-singko ng madaling araw para abangan ang pagsikat ng araw. Nakaka-miss yung experience na nakikita kong unti-unting lumiliwanag sa aking kwarto… yung katahimikan… yung pakiramdam ng bagong simula… yung feeling hopeful (parang fb status lng haha) at yung magbasa ng libro na parang kinukwentuhan ka ng sumulat kahit sa loob lang ng isang oras.

2. Ang manuod ng downloaded movie sa gabi… Naka-earphone… yung volume na sapat na para wala ka na ibang marinig kundi yung pinapanuod mo. Yung damang-dama mo ang pelikula na para bang isa ka sa mga karakter o kakampi ng mga pangunahing tauhan. Yung hindi ka nagwo-worry kung gaano ito kahaba o kung anong oras ka matatapos sa iyong pinapanuod… at kapag matutulog ka na gusto mong ipagpatuloy ang kwento ng pelikula sa iyong panaginip kasi sobra kang na-touch / naka-relate / na-hook sa pelikula lols.

3. Yung makinig ng radyo kaysa manuod ng mga overrated tv programs. Mga ingles na musika na hindi mo alam kung kailan naipatugtog o kung sino ang kumanta. Basta patok sa tunog na nais ng iyong kaluluwa… nakagiginhawa.

4. Ang magbasa ng mga blogs at mag-iwan ng komento dahil nakaka-relate ka at damang-dama mo rin ang sinulat niya. Na minsan, naiisip ko sana hindi lang basta pag-iiwan ng comment ang magagawa ko, yung pakiramdam na natutuwa ka kung gaano katotoo ang kanyang ipinapahayag na gusto mo na rin maging ‘super close’ ang mga taong nagsusulat sa blog na iyon. Na kung humihinto lamang ang oras habang ikaw ay nagbabasa ay magagawa mo sanang basahin at maging updated sa lahat ng mga isinusulat nila… pero hindi kasi ganun hahaha, minsan kailangan pigilan ang sarili kasi may iba ka pang gawain.

5. Minsan naisip ko napaka-diktador ng mundong ito hahaha. Minsan may mga araw na bawal huminto sa pag-iisip at paggawa ng mga preparasyon na kailangan mong gawin para maka-survive ka at kahit pa’no ay masabi mo na parte ka sa ‘galaw’ ng mundong ito… para maramdaman mo na kasabay ka rin ng mainstream current kung saan naroon ang karamihan ng populasyon sa mundo lols. Kaya nakakahanga ang may ‘sariling agos’ at ‘sariling galaw’… sila ang tunay na malaya.

6. Niresetahan na naman ako ng ferrous sulfate dahil anemic na naman ako. Dati ko pa naman itong kondisyon, proud to be laking Tiki-tiki at Incremin ako hahaha. Lumalaklak din ako ng vitamin C nung elementary, at nung college haggard days, hindi pwedeng mawala ang maliliit na tableta ng ferrous sulfate dahil kung hindi baka pulutin na lang ako kung saan lols. Bumalik na naman ang pagiging anemic ko… ramdam ko ang pamamanhid ang mukha ko, pamumutla kasabay ng para bang ramdam ko ang agos ng dugo sa aking bungo lols. Idagdag mo pa na napakahilig kong magpuyat…

7. Nakakatawa na nakakaasar. Paano ko ihaharap ang sarili sa marami para sa sinasabing ‘physical fitness’. Pinagkaisahan ako ng tadhana, parang pang-asar naman ako sa aking kinalalagyan… kung may awkward situation na tinatawag, itong-ito na yun! Grabe! Lols. Kung meron mang misfit / accident / sarcasm / oxymoron ito na yun… ako na talaga yun! hahaha. Isa na akong malaking joke, hindi ko kinaya hahaha.

8. Nung nakaraang dalawang linggo, robot-mode muna ako. Bawal makadama o intindihin ang nararamdaman. Kasi ‘pag ginawa ko yun, masisira ang schedule ng obligasyon mo sa diktador na mundong ito. Ganun.

9. Ang sarap sa pakiramdam habang nagsusulat ako dito sa aking kwarto at nakikinig sa radyo. Makulimlim ang paligid kaya medyo malamig. Gusto ko yung mga moment na ganito, na pang-asar din kung ako ay hihiling na “sana di na ito matapos” kasi alam mo naman na hindi humihinto ang oras, hindi ka maaaring mamalagi sa iisang lugar… hindi ka maaaring mag-stay sa iyong mundo…

10. Sa mga adik din sa ferrous sulfate, isang oras bago kumain o dalawang oras pagkatapos ang pag-inom nito… 6:06 na, sakto halos isang oras bago kumain ng hapunan… iinom na muna ako ng paborito kong tableta lols.

11. Oh ayan nakainom na ako.


x-o-x-o-x


“Make one person HAPPY each day, even if it’s yourself.”
-Anonymous


x-o-x-o-x


Papemelroti Question: What do you most often DREAM about?

My Answer: I dream about my dreams hahaha.



x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagUlan
#IMissMyself
#ThisIsLife


Mga Komento

  1. sobrang miss ko na yung number 3 huhuhu. Hahaha nakakarelate din ako sa number 4.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakaka-relax kasing makinig ng radyo kahit di mo trip yung music :)

      Burahin
  2. may maiposte lang ako dito para malaman mong tumabay ako dito sa crib mo. hahaha

    TumugonBurahin
  3. Nakakamiss talagang abangan ung pagsikat ng araw tuwing alas-singko, ser Jep. Tag-ulan na eh, kaya wala talagang araw hihihi XD

    Hobby ko rin yang makinig ng fm radio while browsing the net or minsan ung kahit nakatunganga ka lng sa harap ng laptop monitor at pinagmamasdan mag blink ung cursor.

    Kain ka ng maraming ampalaya at malunggay ser, pampadami ng dugo hehe XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha, ou nga tag-ulan na...
      ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakikinig ng radyo, yung damang-dama mo minsan yung tugtog, o kaya naman nakawawala kasi ng antok :)

      Burahin
  4. gusto ko talaga ang writing mo. hehe
    at oo pasok ako sa number 4. damang dama ko ang mga sinusulat mo. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat :) nagtataka ako bakit kaya? lols

      Burahin
    2. kasi may sarili kang boses. at yun ang magseset apart sa iyo sa iba. :)

      Burahin
    3. oh wow :) meron pala akong ganun :) thanks!

      Burahin
  5. Watching sunrise, listening to music, watching films, writing...I love to do those things too. Take care and God be with you:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yung po ang mga simpleng bagay na nakapagpapasaya sa akin :)
      salamat po!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...