"...di na kailangan pa ng starbucks with piktyur-piktyur."


Ika-30 ng Hunyo, 2014
Lunes, 7:43 ng gabi


            May lagnat at sipon… ganyan ang drama ng kalusugan ko noong Sabado at Linggo… hanggang ngayon. Yung naluluha ang iyong mga mata kahit di ka naman nanunuod ng drama, yung ang init ng singaw ng hangin sa ilong mo at ramdam mo yung nanunuot na sipon sa dulong itaas na bahagi ng iyong ilong na nagpapabangag sa iyong mata at nakapagpapa-ngongo sa iyong pagsasalita.

            Gusto ko man gumawa (o pabor rin na di ako makagawa? haha), wala akong choice kundi ang magpahinga. Noong linggo, hindi ko talaga alam kung paano ko uumpisahan ang lunes na ito… wala ako sa mood (lagi naman ‘pag lunes)… wala akong lakas kumilos… wala ako sa tamang wisyo para mag-isip.

            Hindi ko alam kung pa’no ko iha-handle ang mga bata gayong napakahina ko ngayong araw. Akala ko lalo lang akong maha-haggard kapag nakita ko na sila… pero sa di ko malamang dahilan, sila pa yung naging daan para kahit paano ay magkaroon ako ng kaunting lakas. Masokista ba ang tawag dito? Hahaha. Naalala ko tuloy yung kaklase ko.

            Hindi ko rin mawari kung paano ako haharap sa mga nagpapanggap na bata o mga malalaki na pero isip bata hehe, hindi ko alam kung mage-gets ba nila ako ngayong araw o baka pauupuin na lang nila ako dahil baka hindi nila gustong makita akong nanghihina. Pero bigla na lang din, hindi ko rin inasahan, na parang na-enjoy ko pa ang makipag-usap at makipag-tawanan sa kanila.

            Ang weird. Bigla ko na lang nakalimutan yung sakit ko.


x-o-x-o-x


            Pag-uwi, dumaan muna ako sa isang tindahan para bumili ng instant noodles (no cook just add hot water lol). Pero hindi Yakisoba ang binili ko (tulad nung nakagawian namin nung magkakasama pa kami), ang binili ko ay Yakiudon Chili Crab!

            Damang-dama ko dati ang pagkain ng Yakisoba with chicken neck at balot! Ganun kasi yung ginagawa namin matapos ang maghapon na trabaho. Ganun lang kasimple ang pampatanggal namin ng pagod, di na kailangan pa ng starbucks with piktyur-piktyur hahaha. Idagdag mo pa ang kwentuhan at tawanan, wala ka nang hahanapin pa.

Pero sa ngayon ako muna ang gagawa nun mag-isa, saka na lang ulit daragdagan ng chicken neck at balot ‘pag nagkasama na ulit kaming lahat.

            Masakit pa rin ang lalamunan ko ngayon kaya mas pinili kong bilhin ang Yakiudon, di ko pa kasi kaya sa ngayon ang alat ng Yakisoba hahaha.  At least yung Yakiudon parang lantang noodles lang na may kaunting lasa at maanghang, swak na ito sa kalagayan ko bilang may karamdaman lols.

            Hindi ko sinasabing napakasaya ko ngayong araw, pero may mga tagpo na naging masaya ako. Okay na yun! Choosy pa ba? Hahaha.



Mga Komento

  1. nakakatuwa diba? when we get in front of the kids, bigla tayong nagttransform to our better versions... as in.. biglang lumalabas yung passion for kids and for learning.Nakakalimutan ang lahat basta andyan na sila. Hehe.

    Weather kinda sucks lately, ulan. araw. ulan. ulan. araw. araw. So better take extra care!!!! :D :D :D Ako, to boost resistensya, I make calamansi juice sa gabi tapos baon ko sya sa umaga with rice and ulam and sandwich at isang litrong tubig. Lols So, ang bulky ng dala ko sa umaga. Puro foodang! hihihi

    Get well soon Cher Jep :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nakaka-amaze kung minsan, para silang vitamins na hindi naman hehe.

      Siguro nga ay nagkasakit ako dahil sa pabago-bagong panahon, di pa man din ako nagpapayong lalo na kung ambon lang, kaya eto, danasin ang pagdurusa. :)

      Mabuti ka pa ang dami mong baon hehe, di kasi ako makakain masyado sa skul, try kong gawin yang calamansi juice. Thanks Cher Kat!

      Burahin
  2. May mga bagay talaga sa paligid natin na simple lang ngunit di natin aakalain na nakakapagpasaya at nakakapagpagaan ng ating pakiramdam kahit na wala tayo sa mood, o kung may meron tayong sakit.

    TumugonBurahin
  3. Sa kabila ng karamdaman mo nakapag post ka pa ng isang masayang karanasan! Iba ka talaga. Ganyang klaseng sipon ang pinakamahirap! Nakakaubos ng tissue! Pagaling ka ..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mahirap talaga ang sipon na ito, na kung pwede lang lagyan ko na ng tissue yung ilong ko lols. :) Salamat!

      Burahin
  4. You love your work and the kids kasi, kaya nabibigyan ka nila ng strength:)
    Get well soon!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Yun nga po ang iniisip ko. Mahal ko ba yung ginagawa ko o masaya rin ako kapag nakikita ko sila... at sana parehas na 'oo' ang sagot. :)
      Salamat po.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento