"Isa lang naman talaga ang gusto ko..."


Ika-28 ng Mayo, 2014
Miyerkules, 1:04 ng hapon


            Dati, nagkaroon kami ng isang in-house seminar, isang madre ang naging speaker namin. Natural lang na maging medyo madilim sa audio-visual room para makita ang powerpoint presentation. Pero ayaw n’ya daw kasi ng madilim, kaya pinagilid niya ang ilan sa mga kurtinang nakatabing sa bintana, medyo lumiwanag naman. Ayaw n’ya daw kasi ng gloomy dahil nakalulungkot at nakawawala ng positive vibes.

            Sabi niya kapag punong-puno na ang ating isip ng mga negatibong bagay, ‘wag daw mag-stay sa isang lugar dahil lalo lamang ito mananatili sa iyong loob. Lumabas daw at mag-enjoy sa araw, huminga ng hangin mula sa labas, tumingin sa paligid nang mapalitan ng positive energy ang pagiging nega mo…

            …Madalas akong mag-stay sa aking kwarto. Lumalabas lang ako ng bahay kapag kailangan, halimbawa kung may bibilhin o may lakad o may pasok o kaunting gala. Hindi rin maiiwasan na nakukulob din ang isip ko ng mga worries at negative thoughts kapag namamalagi lang ako sa kwarto. Kung di na naiibsan ng pagbabasa o pakikinig ng musika, bumababa ako sa sala para kausapin ang nanay ko… ng kahit ano… basta may makausap ako. Minsan gusto ko na yakapin ang nanay ko… kasi kahit di namin direktang pinag-uusapan ang mga gumugulo sa isip, puso at pagkatao ko (lahat na? haha), sa pamamagitan lamang ng mga kwentuhan namin gumagaan na ang nararamdaman ko. Kaya minsan di ko lubos maisip kung paanong binabalewala ko ang mga kwento ng nanay ko… lalo na nung mga panahon na para bang okay lang ako… na feeling ko kayang-kaya ko… pero ano man ang mangyari… tagumpay man o kabiguan… ang iyong pamilya pa rin ang iyong babalikan.

            Minsan kapag nagugulumihanan ako para bang kumikitid ang isip ko… para bang ang hina-hina ko. Na ayokong makita ako na ganun ng nanay ko kasi baka akalain niya na nagkamali siya ng pagpapalaki sa akin, mas gusto kong makita ako ng nanay ko na fighter tulad niya.

            Sa isip ko, may pananaw ako na sa ganitong edad dapat ‘ganito’ na ang mga na-accomplish ko… pero kung titignan ko ang sarili ko sa punto ng reyalidad, marami na nasa isip ko ay hindi natupad. Hindi ko rin naman masasabing nabigo… ang alam ko lang may mga nangyari rin na wala sa aking hinagap.          

            Tinatanong ko yung sarili ko kung nahuhuli na ba ako sa destinasyon na gusto kong puntahan… kapag ang sagot ko ay ‘oo’…  ang hirap matulog sa gabi kasi ayaw mo ng pakiramdam na para bang ‘stagnant’ ka lang sa higaan. Pero sa tuwing nakakakita ako ng mga halaman, humahanga ako sa kanila. Bawat isa ay may sariling paraan ng paglago at pamumuhay. Naisip ko ganun din naman sa buhay ng tao... darating din ang panahon kung kailan ka sisibol.

            Madalas kapag nakararanas tayo ng kabiguan, ang hirap maniwala sa mga sarili mong paniniwala, kasi hindi mo alam kung binobola mo lang ba ang sarili mo o gumagawa ka lang ng mekanismo para mas madali mong matanggap ang mga ayaw mong mangyari. Pero maniwala ka… kapag wala ka na makapitan, paniwalaan mo ang mga katotohanan sa iyong puso… maaaring mahirap kasi nakadududa, pero saluhin mo naman ang sarili bago ka saluhin ng iba.

            Tinanong ni Santa si Jack Frost ng “What is your center?” sa pelikulang Rise of the Guardians. Sabi niya, mayroon man tayong iba’t ibang katangian, pag-uugali o personalidad, lahat tayo ay may pinaghuhugutang “center”. Ang sa kanya ay ang mga matang laging namamangha (eyes that can see the wonder in everything) mula sa kanyang mga nakikita. At sana mahanap ko rin ang sa akin.

            Gusto kong maging honest at maging vulnerable as a person para wala na akong dahilan para hindi pa kapitan kung ano ang meron ako. Sa mundong ito na bawal i-display ang mga kahinaan mo kasi it will make you less of a person(?)… na para bang negatibong puntos iyon sa iyo tulad ng wala namang nagpo-post sa fb ng kanilang mga kabiguan at miserable nilang buhay because as much as possible gusto natin i-project ang pinkamaayos at hindi mapipintasang sarili natin at wala rin namang mali doon, yun din naman ang nais nating makita sa ating sarili.

            Natutunan ko na hindi sabay-sabay natutupad ang mga pangarap, na yung iba kailangang tahakin ang ibang ruta o daan para matunton nila ito. Minsan mas mabato at mahabang daan… pero sige lang, bawat isang hakbang kahit pa matinik makalalapit ka rin.

            Maaaring tinatanong natin si God kapag tayo ay nasa ‘down moment’ ng ating buhay. Halimbawa, nagkulang ba ako sa panalangin? Nagkulang ba ako sa paggawa ng mabuti?... Pero ang pananampalataya ay walang binibilang na ‘kota’… higit sa lahat manalig ka lang.

            Naiintindihan ko na hindi talaga ako ‘malakas’ na tao, hinuhugot ko rin ang mga kalakasan ko mula sa aking mga kahinaan. Iniisip ko, ayokong biguin ang nanay at tatay ko sa pagpapalaki sa akin, gusto kong malaman nila sa aking mga gawa at pamumuhay na ‘astig’ silang magulang para magkaroon ng tulad kong anak. Di ko alam ang lahat ng detalye ng pagtitiis at paghihirap nila para mapalaki kaming magkakapatid… pero yung alam kong kami ay may tahanan, may damit, may pagkain na pinagsasaluhan… alam kong katiting pa lang ito ng kanilang lubos na pagmamahal.

            Hindi ko alam kung paano ko pa ii-express ang mga nararamdaman ko sa ngayon, kung pwede mo na lang ako hawakan at automatic na mahahawa ka sa aking nararamdaman siguro maiintindihan mo ako lubusan. Parang lagnat lang. Ganun. Nakakahawa. Lols.

            Masaya akong buong bakasyon akong namalagi dito sa aking kwarto. Maraming mahihirap na pagmumuni-muni sa buhay ang naranasan ko. Maraming pagkakataon na kung pwede mo lang balatan ang iyong sarili para sabihin mong ikaw ay talagang nagbago.

            Iniiwasan ko na ngayong lumingon sa nakaraan. Anu’t ano man ang mga nangyari ay wala ni isa na akong mababago doon. Lagi ko ngayong pinapaalalahanan ang sarili ko na kung ano man ang ginagawa mo ngayon ay ang syang makakaapekto sa akin bukas. Kaya kailangan kong maging conscious sa aking mga ginagawa.

            Inaamin ko isa akong daydreamer. Dun lang kasi madaling matupad ang lahat ng mga ideya mo sa buhay. Isa rin akong manlalakbay sa nakaraan. Pero ngayon, itutuon ko na lang ang mata ko sa aking harapan.


            Isa lang naman talaga ang gusto ko…Gusto kong mangarap ng may puso.

Mga Komento

  1. Angi gaan sana ng buhay kung alam natin ang mangyayari bukas, kaya lang wala ng thrill kasi alam mo na ang resulta, Hanga ako sa tulad mo na sa kabila ng lahat ay hindi natatakot harapin ang hamon sa buhay,, gawin mong makatotohanan ang pangarap na yan..

    TumugonBurahin
  2. ramdam ko ang emosyon dito.... sabagay ganyan talaga minsan.... kahit ako parang ganyan din....

    ituloy lang ang pangarap,,,, walang masama diyan....

    TumugonBurahin
  3. We die if we stop dreaming:) so dream, work and dream more amd work more;)
    Good luck!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat po... gusto ko po talagang mabuhay para sa aking mga pangarap... kaso mahirap din po kung minsan... kaya manalig lamang.

      Burahin
  4. Cher Jep! Kahit hindi kita hawakan, I feel you!

    Hay... Kagabi, kagabi lang ako naglagi mag-isa ulit sa kwarto. Mukhang naenjoy ko naman ang katahimikan. Pagkatapos ng nakakaloka at naghahabol sa oras na Mayo, siguro naman mas kalmado na ang Hunyo ko, balik na ko sa routines ko.

    Pakielaborate nung "Gusto kong mangarap ng may puso." Hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat cher Kat!

      Ang ibig kong sabihin ay gusto kong tuparin kung ano ang nais ko hindi yung sa tingin ng marami ay 'mas successful' o 'mas makabubuti' sa akin... at hindi ko alam kung pwede ba yun...

      Burahin
  5. nakakatuwa naman Jeff, ganyan ganyan yung experience ko nung mga nakaraang taon,, tama ka sa moment palang na walang ka nang choice kundi gumawa ng bagong bagay makakaexperience ng pagkakaroon ng bagong perspective sa buhay. Natatandaan ko noon, yung time na nagdecide nakong pumasok sa field sarili ko lang yung kinunan ko ng advice, kasi nung hindi na ko nakinig sa sinasabi ng ibang dun ko lang naexperience yung mga bagay na nagpabago sa routines ko at dun ko lang narealize na kailangan ko na pala gumawa ng bagong bagay hehe.. Congratulations nga pala Jef! alam mo na kung para saan,, hehe baka naman gusto mo kaming ilibre minsan hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wala pa ang biyaya pete :) kailan ba yun darating? hahaha
      salamat sa pagdaan :)

      Burahin
    2. hmmm... kung hindi last week ng june first week yan ng July ... so antayin nalang namin ang bonggang bday celebration mo! hehe ...

      Burahin

Mag-post ng isang Komento