Last na 'to for this Year! :)

Ika-30 ng Disyembre, 2013
Lunes, 11:28 ng gabi

            Meron na lang akong isang araw para pagbigyan ang pagiging ‘tulala creature’ ko sa mundo. Dahil pagsapit ng bagong taon, balik gawa na naman ng kung ‘anek-anek’ na preparation at paper works. Di ko na ulit mapagbibigyan ang sarili ko na tumunganga sa maghapon, kaharap ang netbook, di na rin ako makakatulog kahit na anong oras na gusto ko, makakalimutan ko na naman ang saya ng panunuod ng telebisyon hehe. Pero okay lang, sapat na sa akin ang panahong binigay ko sa sarili para maging ‘tulala creature’ di naman kasi maaaring maging ganun na lang.

            Sabi nila, para magkaroon naman ng direksyon at purpose ang buhay mo, dapat alamin at gamitin mo ang mga ‘gifts’ na ipinagkaloob sa iyo, di para sa iyong sarili, kundi para sa iba. Ang mundo ay mas magiging mabuti kung lahat ay matututong wag maging makasarili.

            Kaya naisip ko sana makapagbahagi rin naman ako sa mundo para naman magkaroon ng silbi ang pagiging nilalang ko hehe. Kung ano man yun, ay maaaring di ko rin alam o hindi lang ako sure haha, kung may nakukuha man na mabuti ang iba mula sa akin, ipinagpapasalamat ko yun ng lubos.

            Masaya ako kasi isang taon na naman ang matatapos. Masaya ako kasi may mga bagay akong nagawa na hindi ko akalain na magagawa ko o dahil kasi hindi ko man lang pinu-push ang aking sarili hehe.

            Ayoko nang gumawa ng tema ng aking buhay para sa taong 2014. Mas maganda kapag surprise! Napakaarte ko naman kasi para bigyan pa ng theme ang buhay sa bawat taon, eh wala namang nasunod haha. Ang alam ko lang ngayon ay gusto kong mas maging masaya sa susunod na taon!

            Halo-halo ang nararamdaman ko. Mahirap na talikuran o iwanan ang mga nakagawian na pero exciting naman sa kabilang banda yung mapunta naman sa ibang tagpo ang iyong buhay. May kanya-kanya lang talagang time-frame ang bawat bagay o tao sa buhay natin. Hindi talaga marahil lahat ay mananatili pero di naman nangangahulugan iyon ng paglimot.

            Hindi ko alam kung bakit parang ang saya ko kahit hindi naman dapat haha, o kung bakit parang gustong-gusto ko yung buhay ko nitong taon na ito kahit pa di ko naman taglay ang lahat, basta di ko alam.

            Hangad ko na mabuhay ang bawat isa sa paraang gusto nila… gusto ko lang maging masaya yun lang!

            Gusto ko sana gumawa ng year end post tulad ng ibang bloggers, pero di ko masimulan kasi kaunti na lang ang naaalala ko haha. Nakalimutan kong mag-take note o kung meron man baka kasi ako lang din ang maka-relate haha. Kaya hanggang ganito na lang muna…

            Maraming salamat sa taong 2013!!! At halina 2014!!! Hehe.

Jepbuendia

11:54 ng gabi

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento