My 'Krismas Istori'

Ika-25 ng Disyembre, 2013
Miyerkules, 12:03 ng madaling araw

Ganito ang Pasko sa amin...

1. Hindi kami yung cheesy type na pamilya na pagsapit ng noche buena ay magpapalitan ng pagbati ng merry christmas, with beso-beso at bigayan ng gifts… No! No! No! haha. Pag ginawa mo yan sa aming pamilya, para kang matutunaw sa kakornihan, walang makiki-ride on sa’yo. Kung hindi man ganun ang mangyari, palilipasin na lang ang mga ganung tagpo haha. Mapapaisip ka na lang kung bakit sa ibang pamilya o sa pelikula ay okay naman ang mga ganung moments, pero pag sa amin parang ang awkward lol.

2. Dahil ang totoo, kahit pa may handa kami tuwing pasko, hindi naman talaga kami nagno-noche buena, naghahanda lang talaga eh kasi nga pasko… yung iba sa amin ay tulog na sa mga oras na ito, kinabukasan na lang kumakain ng sabay-sabay eh kasi naman almusal haha.

3. Ganun pa rin naman ang mga tagpo, solid pa rin sa kaingayan ang neighborhood namin, yung akala mo new year na kasi bidang-bida na naman ang videoke nila na basag naman ang tunog, na ayaw nilang paawat kahit pa sumuko na yung mga kasabayan nila sa pagvivideoke, go lang ng go!

4. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-simbang gabi. Never in my life ko talaga na-experience ang bagay na ito. Nahiya naman ako sa status ng isang ka-fb, sabi niya bakit daw napakaraming nagsisimbang gabi pero kapag linggo hindi naman ganun kasing dami. So ipinapalabas niya, ayon sa aking hinuha, na di naman pagsisimba ang pakay ng marami. So, nahiya naman ako, kasi di nga ako linggo-linggo nagsisismba tapus magsisimbang gabi pa ako haha. Napapaisip tuloy ako if mapupunta pa ba ako nito sa heaven lol.

5. Kung hindi siguro ako teacher, baka hindi pa ako makatatanggap ng mga regalo haha. Malaki na rin kasi ako nakakahiya namang mamasko! Saka malayo na rin sa amin ang mga ninong at ninang ko. At kahit may trabaho na ako, wala pa rin akong binibigay na regalo sa mga pamangkin ko haha. Eh sabi naman ni Santa di makaka-receive ng gifts ang mga salbaheng bata, eh mga salbahe naman mga pamangkin ko, so bilang pagsunod sa rule ni Santa, no gifts for them haha.

6. Napaka-usual lang naman ng selebrasyon ng pasko sa amin. Hindi masyadong alinsunod sa mga tradisyon at nakagawian ng maraming pamilyang Pilipino. Parang ordinaryong araw lang din na nagkaroon lang ng munting kasiyahan.

            Kaya napapaisip din ako kung bakit ba talaga ipinagdiriwang ng mga tao ang pasko? Nauunawaan ba ng marami kung ano ang pasko? Na hindi lang ito basta kapanganakan lang ni Hesukristo… Ang pasko ba ay nangangahulugan lamang ng mga handaan sa hapag at mga regalo? Wala na bang ibang paraan para i-celebrate ang krismas? Ano ba talaga ang sini-celebrate? O tayo lang talaga ang nagpapakasaya tuwing pasko? Paki-explain. Lols…

Mga Komento

  1. Buti nga sa inyo may handa khit deadma ang mga tao sa loob ng bhay nio sa amin deadma na nganga pa! Hahaha

    TumugonBurahin
  2. Happy New Year! Iba iba ang pananaw ng tao sa Pasko. Karamihan sa mga bata ang alam eh Santa Claus at regalo. Ang mga teenagers naman, simbang gabi eh ligawan moments. My family did not celebrate Christmas this year, personal issues, sayang. Pero hopefully the new year will bring us peace and prosperity.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kalungkot naman yung di sila nakapag-celebrate...
      totoo nga, iba-iba ang kahulugan ng pasko.

      hapi new year din sir! :)

      Burahin
  3. Alam kong last year pa ’to pero magco-comment pa rin ako, bet ko lang mag-share.

    Relate much ako dito, lalong-lalo na sa #1 & 4.

    Sa #2. Naghahanda naman kami pero hindi kami yung sumusunod talaga sa nakagawiang Noche Buena gaya ng dapat merong Hamon, Keso de Bola, at Lechon (wew meyemen!) sa hapag-kainan. Spaghetti, chicken, atbp ang inihahanda namin, yung sakto lang.

    Sa #4. Ganyan na ganyan din ako, never ko pa yan nae-experience, ang tamad ko lang talaga siguro, lol. Siguro magsisimbang gabi na ako next year, pero ayoko naman ipangako kasi di ba bad yun kapag di tinupad. Magsisimbang gabi ako kapag feel ko na talaga, ayaw ko naman gawin ‘to nang dahil sa nakikiuso lang. Gusto ko kung gagawin ko ‘to ay dahil sa gusto ko at bukal sa kalooban.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento