Hindi ko alam kung awkward bang masasabi kapag gumagala
akong kasama ang nanay ko hehe. Eh
kasi naman, mga ilang buwan ding hindi ko nakasama ang nanay ko sa galaan,
hindi na rin kami masyadong nakakapagkwentuhan dahil lagi na lang akong
nakaharap sa netbook, may ginagawa o
gabi na kung umuwi.
Nasabi kong awkward kasi hindi pala magandang gumala kasama ang iyong nanay
tuwing araw ng sabado. Yung eksenang nakasakay kami sa jeep at mga 55% ng
pasahero ay mag-dyowa haha. Yung
mari-realize mo na wala kang lovelife, na isa kang nga-ngang nilalang pagdating sa usaping
relasyon o pag-ibig, na yung tanging pampalubag-loob mo na lang ay maaari
nilang isipin na kaybuti mong anak dahil sa edad mong bente-kwatro ay kasama mo
pa rin sa galaan ang nanay mo lols.
Gayunpaman, kahit nakakainggit sa
puso ang mga nakikita mo sa paligid, masaya pa rin ako dahil nakasama ko ulit
ang nanay ko (pampalubag loob haha).
Moving
on sa panibagong topic… dahil sa
Disyembre na ngayon, uso na naman ang mga bigayan ng sobre habang nakasakay ka
sa jeep. Yung mga nanlilimos sa daan
na hindi na palad ang ginagamit sa panlilimos na bigla na lang sasakay ng jeep at magbibigay ng sobre sa’yo (sosyal naka-sobre na). Pero,
nakalulungkot talaga yung ganung eksena. Yung hindi mo alam kung kukuha ka ba ng
salapi sa iyong bulsa para may maibigay sa kanila gayung alam mo na kapag
ginawa mo yun ay para mo na ring sinabi na okay
lang na gawin nila ang istilo ng panlilimos na iyon na maaari rin nilang
ikapahamak lalo na yung mga bata na bigla na lang sumasampa sa jeep.
Hindi man masyadong socially relevant na sabihin kong Ms. Venezuela na naman ang nanalo sa Miss Earth 2013 ay babanggitin ko pa rin
hehe. Natuwa lang ako sa comment ng isang ka-fb, sabi niya- nakuha na nga
ng Venezuela ang Miss Universe, pati Miss Earth kanila pa rin! Ewan ko nga rin
kung ano bang meron sa mga taga-Venezuela,
marahil yun na ang ultimate essence
ng pagiging isang babaeng taga-Venezuela-
ang makapag-uwi ng korona mula sa iba’t ibang beauty pageant. Lagi na lang sila, sila na! lols.
At nung malaman ko na plano ng isang
congressman na taga-Valenzuela (magkatunog lang, maipasok lang ang issue hehe) na bigyan ng lifetime tax exemption si Manny Pacquiao napaka-comment talaga ako ng- parang hindi naman dapat! Grabe naman
kasi kung bibigyan siya ng ganung privilege
dahil sa siya ay nakapagbigay ng karangalan sa ating bansa. Napakakitid naman.
Si Pacman lang ba ang nagbigay ng
karangalan sa Pilipinas? Naku, maraming makikipaglaban diyan!
At
the end of the day, ang masasabi ko lang- live your life the way you imagine it!
Namayapa na pala si Nelson Mandela. Hindi ko siya personal
na kilala, di rin masyadong marami ang kaalaman ko tungkol sa kanya, ang alam
ko lang isa siyang lider sa Africa na
nagdulot ng pagbabago sa lugar na iyon. Ang alam ko lang talaga ay yung mga quotes na nababasa ko na galing sa
kanya, at masasabi mo talagang siya’y isang tao na punong-puno ng wisdom! RIP Nelson Mandela…
Awww.. para sa kin sweet na mag-gala kayo ni mader. Di mo dapat i-compare yung magandang pagkakataon na mag-date kayo ni mader sa mga nakikita mong kasabay niyo. I mean, kung ako ikaw, in a daily basis naiinggit ako sa mga nakikita kong mag-syota dito.. eh ano ba naman yung mag-date kayo ni mader. Totally not awkward!
TumugonBurahinHay naku, pabaliw na ng pabaliw ang nangyayari sa mga politiko ng Pilipinas. At wala naman akong comment kay Nelson Mandela, dahil ngayon ko lang talaga narinig ang pangalan niya.
salamat sa suporta hehe :)
TumugonBurahinewan ko nga rin sa mga pulitiko natin, wala na marahil silang maisip na iba...
Nice :) alam ko yang feeling na nanay mo kassama mo hehe idagdag mo oa na ouro babae coteachers ko at isa isa na silang naeengae napapatulala na lang ako dahil wala ako alam sa pagibig hahaha
TumugonBurahinyes i'm not alone haha :)
Burahin