Lumaktaw sa pangunahing content

PAPEMELROTI


1. Hindi naman siguro nakakahiya kung aaminin ko na… panatiko ako ng Papemelroti hehe.
2. Kapag may nagbibigay kasi sa akin ng kahit anong bagay na galing sa Papemelroti, napaka-thoughtful ng dating para sa akin. Nagustuhan ko yung ideya na gumagamit sila ng mga recycled materials.
3. Basta, hindi ko alam kung pa’no ko idi-describe yung feeling, parang napaka-warm ng mga items nila dun.
4. Napaka-creative ng pagkakagawa at inspiring pa yung iba, at syempre very affordable!
5. First time kong bumili sa mismong store nila sa SM Manila, gusto ko nga sanang magpa-picture kasama nung mga items nila sa store, kaso baka ma-weird-duhan sa kababawan ko ang mga namimili dun hehe.

Ito yung nakasulat sa isa sa mga notebook na nabili ko:

            Xvxn though my typxwritxr is an old modxl, it works quitx wxll xxcxpt for onx kxy. Thxrx arx twxnty-ninx kxys that function wxll xnough. But just onx kxy not working makxs thx diffxrxncx.
            Somxtimxs it sxxmx to mx that our group is somxwhat likx my typxwritxr. Not all thx kxys arx working propxrly. You may say, “Wxll, I am only onx pxrson, it won’t makx much diffxrxncx.” But you sxx, thx group to bx xffxctivx nxxds thx activx participation of xvxry pxrson.
            So thx nxxt timx you think you arx only onx pxrson and that your xffort is not nxxdxd, rxmxmbxr my typxwritxr and say to yoursxlf, “I am a kxy pxrson and nxxdxd vxry much.”

Nakaka-inspire lang!

(On a lighter side…) Hindi naman sa umaasa ako ng gift certificate o ng kahit ano mula sa Papemelroti… pero bilang panatiko ng Papemelroti sana meron hahaha… pasko naman lol.

Hello sa mga taga-Papemelroti! Ako yung kumaway at nag-smile pa sa harap ng inyong CCTV habang hawak ko yung mga notebook na yan hahaha, paki-review ang video lol. I never thought na magagawa ko yun sa sobrang tuwa ko sa inyong store hehe. Sana mapuntahan ko pa yung mas malalaking branch… hopefully!

Mga Komento

  1. na curious tuloy ako... parang di pa ako nakaka punta diyan hehehe.... sana makatanggap ka ng gift certificate.....

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. puntahan mo sir!
      sana nga may maibigay na gift certificate hehe (*asa pa*)

      Burahin
  2. Sana khit selfie meron kaw alam mo ko ang may ari nian sila tonypet , i mean anak siya ng may ari ung art isskol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. si robert alejandro, magkakapatid ata sila na nagmamanage ng papemelroti

      Burahin
  3. Medyo malayo sa 'yo pero sa Ali Mall Cubao ang first ever branch nila. Historic! Tapos in the same place sa Gateway Mall, may art and craft corner sila apart from their main store. Minsan alam mo iniisip ko sana naging kapamilya nila ako.. parang ang saya ng family nila.. lahat magaling sa arts & crafts

    ps na-receive ko yung text mo.. d ako nag reply kaso busyness at medyo kabadtripan day hahahaha ang daming paliwanag, o siya sa presinto na ako pupunta

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sana makapunta ako sa first ever Papemelroti store nila! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...