Lumaktaw sa pangunahing content

2026 Day 1

 

10:05 PM 1/1/2026

 

Usually, may pa-theme akong ganap kapag new year. Pero ngayon, walang nag-pop up na theme sa isip ko. So, wala na lang. Saka hindi rin naman nagtatagal, nakakalimutan ko rin pangatawanan, hahaha.

 

Dalawa kaagad yung una kong naisip na magawa this year. Una, maayos na yung collection ko ng mga bato para di naman sayang yung very impulsive kong pagbili sa mga yun, na di ko naman magagamit, matititigan lang talaga. Ang dami pang naka-box lang, na okay na rin dahil hindi pa rin ako nakabili ng shelf para sa mga yun. Ang hindi ko lang sure ay kung buo pa ba sila sa loob, or ganun pa rin ba ang itsura ng mga yun pag-open [kung kailan ko man yun magagawa]. Hindi na rin muna ako bibili this year [unless naka-timing talaga ako ng rare na bato] kasi nga hindi ko naman ma-organize. Pati bracelet, hindi na rin siguro, dahil nabili ko na rin naman yung mga gusto kong material. Pangalawa, may mga nabili rin akong libro last year, na dumagdag pa sa long list ng mga dapat basahin. Ano ba kasi, bakit ba bili nang bili pero ang tamad magbasa.

 

Hindi ko dapat isusulat ang mga ito, kasi baka hindi ko magawa, hahaha. Kaso, yun ngang hindi ko sinulat ay hindi pa rin naman nangyari, so baka kapag sinulat ko naman ngayon ay mangyari na.

 

Pangatlo pala, ay ang pagbabalik ko sa pagsulat ng journal. Nagawa ko rin ito nung unang araw ng 2025… at ayun, hanggang dun na lang, hahaha. Shuta.

 

Ano pa bang mga goals this year? Sa totoo lang, wala pa akong mai-set na goal sa career. Gusto ko muna mag-focus sa mga personal goals. Sa career kasi, para bang hindi pa ba namin deserve magkaroon ng maraming blessings, kaya nakaka-eme na rin umeffort tapos mapupunta lang sa mga reports. Okay, wag na pag-usapan ang career. Personal goals na lang muna, para matupad ko naman yung sinulat ko sa output namin noon sa GAD (Gender and Development training)noong November. Nakalimutan ko na yung tanong sa activity eh, basta tungkol ata yun sa self-care at/o mental health, ang inilagay ko dun ay “to pursue personal goal and interest”. So, baka ito na nga iyon.

 

Puro plano naman yung 2025 ko. Kaya nanahimik na lang ako eh. Nainis ako, hahaha. This year, sana gagawin ko naman. It is always hard na magsimula, pero gaano man ka-cliché, gagawin ko na lang one step at a time. Nakakatamad.

 

Meron akong hindi nagawang trabaho na dapat sana ay natapos na nung December 29. Hindi ko pa rin alam kung ako ay makakagawa. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming internet, naging factor din yun sa akin. Grabe yung frustration at stress ko sa internet na yan. Oo, Converge malala. Heto, sinubukan kong mag-data. Mukhang magiging sakit ako ng ulo ng iba. Naku naman.



Mga Komento