Lumaktaw sa pangunahing content

2026 Day 6

 

10:42 PM 1/6/2026

 

            Bukas may “visitation of the god/s…” Umay. May mga naalala na naman ako, hahaha.

 

            Mag-comfort cards pa rin ako ngayong araw. Wala naman akong maalala na kakaiba or tumatak sa akin today. Pero bago ang comfort cards, evident talaga sa mga bagets ang problem sa level ng comprehension nila. Kung sa homogenous class nga eh ay hindi rin naman lahat agad makakaintindi sa kanilang binasa, ano pa sa heterogenous class? Saka yung retention ng natutunan, kasabay ata lumipas ng nakaraang taon. Yung akala mo hindi naturuan. Pati yung listening skill ng ilang bagets ay problematic na rin, uunahin pang dumaldal eh. Kapag napagsabihan naman hindi mai-drawing ang mga mukha. Gigil ako eh, hahaha. Dagdag ko na rin pala yung kapag may essay ako sa assessment nila, dun ko talaga nakikita kung gaano lang yung na-absorb at naiintindihan ng iba. Ang malala may mga hindi na lang nagsasagot ng essay part.

 

            Bubunot ako ng dalawang comfort cards today. [Paano na lang pala kung wala akong comfort cards, ano na lang saysay ng journal ko.]

 

[1] Will you choose your mother in another lifetime?

 

            Basic naman, yes! And I thank you.

 

[2] What’s something you’re proud of na nagawa mo this year?

 

            Well, kauumpisa pa lang ng taon, kaya wala pa akong nagawa na nakaka-proud. Masaya lang ako na may pang-anim na entry na ako sa aking journal. [Sana maging consistent.]

 

            Bunot pa nga ako ng isa –

 

[3] If there’s one thing that’s free, what will you reward yourself with?

 

            Interesting. Habang nag-iisip ako ng sagot, hindi material na bagay yung naiisip ko eh. Kung may libre lang talaga, gusto ko makapag-aral abroad, hahaha. Eh kaso naisip ko, mag-travel na lang kaya, yung libre yung pag-travel ko kahit saan ko gusto magpunta. Naalala ko yung “Hippie” na book ni Paulo Coelho [na hindi ko natapos, umay], saka yung ilang documentaries na napanuod ko about sa lifestyle ng mga hippies [lalo na yung pagpunta-punta nila sa iba’t ibang lugar] yun yung gusto ko ma-experience. Saya siguro.

 

 

Mga Komento