Lumaktaw sa pangunahing content

2026 Day 2

 

9:56 PM 1/2/2026

 

            Wow, may pagsulat ako ng journal for day 2 ah, akala ko hanggang day 1 na lang ulit. Ayun na nga, kahapon sinabi ko na “Pati bracelet, hindi na rin siguro [muna ako bibili], dahil nabili ko na rin naman yung mga gusto kong material.” Aba’y kauuwi ko lang galing Divisoria [sinamahan ko si Clang at Olan na bumili ng uniform nila], napatambay ako sa online selling ng mga bracelets. Mahirap din matandaan ng seller eh, nag-good evening lang naman ako, then bigla na lang sinabi ni seller na meron na siyang bronzite na hinahanap ko. Ang ending napabili ako dahil panay hanap ko yun sa kanya last year. At hindi lang isa, bumili pa ako ng labradorite, na matagal ko na rin hinahanap sa kanya. Usapang timing naman talaga. Happy na rin. Feeling ko ito na talaga yung last na bili ko ng bracelets. Talaga.

 

            Ang pinaka-stable na bilang ng magkakaibigan ay tatlo. Pwede akong magkaroon ng maraming kaibigan pero meron dun talaga na dalawa na mas madalas kong makasama o ka-vibes o ka-wavelength sa mga bagay-bagay. At hindi lang isa, pwede ring maraming set na tigtatlo – triumvirate combi ganun. Na-realize ko lang, ganuon kasi madalas yung dynamics ko sa mga taong kilala ko or mga kaibigan ko. Mas na-enjoy ko yung ganun, kasi hindi mauubos yung social battery ko bilang isang introvert at mas hindi ako nagkakaroon ng hinayang na hindi makilala or makapag-bond nang husto with the other mga kaibigans dahil lang sa limited space and time, hahaha. Hindi ko na ma-explain. But I love seeing all my friends din naman sa isang gathering [na para sa akin ay dapat na minsan lang talaga maganap, hahaha].

 

            So, what am I grateful for para sa day 2 ng taon na ito? Una, I was able to join the bulletin sa tiktok ng isang pari, and I think ang balak nya dun ay mag-post ng maiikling daily reflections. Natuwa ako dahil day 1 pa lang ng post niya ay sumapol na agad. Pangalawa, kahit bumili lang naman kami ng uniform sa Divisoria, I was able to bond with Clang at Olan. It’s so nice to be with the buklover’s club, hahaha. Pangatlo, I am always grateful sa effort ng mudra namin sa bahay, sa pag-prepare ng food at iba pa. Kanina, I enjoyed eating yung natirang spaghetti na ininit niya sa air fryer, pati na rin yung ham na pinalaman ko sa tinapay, ayun napa-early dinner. Ang totoo, feeling ko impacho ako today. Dami naming kinain kanina nila Clang at Olan, tapos pag-uwi ko nakapag-early dinner na ako. Knowing na yung routine ko kapag walang pasok ay once a day lang ako kumakain [na hindi ko rin gets kung bakit, and this is what I am trying to improve on din, dahil hindi ata normal itong eating habit ko].

 

            Sa tingin ko, I will end this day na limited pa rin ang productivity but I am okay na rin sa ganun dahil I am living at the moment. Hindi ko pa rin nasimulan yung task ko at baka nagwawala na yung mga kasama ko dun, and I hope I’ll find time to do it [or if I will be very honest, gusto ko na nga lang to get a way out of it and just move on sa mga bagay na sini-set ko sa ngayon] para hindi na rin maging burden sa iba.

 

            Ayun. Dapat na rin pala akong pumili ng libro na babasahin ko. Dahil sa wala naman tayong love life so magpaka-bookworm na lang tayo. Hindi.

 

 

Mga Komento

  1. Jep, sinong favorite author mo? I don't have one, but the mister loves Haruki Murakami.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento