10:08 PM 1/3/2026
Syempre hindi ko hahayaang masira
ang streak ng aking daily journal. Ito na nga lang yung meron ako eh, hahaha.
Day 3 na. So, for today’s entry, wala talaga akong maisip eh. Naalala ko lang,
last year may binili akong “comfort cards – kwentuhang mental health” gawa ng “Bakas”.
Sige, subukan kong bumunot ng tatlo.
[1] Ano
ang huling pagkakamali mo na gusto mong itama?
Una pa lang ang lala na ng tanong,
hahaha. Ano nga ba… siguro bago nitong krismas break medyo irritable ako at
napaka-short tempered, to the point na pati dito sa bahay ay nawawala ang
pagiging angel ko [wow]. So, minsan may pinapasulatan sa akin na form si mudra
para sa lalakarin nila. Then, hindi kami nagkakaintindihan sa ilalagay, to the
point na nawawala yung patience ko at ang lakas pa ng loob kong mairita. Nakita
ko na nagulat si mudra sa naging reaction ko sa pagiging impatient ko. Kinalmahan
ko naman hanggang sa matapos ko yung pinasusulatan niya. Ang bad ko lang sa
moment na yun. Sino naman ako para maging impatient kila mudra? Eh ako nga
pinagtyagaan nilang palakihin di ba. Grateful din ako kay mudra dahil kahit
ganun ay di naman kami nagkakasamaan ng loob. Paano ko yun gustong itama? I
will be more patient sa mga bagay-bagay. Ganun naman ako [most of the time],
nagkataon lang na nung point na yun ay para bang whirlwind ang mga bagay-bagay
sa buhay. I am always grateful lang talaga na mudra will always understand.
[2] Kailan
mo huling sinabi sa sarili mo na: “hindi ko pa kayang magpatawad”
Eme naman nitong pangalawang nabunot
ko, hahaha. Sa totoo lang, hindi naman ako mapagtanim ng sama ng loob. Pwede
pang natatandaan ko yung bad na ginawa sa akin, pero hindi talaga ako nag-hold
ng grudge. Wait, isipin ko nga if kailan ko yan huling nasabi… wala talaga eh.
[3] Ano
ang bagay na sinukuan mo dahil hindi mo na ito kayang ipaglaban?
Napapaisip… wala eh. Siguro, wala pa
ako sa ganitong punto. Kasi lahat ng mga bagay-bagay sa buhay ko ngayon ay para
bang naka-hang pa lahat, or napaglilipasan ng mahabang oras pero hindi ibig
sabihin na binitawan ko na. Kumbaga, lahat ng strings ay hawak ko pa, hindi ko
lang sila ma-pull papunta sa akin or wala pa akong nabibitawan dahil ayaw ko na
or hindi na maipaglaban. Kahit parang napaka-stagnant ng mga eme sa buhay,
masasabi kong nakahawak pa rin ako. Nangangalay? Oo. Feeling stagnant? Oo. May
mga susukuan? Medyo or sana, pero wala pa talaga.
Yan lang.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento