Mahirap bang Matuto mula sa Ibang Tao?


Ika-16 ng Mayo, 2014
Biyernes, 9:33 ng gabi


            Isa sa pinagdaraanan ko ngayon – the agony of waiting.
            This too shall pass...


x-o-x-o-x


            Natutuwa at napapahanga talaga ako ng lubos sa mga taong hinubog ng panahon at karanasan upang maging mahusay na hindi nakalilimot kung saan siya nagmula at nananatiling nakaapak ang mga paa sa lupa. Lagi kong sinasabi sa sarili na kapag naging ‘mahusay’ na rin ako, sila ang aking tutularan.

            Nasabi ko ito kasi naalala ko lang yung isang tagpo na may nakausap ako noon… na nasaktan ako pero sa kabilang banda may natutunan din naman ako. Ayoko na i-detalye kasi tapus na ang pangyayaring iyon (baka akalain pa na hindi pa ako nakapag-move on hahaha). At last year pa ito naganap, ewan ko ba sumagi lang talaga bigla sa isip ko.

            Ayoko lang kasi yung ginawa niyang pasakalye bago niya ako kausapin… na kailangan pa niyang sabihin na nagtapos siya sa ganitong paaralan, na may ganitong degree na siya, na head na siya ng ganitong departamento… na hindi naman daw niya balak o intensyon na ako’y maliitin… nais niya lang daw i-establish ang sarili niya (para ba makilala ko kung sino ang kausap ko?). Pero sa kabila ng sinabi niya na wala siyang ganung intensyon (kahit pa ganun yung naramdaman ko), ay tinanong pa niya sa akin kung saan daw ba ako nagtapos etc… (na habang sinasagot ko ang kanyang mga tanong ay lawak na lang ng pag-unawa ang pinairal ko). Feeling awkward talaga yung moment na yun, hindi pa man din ako sanay ‘makipagpataasan ng ihi’… dahil hindi ko talaga gawain yun.

            Sabihin na natin na may ‘laman’ naman ang kanyang mga sinabi kahit pa ang ilan sa mga ito ay may sangkap ng bumubulang ‘pride’ lols. Naramdaman ko rin (sa gitna ng pag-uusap namin) na marahil napaisip din siya kung bakit sa ganuong paraan pa niya iprinisenta ang kanyang sarili sa akin. Sa loob ko, pakikinggan ko naman siya kahit ano pa ang katayuan niya sa buhay… malalaman at mararamdaman ko naman kung ‘credible’ ang mga sinasabi mo kahit sa paraan mo lang ng pagsasalita… marunong din naman akong tumimbang.

            Kahit nasasaktan ako habang nagsasalita siya, pinili ko pa ring maging mahinahon, at mula sa mga namumutawi sa kanyang bibig pilit kong ina-absorb yung mga katagang may matututunan ako (sabihin na natin na ako’y isang martir hahaha). Alam kong mahusay din ang taong ito (base na rin sa kanyang karanasan bilang mas matanda talaga siya sa akin kaya mas pinili ko na lang na siya’y galangin)… kaya nasabi ko talaga sa sarili ko nung araw na iyon na kung magiging mahusay man akong tao hindi ko siya gagayahin.

            At lagi kong tatandaan itong aral na aking natutunan.

May dalawang magkahiwalay na tagpo na nagkasalubong kami sa daan, ewan ko lang kung natandaan niya ako, pero alam kong naabot ako ng kanyang tanaw. Magaan ko talaga siyang nginitian nung mga tagpong iyon dahil nga hindi ko malilimutan yung natutunan ko nung kami’y mag-usap, wala na ang bigat na aking naramdaman. Pero tanging pagtataka lamang ang nakuha kong reaksyon mula sa kanyang mukha… hindi ko alam kung nagtataka ba siya kung bakit nakangiti ako sa kanya (kasi baka hindi na niya ako natatandaan) o kung natandaan man niya ako marahil nagtataka siya kung para saan ang pag-ngiti ko… anu’t ano pa man… salamat sa kanya.


x-o-x-o-x


            Ano nga bang ginawa ko ngayong araw… gumagana pa pala yung scanner namin… kaya naman inubos ko ang oras ko sa pag-i-scan ng mga larawan hahaha. Mula sa mga ID ko noong elementary, high school, college, hanggang nung nasa trabaho na ako. At sari-sari pang larawan mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan.

            Maniwala ka… ang mga larawan ko na mismo ang ebidensya… totoo ang teorya ng ebolusyon hahaha. Gusto ko sanang ibahagi ito kaso nahihiya ako… dahil isa itong matinding ebidensya ng ebolusyon lols. Pag nagkalakas na siguro ako ng loob. Ganun.


x-o-x-o-x


“Yard by yard, life is hard. Inch by inch, it’s a cinch!”
- Anonymous


x-o-x-o-x


Question: By some twist of fate, you have no choice but to be a professional sports player for the rest of your life. What SPORT would you choose to play?

Answer: Volleyball! (with exclamation point haha)


x-o-x-o-x


#WeCanLearnFromPeople
#MgaKwentoSaTagAraw
#Papemelroti



Mga Komento

  1. Alam mo bang kapag nagkikita kita kaming mga magkakaklase nung high school eh nanliliit ako. Mayayaman na sila at mga bossing na pero ako, nanatiling guro at walang kayaman yaman. Pero hindi kasi pera ang mahalaga sa akin. Mas mahalagang may naitulong ako sa lipunan at ang pagiging guro ay ang aking naging daan.

    TumugonBurahin
  2. Naku ser Jep, isa din sa pinaka hate ko sa tao yang bina-"brag" kung anu meron sila sa buhay, kayamanan, achievement etc... parang hello? anung silbi lahat nang mga iyan kung basura naman ang pagkatao mo diba?

    anyways, eto pala yung nabanggit nyong "pinagdadaanan" dun sa comment nyo sa blog ko hehe :D

    Question: By some twist of fate, you have no choice but to be a professional sports player for the rest of your life. What SPORT would you choose to play?
    Sagot: Tatlo ang sports na gusto ko. Archery, Ice Hockey at Soccer!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. agree ako sa iyong mga nasabi :)

      archery, gusto ko rin yan! :)

      Burahin
  3. nakakaloka ang mga nagbrabrag. lol
    well deadma. ang isipin mo na lang ang mga taong ganyan ay insecure pa rin sa kabila ng mga narating nila. kasi kung totoong secure ka sa pagkatao mo, you don't have to brag di ba? hehe

    hmmm sa question sa dulo parang bet ko sa soccer para hot. haha charot.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama :) ang mga bagay na meron ka ay hindi mo kailangang i-broadcast, dahil sabi nga sa 'desiderata' lagi namang may 'greater' o 'lesser' person kumpara sa iyong sarili...

      Burahin
  4. Hanga rin naman ako sa kasimplihan mo... hayaan mo na lang si tanda... mas masarap kang kausap kaysa sa mga ganun...

    TumugonBurahin
  5. Minsan mahirap para sa ibang tao na matutunan ang ibang bagay lalo pa't sarado ang isip nila... Pero ganun pa man ang madalas ko lang sabihin sa sarili ko ay, hindi ko kayang matuto ng ibang bagay kong hindi ko babawasan ang ego ko.

    Matanda man o bata ang nakakausap, inoobserbahan, at nakakasalamuha ko basta bukas ang isip ko at welcome ako sa bagong mga matututunan at patuloy akong matututo.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento