Lumaktaw sa pangunahing content

KORNI ideas?...


Ika-25 ng Mayo, 2014
Linggo, 1:11 ng madaling araw


KORNI IDEAS


1. INSIDE-OUT ITSURA

            Naisip ko lang, napaka-judgmental ng isip ng mga tao partikular na sa ating itsura. Halimbawa, inaakala kaagad nating mabubuti o may busilak na kalooban ang mga taong may ‘itsura’ sa madaling sabi mga gwapo at magaganda… at kapag panget ka wala kang karapatang mag-maganda (so mag-panget meron? haha) o mag-inarte, sa iyo ibibintang ang lahat ng krimen at kamalasan sa mundo, ikaw ang magnanakaw, tsismosa, alipin at kung ano-ano pa… saklap di ba?...

Kaya naman kung may kapangyarihan akong baguhin ang mundo (powerful? lols), gagawin nating congruent, tantamount at proportional ang kagandahan o kagwapuhan ng isang tao batay sa kabutihang loob niya, ika nga eh parang ‘magic’, inside-out ang proseso. Nang sa gayun, kapag panget ang itsura ng isang tao ‘automatic’ na alam na natin na kaya siya nagkaganun ay dahil pangit din ang ugali niya! Hahaha. Sa ganitong paraan, madali na nating madi-determine ang mga mabubuti sa masasama, at maiiwasan pa natin ang pagiging mapanlait at mapanghusga hehehe.

Sa madaling sabi, kung napapansin mong pumapanget ka na, ‘wag ka na magtaka dahil ipinababatid lang nito sa sumasama na rin ang ugali mo.

Kaya kapag ang isang pulitiko ay mukhang ‘baboy’ o mukhang ‘buwaya’ malamang kurakot yan. Dali-dali na natin silang makukulong, madali na para sa atin na sabihin sa kanila na “it shows you know!” (direct evidence ika nga hehe). Yung nga lang, hindi ganito ang ating mundo…


2. ON BEING A WRITER / AUTHOR

            Kung ako man ay makapagsusulat / makapagpapalimbag ng sarili kong libro (dream lofty dreams?) magpapagawa ako ng ilang libong kopya. Hindi ko ito ibebenta, libre ko itong ipamamahagi sa kahit kanino basta ba interesado siya sa aking libro. Kapag ito ay kanila nang nabasa saka lang nila ito babayaran, ipapadala ang bayad thru LBC hahaha, o kaya ay idi-deposito na lang sa aking bank account lols. Walang partikular na presyo silang babayaran, bahala na ang mambabasa kung magkano ang gusto nilang ibigay batay sa kung gaano ba nila nagustuhan ang aking libro.

            Kung hindi man nila nagustuhan ang aking libro… problema na nila yun. Hindi dapat sila kumuha ng kopya. At kung nagustuhan man nila ngunit hindi nagbayad, alalahanin natin ang mga karatula sa loob ng jeep - “God knows H-U-D-A-S not pay!” hahaha.


3. PAGKAIN

            Alam naman natin na maraming nagugutom sa mundo. At marami sa atin ang walang pakundangan kung mag-aksaya ng pagkain. May mga taong lubos na biniyayaan ng makakain at mayroon ding puro hangin na lang ang inilalaman sa tiyan.

            Kaya naman kung ako ulit ay magiging makapangyarihan na baguhin ang mundo (superpowers?), gagawin muli nating tantamount / proportional / equal ang dami ng pagkain na maaari mong kainin sa isang araw batay sa iyong mga kapaki-pakinabang na gagawin. Iprisenta lamang ang listahan ng mga gawain sa inyong “food officer” (may ganito?) at siya na ang bahala sa iyong mga food stabs sa araw na iyon.

Kung mas kapaki-pakinabang ang iyong gagawin (hindi lamang para sa iyong sarili) mabibigyan ka ng pagkakataon na kumain mula sa mga sosyal at glamorosong mga restaurant; kung hindi naman ay pwede na sa mga fast food o karinderya hahaha. Syempre at the end of the day may mga officers din na magtsi-tsek kung na-accomplish mo ba ang mga iprinisenta mong mga gawain, dahil kung hindi wala kang karapatang kumain bukas hahaha.

            Sa ganitong paraan, lahat ay makakakain basta ba’t kikilos sila sa araw na iyon. Hindi na tayo maku-kunsensya na kumain ng masigla gayong alam nating may mga nagugutom, dahil sa ganitong sistema kapag gutom ang isang kasama mo o kakilala, isa lang ang ibig sabihin niyan, isa siyang tamad at walang naisip na mabuting gawain nung araw na iyon, di ba?

Syempre hindi na kasama sa paggawa ang mga sobrang bata pa o sobrang tanda na para kumilos pati na may mga sakit o kondisyon / kapansanan (at ako bilang nakaisip nito haha), sila ay bibigyan natin ng pribilehiyo.

Pwede na ba akong maging pulitiko? Hahaha.


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#NagKapeKaNaNaman
#TulogLangYan
#BangagIdeas



Mga Komento

  1. 1. Minsan gumawa ng social experiment si Lourd De Veyra, gumamit siya ng dalawang tao- isang gwapo at isang gago (as in panget talaga). Mas lenient na magpautang at magbigay ng favour ang mga tao sa gwapo, at ano ang nakukuha ng gago? Iba pang kagaguhan mula sa mga nagpapanggap na gwapo. Man's judgement is truly fallible. Ang mga magaganda naman eh feeling entitled na manlait. Well, ganon na talaga kami eh. Sorry na sa inyo. Nyahaha!

    2. You are speaking of a Utopia for writers, the kind which I wouldn't want to belong to. Hehehe! Ganito yan, a work of art such as a short story or a novel is not simply a product of imagination. Ilan daang libong neurons ko ang nagtrabaho para magawa yan. When I wrote my first short story na na-publish, grabe, feeling ko na drain out ako. Three months of extensive research, countless hours of writing and re-writing, and the grueling moments of editing and exposure to the criticism of the editors and other critics. Then ipamimigay ko? No way. I know na cheap ang idea na ang work of art ay bibigyan ng isang commercial value, but i need to eat also and pay my bills. I need to put a price on it. Ang tanging satisfaction ay kapag nakita mo ang reaction na ng mga tao- kung makaka influence ka sa kanilang way of thinking, if you can move hearts and mountians, then masasabi kong may narating na talaga ako bilang manunulat.

    And besides, dapat ma presyohan yan, para may protection ng copyrights din. Senator nga natin nangongopya, how much more ang mga common citizens?

    3. Usapang pagkain na naman. ayoko na. sobrang bilog ko na. Hehehe! Malapit na election. Magsimula ka na rumaket!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. Yeah, tama ka Mr. Tripster, sorry na lang sa kanila hahaha :) (naki-belong? lols)

      2. Baka ma-sotto? :)

      3. Kailangan ko talaga ng mga 'raket' ngayon, nauso pa kasi ang salapi.

      Burahin
  2. Ok tong mga proposal mo ha. In fairness, nakaka-pressure magwork. Lels!

    As for the book, etong blog mo, pwedeng-pwede na! hahah.. Wala lang din talga kong pambayad :P hahaha

    TumugonBurahin
  3. Tantamount - Big word! XD

    Yung tungkol sa kagandahang pisikal, di ko naman ugali na manghusga lalo na sa pisikal na itsura lungs. May mga tao nga akong nakikilala na may itsura, pero mejo aloof na agad ako sa kanila. Minsan kase using your kutob at keen sense lng, ramdam mo na agad na di kagandahan ang ugali ng isang tao. Ganyan ako madalas.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mahusay ka pa lang makiramdam sa mga tao sa iyong paligid :)
      ganyan din ako, para sa akin okay lang na di tayo close kaysa lagi tayo mag-away haha :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...