Kalam ng Kaluluwa




KALAM NG KALULUWA

Patuloy kang gumuhit,
Ng mga larawang kaakit-akit.
Buong puso mong isulat,
Mga kwentong nakapagpapamulat.

Wag kang tumigil na lumilok,
Ng mga pigurang mapanubok.
Malinaw mong ipinta,
Ang nakikita ng iyong mga mata.

Iparinig mo ang iyong awit,
Hanggang ito’y kanilang masambit.
Buong lakas kang umindak,
Di lamang para sa mga palakpak.

Gawin mo ang iyong nais,
Magpunyagi at magtiis.
Walang hindi magagawa,
Sa kumakalam mong kaluluwa.


x-o-x-o-x


#shorTULA
#SigawNgKaluluwa


Mga Komento

  1. Napaganda naman ng tulang eto. para akong binibigyan lalo ng inspirasyon. Yong bang kahit sintunado boses ko ay para gusto ko na ring kumanta:)
    Have a nice weekend Jep. Keep on writing. I love your written words:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakaka-relate po ako sa boses na yan hahaha :)
      salamat po! :)

      Burahin
  2. Panalo 'to! Swabeng Payo sa mga artist... nice post..

    TumugonBurahin
  3. Inspirado ka talaga laging gumawa ng magagandang tula ser Jep ah :)

    sang ayon ako sa sigaw ng kaluluwa... let it all out! kung ano ang nais mong gawin na magpapasaya sayo ^^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakatuwa kasing gumawa ng tula, parang isang puzzle habang ginagawa :)
      tama! gawin ang iyong nais! minsan lang mabuhay :)

      Burahin
  4. Sir jep, maari ka ng gumawa ang koleksyon mo ng maiksing tula, tula, maikling kwento. kelan ka mag papalimbag ng iyong libro?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gusto ko ang iyong ideya...
      isang mailap na pangarap :)

      Burahin
    2. why not naman. ang lahat ng bagay naman na nagtatagumpay ay nasisimula sa isang pangarap.

      Burahin
  5. Para sa mga taong may pagmamahal sa sining at kultura.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Para sa mga taong nag-uubos ng oras at lakas sa pinakamamahal nilang gawain :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento