"... baka nasa nilalaman ng iyong puso." (God is NOT a genie)


Ika-23 ng Mayo, 2014
Biyernes, 1:43 ng hapon


            Sa unang taon ko sa kolehiyo, matapos ang first semester ay kailangang dumaan sa isang qualifying exam ang lahat ng mga education students. Ang resulta ng prosesong iyon ang magbibigay sa iyo ng karapatan para magpatuloy sa major na pinili mo. Ako ay kabilang sa mga science major. Na kapag hindi ka pumasa sa qualifying exam ng iyong departamento ay kailangan mong mag-shift sa ibang major (kung maipapasa mo ito) o ang pinaka-masaklap ay ang mag-shift ka sa ibang kurso.

            Tandang-tanda ko noong araw na iyon ang nararamdaman ko ay pagkasabik na may halong kaba. Nai-excite ako sa pagdaraanan naming proseso at kinakabahan kasi halos wala pa nga kaming 40 na science major ay mababawasan pa kami (grumaduate nga pala kaming mga science major sa bilang na 28).

            Nagdadalawang isip ako nung araw na iyon kung magdarasal ba ako na sana ay makapasa ako… sa isip ko kasi halos lahat kami malamang ganun din ang ipinapanalangin… pero batid ko rin naman na sa pagtatapos ng araw na yun ay talaga namang mababawasan din kami. Gusto ko na ayaw kong manalangin. Gusto kong manalangin para sa sarili ko pero sa isip ko kapag pinakinggan ako ni God, paano naman yung mga panalangin ng mga kaklase ko?...

            Then, I remember (wow english hehe) yung nabanggit sa akin ng isa kong kaklase. Sabi niya he never prayed para sa kanyang sarili (which I doubted hahaha)… dagdag pa niya mas ipinapanalangin niya daw ang iba kaysa sa kanyang sarili. Kaya nung araw ng qualifying exam namin nasabi ko na lang sa loob ko… “Sana po pakinggan niyo kami.”

            So I have no choice during that time kundi kumapit sa nalalaman ko at sa mga reviewers na dala-dala ko nung araw na iyon (mga test papers nung high school pa ako hahaha).

            Pagkatapos ng exam ay isang interview… isa sa mga tanong ay (ipa-paraphrase ko na lang)“Bakit deserve mong manatili bilang science major?” Hindi ko in-expect na ganun ang tanong… napatanong din talaga ako sa sarili ko ng “Bakit nga ba?” lols. Wala akong maisip na sagot… Ang nasabi ko na lang ay parang mawawalan ng saysay ang pagiging education student ko kung hindi lang din ako magiging science major hahaha. Matapos kong sabihin yun napangiti na lang ako… na hindi ko rin malaman kung bakit ganun yung naging sagot ko… tapus lumabas na ako ng kwarto.

            At nung announcement na ng result, masaya ako na narinig ko yung pangalan ko sa mga pumasa (kahit pa mukhang tanga lang yung sagot ko sa interview). May mga lumuha dahil hindi nila nagawang manatili sa aming departamento… kaya naitanong ko sa sarili ko… kung ipinagdasal nila na sana sila ay pumasa, nagalit kaya sila nung mga oras na iyon nung malaman nilang hindi natupad ang kanilang panalangin?... Syempre hindi ko na yun nagawang itanong sa kanila, napaka-awkward ko naman kung ginawa ko yun… pero yun yung tanong na nasa isip ko habang nakasakay kami sa jeep pauwi ng mga kasama ko.


x-o-x-o-x


            God is not our genie. Yan yung katagang tandang-tanda ko pa hanggang ngayon mula sa nabasa ko sa dyaryo. Madalas napakadami nating hiling kay God, na para bang ang purpose na lang ng panalangin ay para sa ating mga hiling. Kaya minsan, nahihiya ako humingi kay God… kasi alam kong hindi naman din ako sakdal buting tao. Kaya pakiramdam ko minsan, hayaan na lang natin Siya na magbigay sa atin… at magpasalamat kung naibigay ang isang bagay kahit pa hindi natin ito hiniling.


x-o-x-o-x


            Isang school year na ang nakalipas habang nasa faculty, nag-uusap kaming mga co-teachers ko. Yung isa kong co-teacher noon ay nagpa-rank na sa public school at sa bakasyon ay malalaman na niya ang resulta. Sabi niya, linggo-linggo na nga daw siya ngayong nagsisimba para sa kanyang hiling na makapasok sa public school, dagdag pa niya gagawin na niya ito ng madalas lalo pa’t kapag siya’y nakapasok na sa kanyang in-apply-an. Gusto ko sanang itago ang opinyon ko sa aking sarili pero nasabi ko talaga na hindi dapat ganun, kasi para siyang nakikipag-bribe kay God sa kanyang pagsisimba, sabi ko sa kanya dapat kusa mo itong ginagawa (oh di ba kala mo kung sino akong matuwid haha). Mabuti na lang at marami ring usapan noon kaya nung nasabi ko iyon sa kanya sakto namang biglang nalihis ang usapan. Kaya hanggang ganun na lang.

            Hindi naman sa feeling ko ay tama ako… pero parang napakababaw na mangangako ka sa Panginoon na hindi mo na gagawin ito o kaya gagawin mo na ito para sa isang hiling o panalangin na gusto mong pakinggan Niya at tuparin. Sa aking pananaw hindi ba parang insulto iyon kay God… alam na Niya ang ating mga pangangailangan… at sa kanyang sariling isip at oras ay may mas mabuti siyang paraan.

            O baka sa isang banda… mali rin ang pananaw ko.


x-o-x-o-x


            Sa sarili kong opinyon, mahalaga na magkaroon din ng religious tolerance. Na hindi dahil parte na ito ng tradisyon ay tatanggapin na lamang natin iyon.

            Hindi naman sa hindi ako sang-ayon sa prusisyon ng mga rebulto (pero parang ganun na nga haha), hindi ko lang maintindihan kung bakit ginagawa ito… o baka hindi ko rin kasi inaalam. Pero ano ba kasi yung isang rebulto na dinadamitan at ipinaparada… ano ba ang kahulugan ng pagpahid ng mga panyo sa isang rebulto… ano ba ang nasa isip at puso mo kapag kaharap mo ang mga bagay na iyon?... Sana hindi ito itinuturing na mga Diyos

            Alam kong maselan at mabahang usapin ang tungkol sa relihiyon, paniniwala at pananampalataya. Bilang mga tao hindi naman talaga natin naiintindihan ang lahat. Hindi ko rin alam kung ano ba yung sinasabi nilang sapat na yung alam mong may sarili kang relasyon sa may Lumikha…

            Na napakaraming relihiyon sa mundo pero kita mo hindi naman sila nagkakasundo. Marahil wala talaga sa relihiyong kinabibilangan mo… baka nasa nilalaman ng iyong puso.


x-o-x-o-x


            Isang napakahabang paglalakbay ang alamin kung ano ang katotohanan. Sa akin lang sapat nang dahilan na hindi maarok ng isip ng tao ang lahat para maniwala ako na mayroong isang Makapangyarihang Lumikha sa lahat. Wala namang mawawala kung ikaw ay maniniwala.


x-o-x-o-x


“Trust your hopes, not your fears.”
-David Mahoney


x-o-x-o-x


Question: If at the snap of your fingers, any one of the world’s problems could be SOLVED, which problem would you choose to rid the world of?

Answer: Poverty.


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#MyOwnPerceptionAboutGod
#ILoveToWonderAboutLife
#PapemelrotiQandA



Mga Komento

  1. Science major ka nga. Alam mo bang Religions ang Master's ko, lol! But the of Catholicism but of Buddhism and Hinduism. Wag mo nang itanong kung bakit dahil sasagutin din kita ng, bakit nga ba?

    Naitanong ko na rin sa sarili ko kung bakit ino honour natin ang mga rebulto. Hindi ba tama yung may pananalig. Hindi kasi tayo mabilis maniwala kung walang image so gumagawa tayo ng ating magiging idol. Hindi ba sapat yung maniwala tayong may nakikinig sa ating mga panalangin, kung mayroon man, dahil kanya kanyang paniniwala yan.

    Anyway, maganda ang mga tanong mo sa post na ito. Puwedeng ipa test sa mga high schoolers, he,he,he. Ang sagot sa huling tanong sa world problem ay poverty.
    Jonathan, stop looking at your friend's test paper.
    Oopps, eh di climate change!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ngayon, sure na akong di ako nag-iisa sa pagwo-wonder kung bakit nga ba tayo may mga rebulto o mga imahe etc...

      'Da best' din yung sagot mong 'climate change' hehe :)

      Burahin
  2. God is not our genie. Kaya don't expect na kapag nagdasal at humiling ka ng isang bagay sa kanya ay agad ka nyang pagbibigyan. Sometimes God doesn't give you what you think you want, not because you don't deserve it, but because you deserve much better.

    May sariling time table ang Panginoon. Kaya matuto tayong maghintay. He was never late, but He's always on time :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama! Magtiwala tayo sa Kanyang sariling time frame. :)

      Burahin
  3. Yung classmate mo na di pinagdadfsal ang kanyang sarili butchose to pray for other people, mukhang malaks panalangin niya. heheh, Grabe., minsan kahit ako pag nagdadsal. Mukhang wish na lang ng wish pero nagpapasalamat pa din ako sa lahat ng blessings.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa katunayan nakapasa rin siya nung araw na iyon. :)

      Ako rin minsan kapag inuusisa ko ang laman ng aking mga panalangin iniiwasan kong magtunog "wish ko lang".

      Burahin
  4. Bago pa natin hilingin kay God alam na niya ang kailangan natin, tama ka na huwag nating I-bribe si God, minsan hindi natin nakakamit yung araw araw nating hinihngi baka sa future alam niyang ikasasama naman pala natin.. may mga biyaya at pagliligtas na hindi na natin nakikita o namamalayan kaya dapat lang na mas madalas ang pagpapasalamat ... God Bless!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sabi nga matuto tayong magpasalamat sa mga blessings na ipinagwawalang bahala natin.

      God bless din! :)

      Burahin
  5. Isang educator na science major ay maraming philosophical at religious questions, hindi man lang nag attempt i-approach ang mga katanungan na ito using theorems, formulae, and algorithms. hahahaha!

    Totoo, God is not our genie, and our long prayers will never condition his decision-making process, because in eternity He has decided the course of time and fate of man. but that doesn't mean that we should stop praying. Praying is an act of faith to show God that you still trust Him. Yun nga lang, people's prayer are all about petitions, and less of having a communion with God. We do fail to realize that prayer is really more about being one with God.

    I mean in the Book of Job, he was a righteous man pero puro ka lechehan ang dumating sa buhay niya. And yet he was a righteous man. Probably he prayed daily and fasted more than necessary, pero nawala din sa kanya.

    He gives and He takes away. He is a sovereign God. Nakakaleche nga minsan eh pero wala akong magagawa diyan. I can be a priest, a pastor, a bishop but if God decides that I become blue, then blue I will be. Pero hindi naman madamot ang DIyos. Ang mabuting ama ba ay magbibigay ng ahas kung hiningi ng anak niya ay isang mansanas?


    Hindi yata puede ang "religious tolerance" since most religions, especially Christianity requires its faithfuls to be pro-active about their religion. Isang halimbawa ay ang dirty campaign ng Mormon Church for the Passage of Proposition 8, against gay marriage. According to a documentary, members were required to give large sums of money, even from their personal investments, to be given to politicians who would stop the legalization of gay marriage.

    So religious tolerance is something strange. Pero possible naman din siguro. I think one must set the lines.


    Pero sir maganda rin ang sinabi mo. We human beings must realize that we are finite beings. It's science that creates in us the hunger for knowledge. But science was intended to confirm what the Holy Scriptures say. I'm rambling na. Antok nako.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Maraming salamat sa pag-share ng iyong point of view tungkol dito.
      Nakakatuwa na makakuha ng sagot mula sa pananaw ng ibang tao.
      It's amazing for me (ang babaw ko hahaha).
      Mas lalo ko kasing naa-appreciate ang pagkakaiba-iba ng bawat isa...

      Burahin
  6. About mga rebulto...I was born catholic at tinuruan kami lola ko mag dasal sa mga rebulto...but everytime I do, la kong peace. Nakakaramdam ko lagi tako everytime titinginko don. One time, I looked at it, the picture turned into an evil place. From that time, di na ko nagdasal sa mga rebulto.
    When I read the bible...ayaw pala ng God eto. It is idolatry.
    about praying...I pray to God both to ask and to thank him everyday. I just trust him na he will give me what is best for me in the right time. Praying for me and reading his words is like fellowshipping with him. I am addicted to that. I am not religious...I just love the Lord and his words:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama po kayo... ang pagdarasal sa mga imahe o rebulto ay parang pagsamba na rin sa mga diyos-diyosan. Kaya nga po mahalaga na bata pa lamang ay maging malinaw na ang mga imahe o rebultong iyon ay hindi ang ating Diyos.

      Nung bata rin po ako, tuwing nakakapagsimba, akala ko po dati yung imaheng nakapako sa krus sa harap ng altar ay ang diyos... isang malaking pagkakamali na hindi ko pa nauunawaan noon.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento