May Hihigit pa ba sa Pag-ibig?




Tagpo / Oras: Sa isang maliit na silid. Hapon.
Eksena: Excited si Elsa na iakyat ang kanyang mga pasalubong kay Itok.


            Pagkabukas ng pintuan, dali-daling lalakad si Elsa (habang bitbit ang mga ipinamili)  tungo sa isang maliit na lamesa katabi ng higaan ni Itok. Medyo madilim ang silid, bagamat nakatabing ang kurtina sa bintana, may sapat pa ring liwanag na tumatagos mula rito.

            “Oh Itok!... May dala ulit ako sayong mga pasalubong. Binili ko yung mga gusto mo!” pagmamalaki ni Elsa. Isa-isa niyang inilabas sa supot ang mga ipinamiling kakanin. Nais sana niya itong ayusin sa lamesang katabi ng higaan ni Itok, ngunit napupuno pa rin ito ng nakaraan pang mga binili niyang pagkain.

            “Nakakatampo ka naman!... Ang dami ko na ngang binili sa’yo, hindi mo pa rin kinakain. Hindi mo man lang ginagalaw itong mga pasalubong ko… Di bale, bagong luto itong kakanin na nabili ko. Paborito mo ito di ba?”…

            Katahimikan pa rin ang namayani sa silid. Walang ano mang sagot sa kanyang mga nabanggit.

            Naupo na lamang sa isang bangkito si Elsa, nakaharap sa higaan ng dapat sana’y kanyang magiging asawa. Nakayukong pinagmamasdan ang matagal nang bakanteng higaan.

            Ilang taon na ng bawian ng buhay si Itok. Ngunit patuloy pa ring ginagawa ni Elsa ang mga bagay na kanyang ginagawa noong ito’y nakaratay pa…


x-o-x-o-x


#ShortStoryRawEdition
#MgaKwentoSaTagAraw


Mga Komento

  1. Kalungkot na story, but happens in real life. I wonder sino kaya sa min magasawa ang mauuna... hays, I hope in 100 years pa bago mangyari yon:)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wag po kayong mag-alala, bibiyayaan pa rin po kayo ng mahabang buhay :)

      Burahin
  2. Kunwari :( ang hirap mabuhay sa make-believe pero others truly find comfort in them.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. at di mo namamalayang nasasaktan ang sarili sa pagkukunwari...

      Burahin
  3. Hindi man katulad ng ginagawa ni Elsa, mayroong mga taong hindi makaalis sa nakaraan at kung magbibigay ito ng kasiyahan dahil sa mga ala-ala, ito ay babalik at babalikan.

    TumugonBurahin
  4. awts bigla ko naisip ang family namin...

    nalungkot ako...

    hanggang ngayon ay ginagawa pa rin namin ang mga bagay na ginagawa namin nung kasama pa namin sya. kahit na tanggap na namin na wala na sya iniisip pa rin namin na kasama namin sya...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ito'y tanda lamang ng maigting na pagmamahal ninyo sa kanya...

      Burahin
  5. You know what! you can be a script writer or a novelist. Hone that talent you've got. With regards to the short story, it's short but moving. That's what love can do. Love is the all essential element that we need here on earth. And love is the propeller of every living things in order for this world to move ahead and make its story and seal its history. When true love strikes, no one can one can stop a person from feeling it. But love loses its value if there is no commitment to that word. Only by commitment we can say that we have conquered and celebrated love in its full sense.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat :) sumusubok lang magsulat sir jay...
      gusto ko yun sinabi mo - "...love loses its value if there is no commitment to that word." - this is so true!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento