"...because of gravity."



Ika-04 ng Mayo, 2014
Linggo, 6:00 ng umaga


            Achievement ‘to kasi alas-sais pa lang ng umaga ay gising na ako. Pero maaga naman talaga ako nagigising at maaga lang din talaga ako bumabalik sa pagtulog, kaya minsan inaabot ako ng alas-dose ng tanghali hahaha. Tulad nito, malay ba nila na gising na ako, na paggising ko ito na kaagad ang inaatupag ko, napaka-productive ko talaga, kaya bumi-bingo ako kay mudra eh.

            Nung May 1 at 2, hindi ako nakatulog ng maayos. Bonggang-bongga naman kasi yung neighborhood namin, nag-concert ng 2 days! Dinaig pa pabasa! Grabe.

            Kaya nung natapos sila, siya namang pag-resbak ng nanay at tita ko dito sa bahay. Akala nila nakaganti sila sa pagvi-videoke nila, pero ang totoo, itinuloy lang nila ang ingay ng mundo hahaha.


x-o-x-o-x


            Nung nag-aaral pa ako (elem at hiskul), hangang-hanga ako sa mga science teachers ko. Pakiramdam ko kasi pinili sila ng tadhana para maintindihan ang mundong ito hahaha. Damang-dama ko talaga na sila ay mga espesyal na uri ng tao na kayang ipaliwanag ang mga bagay-bagay sa mundo at buhay.

            Akala ko close talaga nila si Aristotle, Einstein, Newton at iba pa, kasi kung makapag-explain sila ng lesson para bang na-interview nila ang mga taong ito hahaha. Akala ko pag-uwi nila sa bahay ay gumagawa sila ng mga eksperimento sa mga sarili nilang buhay. Sila ang pinaka-wirdong mga tao sa akin. Dahil nga sa tingin ko ay sila ang mas nakakaintindi ng maraming bagay kaya sila rin marahil ang gumagawa nito sa kanilang buhay.

            Pero akala ko lang pala ang lahat (dala lang marahil ng kamusmusan ko ang mga akalang iyon hahaha). Meron sa kanila na pinapangatawanan ang mga natutunan nila mula sa siyensya. Halos lahat naman tayo gumagawa nun, hindi lang tayo marahil ganun ka-conscious na nagagawa pala natin. Pero na-realize ko, na mga normal lang din pala silang mga tao. Na pag-uwi sa bahay, pagiging nanay / tatay / kapatid naman ang kanilang inaatupag.

            Nakalimutan ko, hindi nga pala sila mga siyentipiko lols. Kaya kung papipiliin ako ng makapangyarihang tadhana, magiging science teacher ba ulit o maging siyentipiko… mas pipiliin ko ang huli, para mas haggard sa kasiyahan at kaalaman.

            Naalala ko minsan nung nanunuod ako ng volleyball game sa school tapus tumabi ako sa isang grupo ng mga estudyante. Friendly game iyon sa pagitan ng faculty members at varsity players. Hindi ako sumali kasi wala naman talaga akong mailalaro dun, matutunghayan lang nila ang ka-shungahan ko sa sports hahaha. Sabi nung isang estudyante – “Sir, bakit di kayo sumali? Pag si Sir nandiyan, kokompyutin pa niya yung velocity ng bola, yung force saka yung projectile,” sabay tawa, tuwang-tuwa siya sa mga nabanggit niya nung araw na yun. Nangiti na lang din ako. At least may natutunan din pala itong batang ‘to. At kung anu-ano na rin ang binabanggit ng mga katabi niya, may mai-relate lang, na siya namang pag-alis ko pabalik sa faculty, baka kasi may marinig akong mali, mairita lang ako hahaha, saka baka marinig ko na naman ang pamosong linya nila (kapag walang maisagot o mai-reason) na “…because of gravity.” Lahat na lang because of gravity hehehe.


x-o-x-o-x


            Hanga ako sa mga marunong at mahusay magsulat ng maikling kwento (na di naman talaga maikli) o kaya ng nobela. Wala lang. Sumusubok lang gumawa kaso, di ko kaya yung ganun kahaba, literal na maikli lang talaga ang nagagawa ko hahaha. Iniisip ko kung saan nila hinuhugot ang kabuuan ng kuwento, kung paano nila nakikita at nahihimay ang bawat detalye at parte nito, kung paano nila nabibigyan ng kulay at imahe ang kwento sa pamamagitan ng mga salita. Ganun.

            Sinubukan ko kasing magbasa ng Harry Potter. Di ko maintindihan hahaha. Buti pa sa mga pelikula madali lang, effortless! Minsan di rin maganda na napanuod mo na at saka mo lang babasahin. Sa libro kasi mas detalyado ang mga eksena kaya hindi ko ma-relate sa movie. Saka ang hirap magbasa ng English hahaha.


x-o-x-o-x


“Don’t make the mistake of letting yesterday use up too much of today.”


x-o-x-o-x


Question: Which of these would you DO (if you REALLY had to)?
                        a. sky dive
                        b. walk on live coals
                        c. sing on national TV
                        d. join a Miss Universe or a Mr. Body Beautiful contest
                        e. join a reality TV show

Answer: Parang letter D – join a Mr. Body Beautiful contest hahaha. UMAY.
Letter E talaga. Kaso ayoko na sa PBB. Buti na lang talaga hindi ako nag-audition. ALAM NA.


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#Papemelroti



Mga Komento

  1. Oo nga naalala ko na gusto mong sumali sa PBB. Go na! Ay, tapos na pala ang audition, lol!

    Mangha ka nga sa science kasi naging teacher ka pa. Pero tama ka na mas maganda ang maging scientist, mas may pera, makaimbento ka pa ng ikayayaman mo.

    Sabi ng author ng isang workshop I attended recently, hinuhugot niya raw ang kanyang mga stories from her experiences. Hayaan mo, itatanong ko sa kanya in details tomorrow, meet ko siya ulit eh. Feeling close.

    Bigla kong naalala ang assistant ko, lagi siyang may rason na CG. Ano raw? Center of gravity pala. So walang sisihan!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kaso sir jonathan scripted na daw ang PBB ngayon, isang pakulo na lang ang mga nagaganap na audition. Tsk'

      So, dapat pala marami ako ma-experience para marami akong paghugutan :)

      Hahaha! Galing ng assistant mo sir ah, dinaig ang "because of gravity" ng mga students ko.

      Burahin
  2. Now I know, science teacher ka pala. May favorite subject.
    hanga din ako sa mga nakakapasulat ng books. I believe it is a gift. Ikaw din may gift because napapagisip mo ko sa mga sinusulat mo. Yong bang nasasabi ko " oo nga no."
    Sa paggising naman ay lagi din ako early. 5 am. One hour devotion and one hour reading updates from blogworld, fb and word feud before going to work:)
    Nice to know you more.
    By the way, how old are you?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wow paborito n'yo rin po pala ang science :)

      ang galing naman at meron pa po kayong schedule para makapagbasa ng mga blogs kahit na kayo ay busy rin sa work :)

      24 na po ako :)

      Burahin
  3. Ako naman, I admire my Science teachers but not to the extent of how you've viewed them. I excelled in the subject because I just find it fascinating and amazing - experimentation and all. In fact, during my HS, Science is consistently a subject where I get a grade not lower than 90. I can still remember my Chemistry and Physics - where I respectively got a grade of 93.55 and 94.12 ( Oh, di ba I can still vividly remember my grades haha) (konting yabang mode on) haha.

    I don't know, I just love studying and learning noong HS ako, and even in college, pero nang maka graduate na ako at makapag work, parang ayaw ko na ulet mag-aral haha- naumay ata ako, At some point sumasagi sa isip ko to do Master's degree or to enter law school pero for the longest time, plan pa rin siya ngayon hahaha.

    I even excelled in Physics problem solving tasks, I remember 2 periodicals wherein I perfected the problem solving section of our exam elevating me to the top position (highest sa exam). Siguro dahil sa kasipagan ko magbasa at magsolve ng mga problem solving. Pero kung tatanungin mo ako now, ay naku baka ma disappoint ka lang, dahil wala na akong ka-inte interes diyan hahaha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ikaw na ang may grade sa chem at physics ng 93.55 at 94.12 respectively :) ang galing naman, hanggang sa dalawang decimal place natandaan mo pa ang grade mo :)

      nung college naman, nabuburyong ako sa physics kasi minsan maikli lang yung problem pero ang haba ng solution tapus isa lang naman yung sagot hehe :) pero nung itinuturo ko na ang physics dun ko ito mas na-appreciate ng lubusan :)

      Burahin
  4. Speaking of videoke, ayun may part 2 pala ung birthday celebrations ng nanay ko nung May 1. Andito na naman ang mga pinsan at tita ko. Videoke mode toda max. Nakaka rindi ang ingay ahaha at mga lasing na rin sila lol

    Ang pinaka hinangaan ko teacher sa Science is yung maestra ko sa Biology nung second year high school. Ang galing kasi nyang magturo at maganda pa.

    I'm proud to say na nabasa ko lahat nung 7 installments ng Harry Potter. Nakaka-nosebleed talaga siya, kase british english ang ginamit ni JK Rowling. Kaya nga may katabi ako laging dictionary noon sa tuwing nagbabasa ako.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Karaniwan talaga Biology teacher ang favorite, exciting kasi ang subject na ito :)

      Ang sipag mo magbasa :) Ako iilang libro lang talaga ang nababasa ko ng buo, sana ma-achieve ko rin ang mga ganyan :)

      Burahin
  5. gusto ko yungmaikling kwento na hindi naman talaga maikli...hahahah...medyo halata yun sa post mo na to...havent had the chance to read other posts that yo have on you blog though...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sa iyong pagsubaybay :)
      sana maanyayahan mo rin ako sa iyong blog :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento