SAYUKI


SABURUKO (SERVING GIRLS)


Pangunahing Tauhan: Sayuki (isang ‘saburuko’ na nabibilang sa mababang antas)

Tagpo / Panahon: 7th century sa bansang Japan kung saan nahahati sa dalawang antas ang mga saburuko. Ang mga nabibilang sa mataas na antas (may mas pinag-aralan) ay nagsisilbi sa mga high-class o aristocratic na mga pagtitipon, samantalang ang mga nabibilang naman sa mababang antas ay nagsisilbi kapalit ng pita ng laman.

Eksena / Oras: Ito ay maikli lamang, walang mga dayalogo na manggagaling mula sa karakter, tanging mga paglalarawan. Isang maulang gabi.




            Lumuluha man ang langit, banayad pa ring pumapatak ang tubig. Natatakpan ng maiitim na ulap ang buwan na dulot ay madilim na kapaligiran… nakikiisa sa kanyang nararamdaman.

            Di malinaw kay Sayuki ang kanyang gagawin. Alam niyang sa pagpasok niya sa silid na ito, ay para na rin niyang itinali ang kapalaran dito. Marahan niyang binuksan ang pinto, naroon na nga’t naghihintay ang isang lalaking nakaupo. Nakangisi sa kanyang pagpasok, para bang nakaamoy ng lamang lalapain ngayon.

            Ang kaunting liwanag sa silid ay para bang nagsasabing maliit na lang din ang pag-asa niyang makaalis. Tumayo mula sa pagkakaupo ang lalaki, humahakbang na ito papalapit, ano mang oras ay handa na siyang sagpangin.

Madali nitong kinalas ang pagkakatali ng kanyang kimono, animo’y isang halimaw ang dumadagan at yumayanig sa kanyang pagkatao. Ang bigat na kanyang nadarama ay di lamang dahil sa nakapaimbabaw sa kanya, nais niyang magalit sa mundo, naibulong niya sa sarili - “Bakit ako nagkaganito?”. Ipinikit na lamang niya ang mga mata, naisip niya ito na marahil ang itinakda ng tadhana.

            Tiniis ang lahat ng hirap, hanggang masiyahan ang halimaw na sumasagpang sa kanyang katawan… Sa matatalim nitong pangil, pagkatao niya'y animo'y nagkagula-gulanit.

            Matapos ang sinapit na delubyo, muli niyang isinuot ang kanyang kimono upang matakpan ang hapo niyang katawan, sa parehas na paraan na kailangan niyang ikubli ang sakit at pighating nararamdaman.

            Kasabay ng paghawi ng maiitim na ulap sa langit ay ang paglabas niya sa mala-impyernong silid. Sa liwanag ng buwan, di maitatanggi ang mapait niyang kapalaran. Ang higpit ng pagkakatali niya sa kanyang damit ay para bang nagsasabing hindi na niya matatakasan pa ang mga pangyayaring sasapit.


x-o-x-o-x


#ShortStoryRaw
#MgaKwentoSaTagAraw
#SubokSubokDinGumawa



Mga Komento

  1. hahaha magiging writter ka na ba ng short story sir? steg!!!

    TumugonBurahin
  2. Ayyy eto po pala yung short story na binanggit nyo dun sa latest post nyo.

    Mahusay ang inyong pagkakasulat ser jep. Malinaw ang bawat detalye. Malungkot ang tema at kuwento ng buhay ni Sayuki na isang babaeng bayaran.

    *thumbs up*

    TumugonBurahin
  3. Marami ang may ganyang fate...very sad indeed!
    Saludo ako sa you Jep.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi po ito maitatanggi sa lipunan...
      salamat po! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento