Lagi bang may RAINBOW after the RAIN?


Ika-06 ng Mayo, 2014
Martes, 5:35 ng hapon


            Ako lang ba ang mahilig magkape sa hapon? Yung mainit ang panahon pero nagkakape pa rin ako sa harap ng electric fan (na dinugyot ng panahon hahaha). Nakakaantok kasi sa hapon kaya kailangan ko ng pampagising. Oo alam ko na pwede akong mag-ice-cold-coffee, pero parang di ko na kasi ramdam ang kape kapag malamig. Iba ang aroma at lasa ng kape kapag mainit, lalo na kung bagong kulo pa ang tubig! Hmmm!

            Yung pagkatapos mong uminom ay para kang nag-exercise o nag-jogging, tumatagaktak ang aking pawis. Butil-butil na pawis sa mukha hahaha. Ganun.

            Ang problema nito, mamayang gabi ay gising na naman ako, pero okay lang. Mas gusto ko talaga na gising kapag gabi kaysa umaga. Mas naiintindihan ko ang mga ingles na pelikula hahaha, eh kasi naman tahimik ang paligid kaya damang-dama ko ang panunuod.

            Mas masaya rin matulog ng madaling araw kasi parang humahaba ang isang araw. Kita mo natulog at nagising ka ng parehas na petsa kaya magkakaroon ka ng pakiramdam na parang ang haba ng araw na ito. Try mo!

            Kagabi o kaninang madaling araw ang pinanuod ko ay ang pelikulang “Brave” (pambata hahaha). Taong 2012 pa ata ito pinalabas pero ngayon ko lang napanuod, napanuod ko na siya ng palaktaw-laktaw (yung mga piling eksena lang hehe), saka ko siya pinanuod ng buo. Maganda ang story pati na rin ang mensahe nito. Kaso lang ang di ko talaga nagustuhan ay yung naging “oso” yung mother ni Princess Merida, kasi sa trailer ng pelikula akala ko lumayas sa kaharian si Merida sa kagustuhan niyang sundin o gumawa ng sarili niyang kapalaran, kaya naging interesado ako kung anong nangyari sa kanya, pero yun pala yun, para maibalik sa pagiging tao ang kanyang inang reyna. Yun lang.

            Akala ko ba mahusay magpalakas ng loob ang ating mga ina. Bakit yung nanay ko parang di naman? Hahaha. Nung isang araw tinanong niya ako – “Oh, ano na nangyari sa in-apply-an mo Jeff?”… Di kaagad ako nakasagot, eh wala pa rin kasi akong balita, sinabi ko na lang – “Wala pa Ma eh…”, sabay sabi niya na – “Naku! Wala na yan, TENGGA ka na!” sabay ngisi pa. Oh di ba? Ayoko na ngang isipin yun eh, pero ganyan ka-sensitive ang nanay ko lols.

            ISANG HILING: Sana may makabasa ng mga gawa-gawa kong short story hahaha. Wala kasi akong pormal na training o sapat na kaalaman sa paggawa nito. Wala lang. Pakiramdam ko kasi isang challenge ang gumawa ng isang maikling kwento o ng kahit ano pang uri ng literary work. Gusto kong makahingi ng review / suggestion / constructive criticism (hindi mga panlalait hahaha) mula sa mga gumagawa na nito o may kaalaman tungkol dito. Para malaman ko kung itutuloy ko pa ba o ititigil na ang kagustuhan kong gumawa nito hahaha. Tenks!

            May naka-chat akong taga-NZ na nag-aaral ng Chemistry. Syempre tuwang-tuwa ako kasi siya ay alagad ng siyensya. Tanong-tanong at sumasagot naman siya. Kaso di ako makasabay. Nga-nga ako sa level niya hahaha. Kumbaga puro “yes” na lang ang naisasagot ko lols. Meron ding taga-Europa na nagtapos ng environmental engineering na nag-aaral ng psychology, nga-nga rin ako haha, may mga terminologies siyang binabanggit na sini-search ko pa sa google /  Wikipedia para lang magkaroon ako ng “clue” kung ano yun, saka lang ako makakasagot sa kanya. Ang hirap! At meron ding taga-Mexico na nag-aaral ng Biology na gustong maging bihasa sa field ng Ornithology (birds), medyo nakasabay ako sa kanya kasi di siya masyado marunong mag-ingles hahaha, kinailangan pa niyang gumamit ng google translator para maintindihan ako at maka-reply din, siguro mga tatlong minuto muna ako nag-aantay bago ko ma-receive yung sagot niya, nakakainip hahaha.

            At siguro naman nagkaroon na ng ideya ang sino mang makakabasa nito sa kung anu-ano na ang ginagawa ko sa buhay ko ngayon. May mga tagpong ayaw mong mangyari, pero sabi nga ng idol kong si Paulo Coelho, kung gusto mong ma-enjoy ang bahaghari matuto ka munang i-enjoy ang ulan.


x-o-x-o-x


#MgaKwentoSaTagAraw
#WelcomeToMyLife
#AMomentLikeThis



Mga Komento

  1. Di ko mahilig sa coffee kahit malamig dito.sumasakit tyan ko:)
    katuwa naman mother mo:)
    Anyway, good luck sa yo!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakakapangasim po kasi ng tiyan ang kape,
      salamat po :)

      Burahin
  2. kapag gagawa ka ng maikling kwento medyo habaan mo kunti heheheheh ganun yun hahah ulit

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha :) ganun na nga, maikling kwento pero mahaba lols
      salamat sa pagsubaybay...

      Burahin
  3. naku ser jep, tuwing umaga lang ako nagkakape. kase di rin ako makakatulog ng mabilis sa gabi kapag uminom pa ako ng isang tasa sa hapon.

    gustong gusto ko rin ung feeling na tagaktak ung pawis kasi after nun, magiginhawaan ka na. nailabas na kasi ng ating katawan ang init sa loob lol

    san po ba nakalagay yung short story nyo? patingin hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha :) medyo nakagiginhawa nga matapos kang pagpawisan :)
      kaunti pa lang naman ang mga short stories ko (na literal na maikli), dalawa pa lang ngayong Mayo :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento