Panahon at Damdamin




PANAHON AT DAMDAMIN

Nauubos din ba ang damdamin,
tulad ng mga dahong tinatangay ng hangin?
Damdamin ba’y di nagwawakas,
kahit pa panahon na ng taglagas?

Bumabalik din ba ang naranasang pait,
dulot ng mga tagpong sinapit?
Damdaming patuloy kang hinahabol,
Kahit pa panahon na ng tagsibol.

O baka naman puso mo’y nanlalamig
at di na kaya pang umibig?
Mga alaalang hindi mawaglit,
 Animo’y nyebeng bumabagsak buhat sa langit.

Tulad ng isang unos,
Damdamin bigla na lang bumubuhos.
Matatapos din ang mauulang araw,
Bahaghari ay iyo ring matatanaw.


x-o-x-o-x


#shorTULA
#TulalangTumutula


Mga Komento

  1. awww... medyo malungkot ang tema ng tulang ito ser jep.

    bigla ko tuloy naalala yung song ng Boyz 2 Men na "Four Seaons of Loneliness" >_<

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nagda-drama lang :)
      mapakinggan nga, hindi ko pa ata ito narinig :)

      Burahin
  2. Nakakalunkot, pero ang galing ng pagkakagawa.
    have a nice week Jep:)

    TumugonBurahin
  3. may pait sa tula na ito...

    Napansin ko lang buhat ng magupisa ang bakasyon ay nagiging makata ka at nahihilig sa maikling kwento..

    Umamin ka sir, may magiging writter ka na ba sa isang pahayagan o libro?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento