Ika-24 ng Setyembre, 2014
Miyerkules, 5:05 ng hapon
Ganito rin ang panahon kahapon sa
naganap na Division Science Quest 2014.
Napakainit, parang sirang gripo ang mga pores
ko, ayaw tumigil sa pagpapawis. Pakiramdam ko nga, na work-out na lang bigla ang muscles
ng aking mga braso at kamay dahil sa walang tigil na pagpapaypay!
Lakas maka-haggard ng init habang nasa gym
kami ng eskwelahang iyon. Gusto ko na ngang mag-semento ng pulbos sa mukha ko
para lang maibsan ang oily face at
panlalagkit ko.
Ang
daming mga kalahok mula sa iba’t-ibang paaralan. Marami ring paligsahan na
masasalihan. Ngunit… wala talaga sa ulirat ko ang manalo (mas in-expect ko pa yun sa mga kasama ko), lutang ang isip ko at
sabik sa mga kaklase kong ngayon ko na lang ulit masisilayan (yun talaga ang pinaka-concern ko kahapon hahaha).
Unang
Science Quest ko pa lang naman, ano
ba naman yung kaunting ‘tsikahan’ sa
mga kaklase’t kaibigan! Matagal ko na rin silang hindi nakikita, yung iba higit
apat na taon na. Mas nauna sila sa akin mag-‘public’
kaya sa unang taon ko ngayon sa ‘public
school’, natuwa ako sa pagtatagpo-tagpo naming muli.
Dati
magkaka-klase lang kami, ngayon mga guro na sa iba’t-ibang eskwelahan. Dati
napag-uusapan at ini-imagine lang
namin ang ganitong tagpo na magkikita-kita na lang kami sa mga araw ng
kompetisyon, na ngayon nangyayari na lols.
Sana
na lang makita ko rin muli ang marami pang iba! Mabuti na lang pinalad akong
makasama.
Di
man pinalad sa unang paglahok, masaya naman ako kahapon!
Pati
nga pala yung dati kong mga co-teachers,
naging high school teachers at college instructors ay nakita ko rin
kahapon. Di ko lang alam kung natatandaan pa nila ako, kasi puro ngiti lang din
naman ang inabot ng pagbati ko sa kanila, siguro sa sarili nila nag-iisip sila
kung sino ang haggardness na itong
naggi-greet sa kanila nang todo ngiti
na nakakapanloko lols.
Sabi
nga ni Ma’am J – “Oy ikaw, andito ka rin pala, mga dati kong estudyante ito eh!”,
pero makikita mo sa kanyang mga mata ang pagtataka. Basang-basa ko sa mga
tingin niya ang tanong na – “Sino na nga
ba ito?” hahaha. Hindi ko na rin
naman siya masisisi, napakarami na rin naman niya kasing naging estudyante.
Isa pa, nag-evolve na rin naman kasi ako, from
haggard to HAGGARD!
…at
nung nakita ko ang mga klasmeyt ko, aba hindi ako nag-iisa! Salamat sa suporta!
Lols. Just kidding, you know! Akin na lang ang titulong iyon hahaha.
P.S.
Ang
larawan ay kuha at in-edit ng
klasmeyt kong si Rommel L. Sa madaling
sabi, kinuha ko na lang bigla sa fb hahaha. Tenk yu!
Di naman kayo halatang haggard sa piksyur ser Jep XD
TumugonBurahinhalatang-halata lang ba hehehe :)
BurahinGaling naman ng pagkikita. Ako rin, nakita ko yung titser ko, hindi na ako maalala. But same here, nakita ako ng nanay ng estudyante ko, hindi ko na rin siya makilala. Haggard na rin kasi ang aking memory... Memorabilia na siya.
TumugonBurahinSa dami ng taong dumadaan sa ating buhay sir Jo, napakahirap naman talaga silang tandaan lahat. Minsan nga kahit kaklase ko inaabot pa ako ng ilang segundo bago ko ma-recognize na siya pala yung nakasalubong ko :)
Burahinbongga! nakakamiss ang mga interschool competitions! hehe
TumugonBurahinNakaka-miss mikapag-kabugan! Hehehe :)
Burahinwow! antagal ko ng hindi nakakabalik sa mga schools na pinanggalingan ko. nakakatuwa naman. and yes. i'm sure di ka na natatandaan ng teacher mo. LOL
TumugonBurahinHindi na nga talaga JA :)
Burahinhahahaha.... Hindi ako sinama this year as a trainor, gusto sana nila ko magtrain for robotics kaso dahil aalis na ako, iba na lang daw. Ok lang naman. Kung ganyan ang aabutan kong init, ok lang talagang sa school na lang ako. Hahahaha
TumugonBurahinPero nakakatuwa nga naman na makita ang mga classmates in that kind of event :D :D :D
Yun pang moment na dati ikaw yung tinetrain para magcontest, ngayon ikaw na yung nagtetrain sa mga bagets! Hehe
Anong ibig mong sabihin sa 'aalis' cher Kat?...
BurahinTama ka na kung ganung klase ng init ang aabutan mo, mas gugustuhin mo pang manatili na lang sa classroom hehehe. Ang konswelo ko na lang nung araw na iyon ay yung nakita ko ang mga klasmeyts ko at mga naging guro :)