Ika-18 ng Setyembre, 2014
Huwebes, 9:13 ng gabi
Habang nanunuod ng telebisyon at
kumakain ng meryenda, ikinuwento ko
sa nanay ko na mula noong napatupad ang batas ukol sa Anti-Bullying, maraming magulang na ang nagpupunta sa eskwelahan
para makipag-usap / mabigyang solusyon ang kanilang mga anak na nabu-bully.
Sabi naman niya, masyado na raw
atang sensitibo ang mga bata ngayon. Dati naman daw nung panahon nila, wala
naman daw yang anti-bullying na yan.
Yung mga bully daw noon ay inaaway
nila. Kung naging lalaki nga lang daw siya, malamang naging basagulero pa siya.
Bongga
na naman ni mudra.
“Iba
na kasi ang panahon ngayon… iba na rin yung mga bata”, banggit ko sa kanya.
Dinagdag ko pa – “Buti nga concern na yung mga magulang ngayon,
dati naman pinababayaan lang.”
Inismidan lang ako ni mudra hahaha. Basta,
paniwala niya, parte na talaga ng mga pangyayari sa eskwela ang bullying, at dapat itong labanan tulad
nung kanyang panahon.
In
other words, makipagbugbugan. Matutong lumaban!. ‘Wag matakot ma-guidance. Lols.
Ahaha, naku ser Jep. Mas natatakot pa ako dati na ma-guidance kase laging sabi ng nanay ko, humanda daw kame pag ipinatawag siya sa guidance office dahil lang nakipag basag ulo kami sa school lol
TumugonBurahinAng payo naman sa akin noon ay labanan ko raw at wag akong magpadaig hahaha. Pero hindi ko naman magawa, mas madami sila eh! :)
Burahinbibokid siguro nung bata sya.. at hyper din..hehehe...
TumugonBurahinOh well, sakit sa ulo yang anti-bullying policy kyemekyeme na yan.. buti na lang at natapos na...
Ay hindi pa pala... Andaming tao ngayon sa Guidance office! Lagi-lagi!..... HAHAHAHA
Kaso yung ibang bata ngayon cher Kat (lalo na sa high school) parang manhid na sa guidance office... parang wala lang. Dapat talaga pwede na ulit manakit ng bata hahaha (joke lang).
Burahinay naku ang mga bata ngayon self entitled na masyado, ang sasarap sampalin. charot. haha
TumugonBurahini couldn't agree more hahaha :)
Burahinako madalas ako mabully pinagppray ko na lang sila ☺
TumugonBurahinmadalang naman sa akin mangyari, kasi sinisigurado kong di nila maikukumpara ang sarili nila sa akin lols :)
BurahinAng bullying daw ay survival of the fittest..haha
TumugonBurahinIsa sa mga nakasaad sa natural selection ni Charles Darwin :)
BurahinI was bullied back in high school. Then I thought I had to roll with the punches. It ended up naging barkada ko ung mga nambully sa akin. Until now we became the best of friends. hehehehe.
TumugonBurahinGanun nga ata talaga :)
BurahinDati nakaaway ko rin ang kaklase kong si Shandel, grade 3 pa lang kami nun, ngunit dahil naunahan ko siya at napabagsak sa aking pagtulak, ayun akala niya ang lakas-lakas ko hahaha, partida ang laki niya eh palito lang naman ako. Mula noon, friend ko na rin siya, siya na rin ang gumaganti kapag may nang-aaway sa akin :)