Ika-09 ng Setyembre, 2014
Martes, 5:08 ng hapon
Hindi ko talaga feel ang gumamit ng recitation
chips…
Pakiramdam ko kasi parang may
pinapatuka akong mga ibon. Yung para bang ang dami kong pet sa loob ng classroom
na kapag nakasagot ng tama ay bibigyan ko ng chip bilang reward. Ang weird… pero gustong-gusto naman makakuha
ng chips ang mga bata.
Ewan ko kung ano bang pakiramdam
nila sa chips… pero dahil ginusto rin
naman nila na magkaroon ng chips sa recitation, eh di ibigay ang hilig!
Sino ba kasi nagpauso ng nito? Lols.
Iba talaga ang sapi ng mga mas
batang estudyante…
Di bale na…
…basta mag-aral mabuti.
Nyahaha hindi ko naranasan ito kung kiddie meals pa akong nagaaral
TumugonBurahinako rin nga eh, wala namang ganito nung panahon natin :)
Burahinang meron lang ay - "very good! palakpakan naman natin siya!"
hehehe...
Extrinsic reward! Haha! Ako di gumagamit ng ganyan. Or stamp na star o anuman sa balat ;p kung magbibigay ako, lahat meron :)
TumugonBurahinAnong edad tinuturuan mo, ser?
12-13 yrs old... mga grade 7...
Burahin...mga alanganing bata na nag-uumpisa na magdalaga at magbinata.
Baket nung kapanahunan ko walang ganyan... ang daya ahaha!
TumugonBurahin(parang ang tanda ko na tuloy masyado lol)
Ser Jep, mas lalong gaganahan ang mga chikiting pag nagpa-contest kayo ng paramihan ng chips. Mas maraming chips silang makukuha sa recitation or any classroom activities, may naghihintay na prices for them sa pagtatapos ng school year XD
Nung nag-aaral din ako fiel-kun walang ganyan :)
BurahinBasta ang sabi ng teacher namin alam naman daw niya kung sino ang nagpa-participate sa hindi lols
Aba magawa nga ang iyong suggestion :) Ty!
ang naranasan ko pa lang ay yung tinatatakan levels yung may smiley? tsaka yung stars. haha
TumugonBurahinnaisip ko pag naging teacher ako ang gagawin ko parang sa hogwarts. ididivide ko ang klase tas may house sila tas may points din na ineearn or minaminus depende sa ginawa nila. haha
Bakit kaya ako hindi man lang nadampian ang aking noo o braso ng kahit na anong tatak hehehe :)
BurahinMaganda rin yang suggestion mo KC! Sana magawa ko yan hahaha (nangunguha ng ideya lols).
WAAAAA.. Nababaliw ang mga bagets jan! As in! Ako nababaliw na din sa kaka-stamp sa kanila. KAhit andumi-dumi tignan sa balat nila, go pa din sila! kakalerx!
TumugonBurahinkaya nga eh, recite kung recite :)
BurahinNung kami'y bata mga stars naman ang ididikit sa aming uniforms. magandang motivation din yan. Although I would've preferred chocolates. Magaaral akong mabuti kapag ganyan. hahaha!
TumugonBurahinPero in some ways, maganda din kasi you are impressing upon your students that good things come to those who work hard for it. That doing good is always rewarded. Ewan. Just an opinion.
Kung chocolates ang ipinamimigay ko, malamang magwawala na ang mga bata makakuha lang hehehe :)
BurahinI agree sa iyong sinabi :)
Sir, bakit po walang ganyan nung 4th yr kami. :(( Pero nung 1st yr meron. Hahaha
TumugonBurahinSino ito? :) Pakilala u :)
Burahinhehehe...