Ika-13 ng Setyembre, 2014
Sabado, 4:49 ng hapon
Tumitig sa dingding…
Parang praning.
Walang magawa…
Bukas kawawa.
Mag-iisip…
Mawawala sa isang ihip.
Gawa…
Ngawa.
Bukas may araw…
May kanin na bahaw.
Isasangag…
Kakain ang bangag.
Iinom…
Araw ay ilalagom.
Bukas muling gigising…
Panibagong paglalasing.
Minsan baliw…
Maaaliw.
Minsan
matino…
Oras
walang hinto.
Aasa…
Buhay
magkalasa.
Sa
araw…
Papanaw.
Sa
gabi…
Hihikbi.
Luhang
papatak…
Lungkot
itatatak.
Ngingiti…
Itatago
ang hapdi.
Mag-iisa…
Pangamba’y
mag-uumpisa.
Bukas…
Lilipulin
ang lakas.
May
kaunting liwanag…
Wag
na maduwag.
Ganda! Puwede ring lagyan ng melody! Saan ba ito inspired?
TumugonBurahinNapakahusay na tula! Isang tulang naglalaman ng pag-asa
BurahinSir Rolf, ang tula ay nagawa habang ako ay natutulala.
BurahinSalamat Ben! Bakit ako di naman nakaramdam ng pag-asa hehehe :)
ganito ba ang daily routine mo ser Jep?
TumugonBurahinyung tipong paulit-ulit na cycle lang?
nakaka burn out >_<
Hindi naman, pero minsan ganun hehehe.
BurahinBlessing na nga lang kapag may mga nangyayaring kakaiba o di inaasahan na magpapangiti sa iyo :)