Ika-15 ng Setyembre, 2014
Lunes, 11:44 ng umaga
Pamagat: “Ligo
Na U, Lapit Na Me”
Ni:
Eros S. Atalia
Kahapon, ika-14 ng Setyembre, araw
ng Linggo, ganap na 1:10 ng hapon… natapos ko na ang ikalawang libro para sa
taong ito! Hahaha. Hiyang-hiya naman
ako, ang nipis lang ng libro pero ilang araw pa ang inabot ko bago ko ito
matapos…
May magandang dulot din ang
pagbabasa sa akin, kahit pa nga antukin ako sa pagbabasa. Una, kapag
nabuburyong na ako sa pinapagawa sa akin ng mundo (parang utang na loob pa ng mundo na kumilos ako) nagbabasa
na lang muna ako bago matulog, para naman ma-relax o maihiwalay ko naman ang aking isip sa mga gawain na hindi
ko naman nagagawa palagi lols.
Pangalawa, natutulungan din ako ng
pagbabasa na mag-focus. Lalo na kapag
nagbabasa ako sa gabi. Pinipilit ko na ‘wag mapikit
ang aking mga mata kasi iniisip ko sayang naman ang naisulat na librong ito
kung tutulugan ko lang at babasahin ng ganun-ganun na lang. Hanggat maari,
gusto ko na mala-pelikula ang takbo ng binabasa kong libro sa aking isipan (ang lakas ko maka-demand sa isip ko),
inuulit ko pa nga kapag may hindi ako maintindihang eksena, parang pagsigaw ng direktor
ng “cut!” kapag may mali sa shooting.
Hindi naman ito ang unang libro ni Sir Eros na nabasa ko… una talaga at
matagal na nung nabasa ko yung Peksman…
pero peksman, nawala talaga yung libro ko na yun.
Siguro sa makakabasa nito (na parang ako lang din naman hahaha) ay
baka magkaroon ng pagtataka… “Ano ba book
review ba ‘to? O mga kwentong walang katuturan?” lols… kahit ano pa man ang maging turing dito… hindi naman talaga
ito isang book review. Nagpapanggap
lang.
Nag-aala-kritiko lang.
1. Magaan kung
magsulat si Sir Eros. Simple lang.
Para ka lang nakikinig sa kwento ng isang kabarkada.
2. Hindi ko alam kung
paano niya naiisisingit sa daloy ng kwento yung mga social issues (kung yun ang tawag dun) na mapapaisip ka ng “oo nga, nangyayari pala ito” tapus
bigla na lang ulit babalik sa mga karakter ang daloy ng kwento. Yung tipong,
naisisingit niya yun na hindi naihihiwalay ang kung anong merong kwento sa
libro.
3. Na may kadugtong
pa pala ang librong Ligo Na U… na
ayoko na sundan hahaha. Hindi ko alam
kung bakit, pero hindi talaga ako masyadong fan
ng mga librong may kadugtong pa (book1,
book2 up to the nth book, prequel, sequel, well hahaha, tapus yung may mga the
lost book/files, paano nahanap?). Kaya nga wala akong nabasa na kahit anong
Harry Potter books, kasi ang dami. O kahit ano pang mga trilogy na libro.
Marahil kapag sobrang sipag ko na
magbasa, magagawa ko rin tumangkilik ng mga ganung tipo na libro.
Ayokong magkwento tungkol sa Ligo Na U… marami na rin naman ang
nakabasa nito… sa mga hindi pa nakabasa, bumili kayo hahaha. Hindi na rin lugi. Pangako yan (parang pulitiko lang). May kopya ka na, nakatulong ka pa na
suportahan ang sarili nating mga manunulat.
Kung magsusulat ka man siguro mas magaling kang short story writer kesa maging novelist. May copy din ako ng libro na yan pero hindi ko pa nasisimulan basahin. Currently, i'm reading This is a Crazy Planets ni Lourd de Veyra.
TumugonBurahinI bought the book kasi sabi ko noon light reading lang kapag kailangan ko magpahinga mula sa pagbabasa ng mga libro ng mga "heavyweight" writers. Masyado ko minaliit si Atalia. Nanalo pala yan ng Carlos Palanca Award for Literature para sa kanyang novel.
Unbelievable. hahaha!
Oo, Palanca Awardee yan si Sir Eros! :)
BurahinParang nabasa ko na rin yang libro ni Lourd, ito ba yung parang compilation ng mga blogpost niya noon? Mga komento / samu't saring reaksyon sa iba't ibang issues...
Sana ma-target ko ring basahin ang libro ng mga 'heavyweight writers' :)
please please continue reading. hehe
TumugonBurahinat ayos na nagbabasa ka ng philippine lit.
ipagpatuloy mo lang yaaan. hehe
peksman ang una kong nabasang akda ni sir eros. so yun pa lang. haha
tsaka yung collection ng dagli niya pala.
:)
I'll try hahaha :)
BurahinGusto ko talaga yung mga manunulat natin kasi mas nararamdaman ko yung mga isinulat nila.
Napanood nuod ko to ginawang movie to diba?
TumugonBurahinOo meron itong movie :)
Burahinako ayaw ko ng minamadali ang pagbabasa ng book, ninanamnam ko kasi ang mga nababasa ko ☺ ahaha parang pagkain lang
TumugonBurahinParehas tayo Rix! Kaya nga minsan kapag makapal ang libro, ginagawa ko ay 1 chapter per night bago matulog :)
Burahin