Lumaktaw sa pangunahing content

"...book review ba ‘to?"


Ika-15 ng Setyembre, 2014
Lunes, 11:44 ng umaga


Pamagat:          “Ligo Na U, Lapit Na Me”
Ni:                     Eros S. Atalia


            Kahapon, ika-14 ng Setyembre, araw ng Linggo, ganap na 1:10 ng hapon… natapos ko na ang ikalawang libro para sa taong ito! Hahaha. Hiyang-hiya naman ako, ang nipis lang ng libro pero ilang araw pa ang inabot ko bago ko ito matapos…

            May magandang dulot din ang pagbabasa sa akin, kahit pa nga antukin ako sa pagbabasa. Una, kapag nabuburyong na ako sa pinapagawa sa akin ng mundo (parang utang na loob pa ng mundo na kumilos ako) nagbabasa na lang muna ako bago matulog, para naman ma-relax o maihiwalay ko naman ang aking isip sa mga gawain na hindi ko naman nagagawa palagi lols.

            Pangalawa, natutulungan din ako ng pagbabasa na mag-focus. Lalo na kapag nagbabasa ako sa gabi. Pinipilit ko na ‘wag mapikit ang aking mga mata kasi iniisip ko sayang naman ang naisulat na librong ito kung tutulugan ko lang at babasahin ng ganun-ganun na lang. Hanggat maari, gusto ko na mala-pelikula ang takbo ng binabasa kong libro sa aking isipan (ang lakas ko maka-demand sa isip ko), inuulit ko pa nga kapag may hindi ako maintindihang eksena, parang pagsigaw ng direktor ng “cut!” kapag may mali sa shooting.

            Hindi naman ito ang unang libro ni Sir Eros na nabasa ko… una talaga at matagal na nung nabasa ko yung Peksman… pero peksman, nawala talaga yung libro ko na yun.

            Siguro sa makakabasa nito (na parang ako lang din naman hahaha) ay baka magkaroon ng pagtataka… “Ano ba book review ba ‘to? O mga kwentong walang katuturan?” lols… kahit ano pa man ang maging turing dito… hindi naman talaga ito isang book review. Nagpapanggap lang.

            Nag-aala-kritiko lang.

1. Magaan kung magsulat si Sir Eros. Simple lang. Para ka lang nakikinig sa kwento ng isang kabarkada.

2. Hindi ko alam kung paano niya naiisisingit sa daloy ng kwento yung mga social issues (kung yun ang tawag dun) na mapapaisip ka ng “oo nga, nangyayari pala ito” tapus bigla na lang ulit babalik sa mga karakter ang daloy ng kwento. Yung tipong, naisisingit niya yun na hindi naihihiwalay ang kung anong merong kwento sa libro.

3. Na may kadugtong pa pala ang librong Ligo Na U… na ayoko na sundan hahaha. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi talaga ako masyadong fan ng mga librong may kadugtong pa (book1, book2 up to the nth book, prequel, sequel, well hahaha, tapus yung may mga the lost book/files, paano nahanap?). Kaya nga wala akong nabasa na kahit anong Harry Potter books, kasi ang dami. O kahit ano pang mga trilogy na libro.

            Marahil kapag sobrang sipag ko na magbasa, magagawa ko rin tumangkilik ng mga ganung tipo na libro.


            Ayokong magkwento tungkol sa Ligo Na U… marami na rin naman ang nakabasa nito… sa mga hindi pa nakabasa, bumili kayo hahaha. Hindi na rin lugi. Pangako yan (parang pulitiko lang). May kopya ka na, nakatulong ka pa na suportahan ang sarili nating mga manunulat.






Mga Komento

  1. Kung magsusulat ka man siguro mas magaling kang short story writer kesa maging novelist. May copy din ako ng libro na yan pero hindi ko pa nasisimulan basahin. Currently, i'm reading This is a Crazy Planets ni Lourd de Veyra.

    I bought the book kasi sabi ko noon light reading lang kapag kailangan ko magpahinga mula sa pagbabasa ng mga libro ng mga "heavyweight" writers. Masyado ko minaliit si Atalia. Nanalo pala yan ng Carlos Palanca Award for Literature para sa kanyang novel.

    Unbelievable. hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Oo, Palanca Awardee yan si Sir Eros! :)

      Parang nabasa ko na rin yang libro ni Lourd, ito ba yung parang compilation ng mga blogpost niya noon? Mga komento / samu't saring reaksyon sa iba't ibang issues...

      Sana ma-target ko ring basahin ang libro ng mga 'heavyweight writers' :)

      Burahin
  2. please please continue reading. hehe
    at ayos na nagbabasa ka ng philippine lit.
    ipagpatuloy mo lang yaaan. hehe

    peksman ang una kong nabasang akda ni sir eros. so yun pa lang. haha
    tsaka yung collection ng dagli niya pala.

    :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. I'll try hahaha :)

      Gusto ko talaga yung mga manunulat natin kasi mas nararamdaman ko yung mga isinulat nila.

      Burahin
  3. Napanood nuod ko to ginawang movie to diba?

    TumugonBurahin
  4. ako ayaw ko ng minamadali ang pagbabasa ng book, ninanamnam ko kasi ang mga nababasa ko ☺ ahaha parang pagkain lang

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Parehas tayo Rix! Kaya nga minsan kapag makapal ang libro, ginagawa ko ay 1 chapter per night bago matulog :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...