"...Ma'am Keps!"


Ika-07 ng Setyembre, 2014
Linggo, 7:30 ng gabi


            Yung aso namin, nakakatuwang ewan. Kasi kahit malaki na siya, ipinagkakasya pa rin niya ang kanyang sarili sa dati niyang tulugan.

Medyo nakakainis lang kapag umaalis ako sa umaga, lalo na’t hindi siya nakatali, kasi hilig niyang makipagharutan. Akala niya siguro natutuwa ako sa matatalas niyang kuko na kumakayod sa sapatos ko at pantalon. Yung fresh na fresh pa naman ako sa umaga tapus hahabulin ka niya hanggang sa labas at makikipagharutan, buti sana kung bagong ligo rin siya tulad ko hahaha. Mabuti na lang at di ko siya aso, pagmamay-ari siya ng kapatid ko, kaya wala akong obligasyon na paliguan at pakainin siya. Basta, yung cactus ko lang ang aalagaan ko.

            Malapit ko na matapos ang Ligo Na U, Lapit Na Me ni Eros Atalia. Mga ilang kabanata na lang ang naiwan. Achievement na ito, makakadalawang libro na ako sa isang taon hahaha. Hindi pa naman din ako palabasa, kasi nakakaantok kung minsan. Na-inspired lang ako kay Mr. Tripster… pero oo wala pa ako sa level ng pagbabasa niya. Isasama ko na rin yung mga students ko sa aking inspirasyong magbasa, nakakahiya naman sa kanila lols. Para may “K” naman akong sabihan sila na maging wide-reader din tulad ko (oha sarili ko pa ang ginawang eksampol… kapal hehehe).

            Nagbabasa naman ako… hindi nga lang buong libro… at hindi ko nga lang talaga natatapos. Pero ngayon, ang goal ko ay matapos ang bawat librong mauumpisahan kong basahin. Kahit gaano katagal… basta matapos ko. Busy eh (alibi).

            Ginamit ang salitang ‘keps’ sa isa sa mga kabanata ng Ligo Na U…

            …naalala ko lang yung co-teacher namin dati na tinatawag naming Ma’am Keps! hahaha. Hindi ko naman alam o in-expect na palasak na rin pala ang paggamit ng salitang iyon. Ang akala ko kasi dahil siya ay isang ‘gay lingo’ (na natutunan namin sa isa pa naming co-teacher na nagbansag kay Ma’am Keps) ay hindi ito masyadong gamitin lalo na sa mga babasahing libro. Pero nakalathala ito sa libro ni Sir Eros, malamang na gamitin pala ang ganung termino (mapa-usapan man o mga nailathala).

            Naisip ko lang kung sinu-sino kaya yung mga nakarinig sa tuwing walang pakundangan namin siyang tinatawag na Ma’am Keps sa loob man ng faculty o kahit pa sa labas ng school.

            Meron pa ngang ibang variety… minsan tinatawag din namin siyang Ma’am Kepi… o kaya Ma’am Keplar lols. Eh hindi rin naman tutol si Ma’am Keps sa paggamit at pagtawag namin sa kanya ng ganun, pero syempre ‘pag masyado nang marami ang tao at pormalan na ang usapan, sa totoong pangalan na namin siya tinatawag (at nakuha ko pang magpaliwanag hehehe).

            Umuunlad na ang mga boses ng mga kapitbahay namin. Mukhang epektib ang mag-videoke-to-da-max! Nasa tono na talaga sila o baka nasanay na lang din ang tenga ko sa kanilang tinig hahaha. Pero hindi, umayos na talaga ang boses nila. Makikipag-friends na ako sa kanila para maisali nila ako sa kanilang videoke club!


Mga Komento

  1. Perwisyo ang open air bidyoke. Paglabag yan sa karapatang pantao natin.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. eh mukhang hindi naman sila aware sa karapatang pantao sir :)

      Burahin
  2. kung sumabay ka sana sa kanila matagal na kalevel mo na din sana ang boses nila..
    sayang haha :)


    ibroadcast mo pa si keps lagot ka! :-P
    dudenyt!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. gifted naman ang voice ko kaya kaunting training lang, ok na hahaha :)

      at hindi naman niya alam...

      Burahin
  3. Mabuti na lang at hindi boses keps ang nagvivideo kaya napagtiyagaan mo pa..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento