Ika-08 ng Setyembre, 2014
Lunes, 10:22 ng gabi
Daig pa lusis kung magliwanag…
Higit pa sa sparks ng poste dahil sa mga jumper
ng kuryente…
Yung parang may flashlight ang mga mata…
Mas maliwanag pa sa pinakamataas na lumen ng LCD / DLP projector…
Mas bongga sa fireworks…
Pati na sa special effects na liwanag kapag kukunin ka na ng langit…
Kailan kaya nuh?...
Kailan darating ang moment na ito?...
Yung daig pa sa puti ang mga damit
na nilabhan sa Tide…
O ng kahit ano pang sabong panlaba…
Kumikinang… Naghuhumindik sa
liwanag…
Parang bagong bleach na mga ngipin…
Matindi pa sa gluta…
Isama mo pa vitamin E na myra…
Basta ganun yung moment na yun…
Mararamdaman mo na lang…
Mapapansin na lang nila…
Higit pa sa blooming…
More
than amazing.
wow..very well said ang descriptions..
TumugonBurahinang astig..as if it was felt before..
two thumbs up!
sana maachieve mo ung higit pa sa blooming more than amazing stage haha :)
i would be very glad..ikaclap-clap kita pag nangyari yun..
at maniniwala na kong may himala :)
tula pa more :)
hindi naman ito tula :)
Burahin