Lumaktaw sa pangunahing content

Chips!


Ika-09 ng Setyembre, 2014
Martes, 5:08 ng hapon


            Hindi ko talaga feel ang gumamit ng recitation chips

            Pakiramdam ko kasi parang may pinapatuka akong mga ibon. Yung para bang ang dami kong pet sa loob ng classroom na kapag nakasagot ng tama ay bibigyan ko ng chip bilang reward. Ang weird… pero gustong-gusto naman makakuha ng chips ang mga bata.

           Ewan ko kung ano bang pakiramdam nila sa chips… pero dahil ginusto rin naman nila na magkaroon ng chips sa recitation, eh di ibigay ang hilig!

            Sino ba kasi nagpauso ng nito? Lols.

            Iba talaga ang sapi ng mga mas batang estudyante…

            Di bale na…

            …basta mag-aral mabuti.





Mga Komento

  1. Nyahaha hindi ko naranasan ito kung kiddie meals pa akong nagaaral

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako rin nga eh, wala namang ganito nung panahon natin :)
      ang meron lang ay - "very good! palakpakan naman natin siya!"
      hehehe...

      Burahin
  2. Extrinsic reward! Haha! Ako di gumagamit ng ganyan. Or stamp na star o anuman sa balat ;p kung magbibigay ako, lahat meron :)

    Anong edad tinuturuan mo, ser?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 12-13 yrs old... mga grade 7...
      ...mga alanganing bata na nag-uumpisa na magdalaga at magbinata.

      Burahin
  3. Baket nung kapanahunan ko walang ganyan... ang daya ahaha!
    (parang ang tanda ko na tuloy masyado lol)

    Ser Jep, mas lalong gaganahan ang mga chikiting pag nagpa-contest kayo ng paramihan ng chips. Mas maraming chips silang makukuha sa recitation or any classroom activities, may naghihintay na prices for them sa pagtatapos ng school year XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nung nag-aaral din ako fiel-kun walang ganyan :)
      Basta ang sabi ng teacher namin alam naman daw niya kung sino ang nagpa-participate sa hindi lols

      Aba magawa nga ang iyong suggestion :) Ty!

      Burahin
  4. ang naranasan ko pa lang ay yung tinatatakan levels yung may smiley? tsaka yung stars. haha

    naisip ko pag naging teacher ako ang gagawin ko parang sa hogwarts. ididivide ko ang klase tas may house sila tas may points din na ineearn or minaminus depende sa ginawa nila. haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Bakit kaya ako hindi man lang nadampian ang aking noo o braso ng kahit na anong tatak hehehe :)

      Maganda rin yang suggestion mo KC! Sana magawa ko yan hahaha (nangunguha ng ideya lols).

      Burahin
  5. WAAAAA.. Nababaliw ang mga bagets jan! As in! Ako nababaliw na din sa kaka-stamp sa kanila. KAhit andumi-dumi tignan sa balat nila, go pa din sila! kakalerx!

    TumugonBurahin
  6. Nung kami'y bata mga stars naman ang ididikit sa aming uniforms. magandang motivation din yan. Although I would've preferred chocolates. Magaaral akong mabuti kapag ganyan. hahaha!

    Pero in some ways, maganda din kasi you are impressing upon your students that good things come to those who work hard for it. That doing good is always rewarded. Ewan. Just an opinion.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kung chocolates ang ipinamimigay ko, malamang magwawala na ang mga bata makakuha lang hehehe :)

      I agree sa iyong sinabi :)

      Burahin
  7. Sir, bakit po walang ganyan nung 4th yr kami. :(( Pero nung 1st yr meron. Hahaha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...