Lumaktaw sa pangunahing content

"Wag matakot ma-guidance." :)


Ika-18 ng Setyembre, 2014
Huwebes, 9:13 ng gabi


            Habang nanunuod ng telebisyon at kumakain ng meryenda, ikinuwento ko sa nanay ko na mula noong napatupad ang batas ukol sa Anti-Bullying, maraming magulang na ang nagpupunta sa eskwelahan para makipag-usap / mabigyang solusyon ang kanilang mga anak na nabu-bully.

            Sabi naman niya, masyado na raw atang sensitibo ang mga bata ngayon. Dati naman daw nung panahon nila, wala naman daw yang anti-bullying na yan. Yung mga bully daw noon ay inaaway nila. Kung naging lalaki nga lang daw siya, malamang naging basagulero pa siya.

            Bongga na naman ni mudra.

            “Iba na kasi ang panahon ngayon… iba na rin yung mga bata”, banggit ko sa kanya.
           
            Dinagdag ko pa – “Buti nga concern na yung mga magulang ngayon, dati naman pinababayaan lang.”

            Inismidan lang ako ni mudra hahaha. Basta, paniwala niya, parte na talaga ng mga pangyayari sa eskwela ang bullying, at dapat itong labanan tulad nung kanyang panahon.

            In other words, makipagbugbugan. Matutong lumaban!. ‘Wag matakot ma-guidance. Lols.


Mga Komento

  1. Ahaha, naku ser Jep. Mas natatakot pa ako dati na ma-guidance kase laging sabi ng nanay ko, humanda daw kame pag ipinatawag siya sa guidance office dahil lang nakipag basag ulo kami sa school lol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang payo naman sa akin noon ay labanan ko raw at wag akong magpadaig hahaha. Pero hindi ko naman magawa, mas madami sila eh! :)

      Burahin
  2. bibokid siguro nung bata sya.. at hyper din..hehehe...
    Oh well, sakit sa ulo yang anti-bullying policy kyemekyeme na yan.. buti na lang at natapos na...

    Ay hindi pa pala... Andaming tao ngayon sa Guidance office! Lagi-lagi!..... HAHAHAHA

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kaso yung ibang bata ngayon cher Kat (lalo na sa high school) parang manhid na sa guidance office... parang wala lang. Dapat talaga pwede na ulit manakit ng bata hahaha (joke lang).

      Burahin
  3. ay naku ang mga bata ngayon self entitled na masyado, ang sasarap sampalin. charot. haha

    TumugonBurahin
  4. ako madalas ako mabully pinagppray ko na lang sila ☺

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. madalang naman sa akin mangyari, kasi sinisigurado kong di nila maikukumpara ang sarili nila sa akin lols :)

      Burahin
  5. Ang bullying daw ay survival of the fittest..haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Isa sa mga nakasaad sa natural selection ni Charles Darwin :)

      Burahin
  6. I was bullied back in high school. Then I thought I had to roll with the punches. It ended up naging barkada ko ung mga nambully sa akin. Until now we became the best of friends. hehehehe.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ganun nga ata talaga :)

      Dati nakaaway ko rin ang kaklase kong si Shandel, grade 3 pa lang kami nun, ngunit dahil naunahan ko siya at napabagsak sa aking pagtulak, ayun akala niya ang lakas-lakas ko hahaha, partida ang laki niya eh palito lang naman ako. Mula noon, friend ko na rin siya, siya na rin ang gumaganti kapag may nang-aaway sa akin :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...