Lumaktaw sa pangunahing content

"...from haggard to HAGGARD!" :)


Ika-24 ng Setyembre, 2014
Miyerkules, 5:05 ng hapon


            Ganito rin ang panahon kahapon sa naganap na Division Science Quest 2014. Napakainit, parang sirang gripo ang mga pores ko, ayaw tumigil sa pagpapawis. Pakiramdam ko nga, na work-out na lang bigla ang muscles ng aking mga braso at kamay dahil sa walang tigil na pagpapaypay!

            Lakas maka-haggard ng init habang nasa gym kami ng eskwelahang iyon. Gusto ko na ngang mag-semento ng pulbos sa mukha ko para lang maibsan ang oily face at panlalagkit ko.

Ang daming mga kalahok mula sa iba’t-ibang paaralan. Marami ring paligsahan na masasalihan. Ngunit… wala talaga sa ulirat ko ang manalo (mas in-expect ko pa yun sa mga kasama ko), lutang ang isip ko at sabik sa mga kaklase kong ngayon ko na lang ulit masisilayan (yun talaga ang pinaka-concern ko kahapon hahaha).

Unang Science Quest ko pa lang naman, ano ba naman yung kaunting ‘tsikahan’ sa mga kaklase’t kaibigan! Matagal ko na rin silang hindi nakikita, yung iba higit apat na taon na. Mas nauna sila sa akin mag-‘public’ kaya sa unang taon ko ngayon sa ‘public school’, natuwa ako sa pagtatagpo-tagpo naming muli.

Dati magkaka-klase lang kami, ngayon mga guro na sa iba’t-ibang eskwelahan. Dati napag-uusapan at ini-imagine lang namin ang ganitong tagpo na magkikita-kita na lang kami sa mga araw ng kompetisyon, na ngayon nangyayari na lols.

Sana na lang makita ko rin muli ang marami pang iba! Mabuti na lang pinalad akong makasama.

Di man pinalad sa unang paglahok, masaya naman ako kahapon!

Pati nga pala yung dati kong mga co-teachers, naging high school teachers at college instructors ay nakita ko rin kahapon. Di ko lang alam kung natatandaan pa nila ako, kasi puro ngiti lang din naman ang inabot ng pagbati ko sa kanila, siguro sa sarili nila nag-iisip sila kung sino ang haggardness na itong naggi-greet sa kanila nang todo ngiti na nakakapanloko lols.

Sabi nga ni Ma’am J“Oy ikaw, andito ka rin pala, mga dati kong estudyante ito eh!”, pero makikita mo sa kanyang mga mata ang pagtataka. Basang-basa ko sa mga tingin niya ang tanong na – “Sino na nga ba ito?” hahaha. Hindi ko na rin naman siya masisisi, napakarami na rin naman niya kasing naging estudyante.

 Isa pa, nag-evolve na rin naman kasi ako, from haggard to HAGGARD!

…at nung nakita ko ang mga klasmeyt ko, aba hindi ako nag-iisa! Salamat sa suporta! Lols. Just kidding, you know! Akin na lang ang titulong iyon hahaha.


Sa pinaka-ibabang larawan - si Steph, Novi, Earl, AKO, Pete at Rommel,
ang naka-pink sa taas ay si Gilbert, ayan ha di kita kinalimutan lols,
iilan pa lang ang muli kong nakita sa mga BioPipol, I shall wait for more!


P.S.
Ang larawan ay kuha at in-edit ng klasmeyt kong si Rommel L. Sa madaling sabi, kinuha ko na lang bigla sa fb hahaha. Tenk yu!


Mga Komento

  1. Di naman kayo halatang haggard sa piksyur ser Jep XD

    TumugonBurahin
  2. Galing naman ng pagkikita. Ako rin, nakita ko yung titser ko, hindi na ako maalala. But same here, nakita ako ng nanay ng estudyante ko, hindi ko na rin siya makilala. Haggard na rin kasi ang aking memory... Memorabilia na siya.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa dami ng taong dumadaan sa ating buhay sir Jo, napakahirap naman talaga silang tandaan lahat. Minsan nga kahit kaklase ko inaabot pa ako ng ilang segundo bago ko ma-recognize na siya pala yung nakasalubong ko :)

      Burahin
  3. bongga! nakakamiss ang mga interschool competitions! hehe

    TumugonBurahin
  4. wow! antagal ko ng hindi nakakabalik sa mga schools na pinanggalingan ko. nakakatuwa naman. and yes. i'm sure di ka na natatandaan ng teacher mo. LOL

    TumugonBurahin
  5. hahahaha.... Hindi ako sinama this year as a trainor, gusto sana nila ko magtrain for robotics kaso dahil aalis na ako, iba na lang daw. Ok lang naman. Kung ganyan ang aabutan kong init, ok lang talagang sa school na lang ako. Hahahaha

    Pero nakakatuwa nga naman na makita ang mga classmates in that kind of event :D :D :D

    Yun pang moment na dati ikaw yung tinetrain para magcontest, ngayon ikaw na yung nagtetrain sa mga bagets! Hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Anong ibig mong sabihin sa 'aalis' cher Kat?...

      Tama ka na kung ganung klase ng init ang aabutan mo, mas gugustuhin mo pang manatili na lang sa classroom hehehe. Ang konswelo ko na lang nung araw na iyon ay yung nakita ko ang mga klasmeyts ko at mga naging guro :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...