2016.09.25
Mabuti na lang, kahit paano ay napilit ding gumana ang ilan sa mga sirang keys dito sa keyboard ko. Nasira ang huling mouse na ginagamit ko dahil nabagsak ko ito nang hindi sadya noong mga araw na may problema ang kuryente dito sa bahay. Nakabili naman ako ng bago, yun nga lang, maliit lang siya, sa laki ng kamay ko hirap akong hawakan ito; nakakangalay gamitin. Kung naabutan ko lang sanang bukas ang cd-r king eh di sana ay nakapili pa ako ng mas akmang mouse kesa sa ginagamit ko ngayon; at kung di ko lang talaga kailangan, eh di sana ay di muna ako bumili. Napakabilis ng paggalaw ng cursor, paano ba ito pabagalin? Pag binago ko naman yung setting parang sa touchpad lang applicable at hindi sa nakakabit na mouse. Kaunting galaw lang kung saan-saan na napupunta ang cursor sa screen… ganito siguro talaga ang mouse na tig-150 lol.
Na-miss ko na ang pagsulat ng kahit na anek-anek lang at saka ang magbasa ng mga blogpost. Pero sa dami ng mga gawain na nakakaumay nang gawin, di ko na nagagawang magbasa ng mga blogs. Dagdag pa na ngayon ay kapag umuulan ay nawawala ang signal ng internet dito sa bahay.
Gusto kong magpakulay ng buhok… yung dark copper brown.
2016.11.07
1. Nakasanayan ko na lang din na gamitin itong maliit na mouse na may effect pang kulay blue na LED light kapag ginagalaw. Ang lakas maka-jejemon ng mouse na ito tuwing ginagamit ko lol.
2. Sa kabutihang palad, nabalik na ang ulirat ng anim na pasaway na keys ng keyboard ng primitibong netbook ko na ito. Ngayon ay maginhawa na ang pagtipa. Yun nga lang may bagong nagloloko, isa lang naman at hindi pa malala… ang titik M.
3. Hindi pa rin ako nakapagpapakulay ng buhok ng dark copper brown. Itim at puti pa rin ang mga hibla. At hindi ko na rin naman balak pa.
Hala, ako din! Ahahaha!!!
TumugonBurahinIsipin mo, 4 or 5 a.m. dapat wala na ako sa bahay papuntang work, then mga 7 to 8 p.m. dapat nasa bahay na. Minsan, wala nang kain. Wala nang bonding with kuya, wala nang diary, diretso tulog. The end! Haha