Lumaktaw sa pangunahing content

dagli 06: salty and peppery


1.            Supposed to be ang araw na ito ay dapat na maging stressful. Pero dahil nakasama ko sina MJ at Orly, naging masaya na rin ang maghapon sa school. Mas okay din talagang gumawa ng may kasama. Hay naku… speaking of kasama. (Ampalaya mode on hahaha)

2.            Nung sabado kumain ako ng chicken fillet sa McDo… kasama (o dinamay ko na naman) sina Eldie at Neri (para gabihin kami ng uwi). Di naman kami na-inform na sobra-sobra na pala sa ‘magic’ ang chicken fillet sa McDo. Kikiligin ka sa ‘alat’ tapus dip mo pa sa gravy, oh so salty! Dun ko na-realize na pwede na rin pa lang idaing ang chicken. True! Hindi na lang bangus o iba pang isda ang idinadaing ngayon, pati chicken sa McDo lols.

3.            Ang hapunan ko naman ngayon ay sausage… and it’s so peppery!

4.            Bigla kong naalala ang kwela, maingay at pasaway kong section James (nung nasa private school pa ako) sa current advisory class ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit trip na trip nila akong patawanin, lalo na kanina habang finals exam. Sayang lang dahil kung kailan nasa dulo na kami ng school year, saka ko naman nakakitaan ng ‘attitude’ ang ilan sa kanila. Oo, merong husay, pero para sa akin walang ‘K’ para magtaray at mag-feeling dominante sa klase (ako lang dapat ang ganun lols). I’m really hoping na mali ang pagtingin ko sa kanilang attitude. Nanghihinayang kasi ako dahil walang lulugaran ang nalulunod sa iisang basong tubig lamang. Ganyan.

5.            I love March talaga… daming paper works! Fulfillment of my dreams! Wala na akong mahihiling pa hahaha! I could not ask for more and I don’t want to wait if there’ll be more lols.



Mga Komento

  1. Buti pa ka pa tapos na ang school year for you. Ako til may 4 pa. Sabi hindi ko tuloy alam kung makakapagbakasyon na ako. Sabi kasi ng mga prof namin walang munang lakwatsa hanggang hindi nag mamartsa. Haizt!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Konting tiis na lang yan Rix!
      Tama ang mga prof mo, magmartsa ka muna bago maglakwatsa :)
      Oh pwede ring both, ikaw pa hahaha.

      Burahin
  2. 1. Buti hindi tayo klasmeyt dahil ako, kapag may homework or dapat gawin para sa iskul, kailangang mag-isa. Matutulog muna sa bahay bago gumawa.
    2. Hanggang hamburgers lang ako, hindi pa ako nakakakain ng daiing na chicken, lol!
    3. Isa pa yan, pang breakfast yan.
    4. Good vibes sile sa iyo, meaaning, labs ka nila. (Or habang binoboola ka, may cheating sessions na nagaganap!)
    5. Mahilig ka pala sa papel, sige yan na ang pasalubong mo!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hindi mo magagawa ang homework mo kapag ako ang iyong klasmeyt... kasi madadamay ka na gabihin ng uwi :)

      Burahin
  3. 1. I miss paperworks and forms! Wooohooo! Hahaha.

    2. Salt and pepper should come together para perfect ang lasa. Hehe

    3. What is kasama? Wahehe.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Gusto mo ba ng paperwokrs cher? :)
      Kasama is... I dunno, I forgot about it lols.

      Burahin
  4. pangarap ko rin talaga maging guro. pero kapag naiisip ko ang hirap ng paperworks, mas gusto ko na lang maging tambay. LOL

    kudos to you. onting-onti na lang, bakasyon mo na. (o may trabaho ka sa May elections? hahah)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sayang dapat sinubukan mo, para matulad ka sa akin na haggardo lols
      masaya naman maging guro ah :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...