"...naligo ako di ba hahaha,"



2018 06 14 (Thu, 8:35 PM)

            Kanina lang napakalakas ng bugso ng ulan; pagkaupo ko rito, bigla na lang nawala. Pero at least, hindi nagpaasa ang ulan, may pa-suspend pa rin siya (kahit pa naantala ng konti ang suspension sa aming city dahil you know… for whatever reason that I don’t know, lol).

            Sobrang LT sa twitter mula pa kagabi. Ang daming G na G sa announcement ng suspension ng klase. Well, let’s do a recap (sports ba?).

            Noong lunes, pasok sa top 10 ang City of Valenzuela kung ang pag-uusapan ay ang maagap na suspension ng klase, so very happy ang mga students dahil real na real ang long weekend. Pero sa Makati may pasok pa rin; sila ata ang nanalo na waterproof nation noong Lunes.

            Pero, di nagpakabog ang Valenzuela, gusto ring maka-title. Itong araw na ito, Huwebes, nasubukan muli ang mga lungsod ng Metro Manila pagdating sa pagsususpinde ng pasok. Mabilis pa rin ang QC, Malabon at Manila… sumunod na rin ang iba pa, kasama na mga kalapit na probinsya. Halos buong Metro Manila ay nag-suspend na… ang final 4 (o huling mga lungsod na hindi pa nag-announce ng suspension) ay *drum drum drum drum* - Caloocan, Valenzuela, Pasig at ang reigning waterproof nation (city lang pala) na Makati! So, nanggagalaiti na ang mga keyboard warriors na nasa mga lungsod na iyan, hanggang sa nag-announce na ang Caloocan… kaya para sa edisyon ngayong araw, 3rd runner-up ang Caloocan. Tatlo pa ang di papatinag.

            Mga pasado alas nuebe o alas-diyes na ata ng umaga (basta kakaligo ko lang nun, dahil kailangan before 10 AM ay nasa school na ako dahil may meeting, na eventually na-cancel din; pero at least nabanggit kong naligo ako di ba hahaha), nag-anunsyo na ng suspension ng klase ang Valenzuela para sa afternoon classes… so 2nd runner-up ang aking beloved city. Sayang, char.

            Ang ending, ang natira sa finals ay Makati vs. Pasig. Di ko na nasubaybayan if may nag-suspend pa sa kanilang dalawa (kasi kuntento na ako sa lugar namin,lol). Gayunpaman, sa Makati pa rin ako for consistency, hehehe. Ganyan sila sa Makati, may Nancy este consistency!



Mga Komento