kakamber



2018 06 26 (Tue, 11:52 PM)

            Masayang natapos ang araw na ito 😊

            Una, sa homeroom ng advisory class ko, kahit nahihiya sila ay active naman na nag-participate ang mga bata sa aming getting-to-know-you activity (naalala ko tuloy si Sir Jonathan at ang mga getting-to-know-you activities at post niya). Nung hinati ko sila into small groups mas naging okay at smooth ang sharing at pagkilala nila sa isa’t isa.

            Pangalawa, sa klase ko naman sa aking advisory class pa rin (bale dalawang beses ko sila na-meet today, isang homeroom at isang science class), naging maayos din ang aming discussion (salamat sa powerpoint at video clips ni Neri). Kahit pa medyo mahirap tandaan yung mga terms at nangangailangan ng effort ang pag-i-explain, nakuha naman nila. Sa assessment ko kanina, karamihan ay nakakuha ng passing score, yung iba nakakabilib dahil mabilis maka-recall ng kanilang napag-aralan. Sana, lagi silang ganito.

            Pangatlo, napabilib din ako sa creativity ng huling klase ko kanina. Tunay nga silang Rizal (ngalan ng section nila). Yung simple lang yung ini-expect kong ideas nila at output, pero nakagawa sila ng kanya-kanyang creative na graphic organizer; ipi-present nila ito, at dun ko naman masusukat nang tunay ang kanilang ginawa gamit ang rubric.

            Pang-apat, nakapag-dinner ang grupo sa gusto naming kainan. At nakapagdala pa ng cake dahil birthday ng nanay ng isa pa naming kasama. Parang hitting two birds sa isang gabi lol, nakakain na kami dahil biglang nag-crave ang grupo sa kakamber (cucumber na drinks doon) pero di naman lahat nag-kakamber, tapus nakadaan at na-greet pa namin ang may birthday.

            Kahit ginabi na kami ng uwi, okay lang. Masayan naman. Ito yung tagpo sa buhay na masasabi ko na hindi lang talaga dapat sa work umiikot o nauubos ang oras, iba pa rin kapag may kaunting salo-salo ang samahan. Sana lagi!



Mga Komento

  1. oh diba... wagi yung kakamber drink. lol... dito, lately ng-aaddict ako sa kakamber drink!! Minsan lang katamad mag-blend sa umaga pero kapag nakasanayan na rin, go lang...

    At oo, kahit walang lovelife, dapat may social life!! Anuberrr.... HAHAHA. Masaya kayang magwalwal every now and then.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oo cher, refreshing talaga ang kakamber (pero mango lemonada yung ininom ko nun)...

      truth! wala na nga lovelife, mawawalan pa ng social life? sumpa na yun cher kat, hahaha!

      pero sana meron both, #charot.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento