"... basta, makaka-survive din naman siguro ako."



2018 06 03 (Sun, 8:38 PM)

               Na-miss kong kwentuhan ang sarili ko.

So, bukas ay unang araw ng pasukan. Excited ako sa bago kong schedule bilang panghapon dahil natural na late sleeper ako; after 4 school years sa public school, ngayon na lang ulit ako nagpang-hapon. Okay din naman ang AM sked; una, ang sarap kaya mag-breakfast; pangalawa, ang lamig pa at refreshing sa umaga; pangatlo, mas mabilis ang oras (feeling ko lang at ng iba); pang-apat, sa hapon pag-uwi mo marami ka pang maaasikasong lakad, pwede ring gumala. Ang pagsisikapan lang talaga ay ang paggising nang maaga (at pagligo?). Kaya nga minsan feeling ko ay lutang na lutang ako lalo na tuwing may flag ceremony, kasi nga late na ako natutulog tapus dapat mas maaga kang papasok tuwing lunes.

Ang gusto ko naman sa PM sked ay unang-una hindi ko kailangang magising ng maaga; pangalawa, ang sarap kaya ma-feel yung unti-unting lumiliwanag yung kwarto ko habang papasikat ang araw; pangatlo, nakakapanuod pa ako ng tv; pang-apat, tuwing linggo tulad ngayon ay maaari kong tapusin ang Jam 88.3’s different Sunday (hanggang 12 midnight) nang hindi nangangambang maging lutang kinabukasan. Yun nga lang, gudlak naman sa pagpasok sa tanghali… inet!

Mami-miss kong mag-bike sa hapon after class. Ang plano ko, mag-jogging or walkathon naman sa morning (as if naman magigising ako). Nevertheless, sa tingin ko ay mas okay gumawa ng notes ngayon na panghapon na ako dahil halos lumipas na ang buong araw, kaya madalas sa hindi ay mapipili ko na ang mga interesting na tagpo ng buhay.

Excited na rin akong makita at makilala ang mga bagong bagets sa school year na ito. Pero yung iba pang gawain… ahmmm… basta, makaka-survive din naman siguro ako. Lol.



Mga Komento

  1. good luck sa new school year, sir jep.

    ba't ang aga na magstart ng school year. noon, it was usually around my birthday, june22. minsan nga birthday ko ang first day of school.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ok lang din po na maaga ang start, para maaga rin pong matapus :)
      at bakasyon na hahaha, pero sana totoo talaga yung bakasyon lol

      salamat po!

      Burahin
  2. God bless with the new school year! Sobrang excited ako for you and sayong mga incoming kwento about school :)

    Yung mga ibang gagawin? Ahhh.... Excel na lang! Haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hahaha! pag-cramming time naman na natatapus din ang gawain :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento