2018 06 24



2018 06 24 (Sun, 10:28 PM)

            Inakala ko na makagagawa ako ng 15-minute journal araw-araw, hindi pala. Minsan haggard na rin kasi pag-uwi; pero ayos lang, pwede naman ulit mag-umpisa.

            Gusto ko sanang ikuwento ng detalyado yung mga nangyari noong nakaraang araw, pero hindi pwede dahil hindi ito matatapos sa loob ng labinlimang minuto.

            Kaya kaunting recall na lang:

            Natutuwa talaga ako kay student J, lalo na kapag naririnig ko yung feedback ng mga dating teachers nya; ibang-iba na sya sa kung ano dati. Maayos na ang kanyang behavior ngayon; pero dahil nga may mga na-experience na rin akong students na ningas-kugon lang ang pagbabago kaya di ko pa rin inaalis sa isipan na dapat pa rin syang bantayan, purihin ng hindi sobra kasi baka akalain niya okay na tapus biglang balik sa dati, kaya sa ngayon hinahayaan ko muna na manggaling sa iba ang pagpuna sa kanyang pagbabago; ako, alalay lang.

            Grabe! Nagsisipagtapos na sa kolehiyo ang huling batch ng 4th yr na hinawakan ko noong nasa private school pa ako; at ang husay talaga ng batch na yun. Marami ang nagtapos sa mga kilala at mahuhusay na unibersidad sa bansa, at yung iba may karangalan pa, nakaka-proud! May pag-asa talaga ang Pilipinas!

            Nagbayad ako kanina ng internet bill, so mayaman na naman sila kahit ang bagal ng signal.



Mga Komento