2018
06 08 (Fri, 9:10 PM)
Isang “yehey!” muna sapagkat naka-survive
ako sa unang linggo ng pasukan!
Gayunpaman, di ako masyadong excited
sa weekend; mas excited pa rin ako na magkape tuwing gabi pagkauwi galing sa
school. Kahit naman kasi weekend may mga gawain pa rin (reklamador? Lol). Ang
goal ko nga next week ay magamit ang time ko sa mga dapat gawin, at sana hindi
ito manatiling goal lamang hahaha.
Nung miyerkules, nagpa-preassessment
ako sa pamamagitan ng isang move test. Tapus, napagalitan ko sila Michael at
Tim, di kasi sila sumunod sa aking panuto. Ang sabi ko, habang nakapila ay
walang maghaharutan, eh sakto nung malapit na ang turn nilang dalawa sa move
test ay nagkatulakan sila habang nakapila, kaya iyon… the rest is history.
Ang nakamamangha lang sa dalawang
bata ay kahit sila pa yung napagsabihan ko nung araw na iyon ay sila pa itong naging
aktibo sa klase. I was surprised, you know hehehe; kung ibang bata iyon baka
nagtampo na sila, pero hindi ang tulad nila Michael at Tim.
Akala ko nung hwebes ay baka bumabawi lang silang dalawa kasi alam
na nila ang mangyayari kapag hindi sila gumawa ng maayus at mabuti; pero hindi
lang basta pagbawi eh, hanggang ngayong araw ng byernes ay sila pa ring dalawa
ang ilan sa mga aktibong nagpa-participate sa klase; kung gaano kaayus na
naibabahagi ni Tim ang kanyang mga sagot, si Michael naman ay effort na effort
na makapag-recite din, kahit nauutal, kahit hindi ganuon katama. Pati output
nila maayus naman. So, hindi ko pa alam kung dahil ba yun sa napagsabihan ko
sila o talagang ganito ang mga batang ito, ipagtatanong ko na lang din sa mga
dati nilang teachers.
Gumawa na ako ng closed group sa fb
para sa bagong advisory class ko; ang nakapagtataka lang sa batch na ito, bakit
ayaw ata nila akong i-add sa fb? Ayaw ba nilang makita ko ang kanilang mga
account? O di lang nila mahanap ang akin? O dahil baka may group chat na raw kasi
sila (eh di naman ako sumasali sa mga gc ng bata kasi for sure karamihan sa mga
chats ay nonsense lang or di ko naman concern kaya mas ok na sa akin ang fb
group para sa reminders o announcement). Anyway, sasabihan ko na lang ulit sila
sa lunes.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento