2018
06 29 (Fri, 9:21 PM)
Tanghali na ako nagising kanina, pasado
alas-nuebe na; feeling haggard ako noong Thursday kaya nasobrahan sa tulog.
Bale yung almusal ko ay naging tanghalian ko na. Pasado ala-una naman ako
nakakain ulit; ang sad ng canteen sa hapon dahil wala na masyadong options, di
tulad pag umaga may mga lutong ulam sila.
Okay naman ang mga bagets ngayon.
Nakokontrol pa sila; 5:00 pm na ulit ako nakakain ng meryenda (bakit ba
puro oras ng pagkain ang nababanggit ko). Bale, nagpasama ako kay Clang, sakto
kasi na natapos na yung meeting nila sa GPTA (board member si Clang) at may 1
hour akong break bago ang last period. Bumili ulit kami ng totoong prutas na
shake, avocado-mango ang flavor na binili namin; at para may pambara bumili
kami ng ham-egg-cheese sandwich.
Pag-uwi ko ng bahay, pagpasok ko sa
banyo para maghugas ng kamay (kasi kakain na naman ako ng dinner kahit hapunan lang
sa amin yun), narinig ko na naman ang Ben&Ben na kanta, nagpapatugtog ulit
ang aming kapitbahay. Laging ganun, tuwing papasok ako ng banyo pagkauwi,
consistent ang pagpapatugtog nila. Okay lang naman, dahil tulad nga ng nasabi
ko, di naman sila balahura magpatugtog at saka trip ko rin naman ang mga
tugtugan nila. Di ko lang maisip kung bakit yun palagi ang kanyang playlist at
sa parehong mga oras din (nagme-meditate ba siya sa mga Ben&Ben songs? nagre-reflect?
nag-e-emote? o nagzu-zumba? lol).
Nitong nakalipas na araw, marami
akong magandang napanuod. Halimbawa ay yung tungkol kay Prof Ruben Madridejos,
kay Teacher Peter Esperanza, ang minimalist lifestyle ni Ace Aspillaga at yung
short film na sobrang LT na Jowable (feeling ko marami ang naka-relate sa grupo namin
sa short film na ibinahagi ni Tina sa gc namin, oh sige na kasama na ako at naisip ko pwede na rin si cher Kat
hahaha, naku cher if mabasa mo man ito, panuorin mo).
Hmmm, wala namang spectacular na
event ngayong araw. Kahit nakakatamad kumilos dahil mainit kanina ay sinunod ko
pa rin ang mga to-do-list ko para may ma-accomplish.
TGIF! Grabe, July na next week! 9
months na lang, hahaha!
Ahahahaha.. Natawa ko dun sa jowable reference.. Meron akong isang balahurang friend na nisend talaga sakin yung link, pinanood ko hanggang dun sa nageexplain sya how to cook kare-kare then I stopped na. Pero ayun nga, may rebuttal post ito. Dapat daw hindi jowable kundi dapat we should consider ourselves "valuable".
TumugonBurahinNaku, salamat sa mga additional links! narealize ko na masyadong akong engrossed sa mga english docus at namimiss ko yung mga local docus na tulad nito. Interesting si Prof at si minimalist. Mapanood nga.
wow, mukhang mas ok nga na tayo ay "valuable" :)
Burahinsa japan ba nag-originate ang minimalist lifestyle?