"...anong pwede kong gawin to spice up my life,"



2018 06 09 (Sat, 9:08 PM)

            Nagkita muli ang grupo para mag-edit ng action research. Napakadiwara talaga ng papel na iyon. O baka first time kasi naming gumawa, kaya hindi pa namin gamay ang format at iba pang technicalities ng papel… di bale na, uuusad din naman.

            Idagdag pa na napakalakas ng ulan.

            Dapat sana ay magkikita kami nila Eldie at Neri pagkatapos. Na-imagine ko pa naman na magkukwentuhan kami habang kumakain ng pansit (yun kasi ang napag-usapan) sa kainan na ang ngalan ay Batangas (ayon kay Eldie). Trip ko rin sana magpaka-food blogger hahaha. Pero hindi eh, hindi natuloy. Una, kailangan kasing matapos na ang ginagawa naming iyon. Pangalawa, alanganin na rin kasi gabi na, at umuulan pa.

            Pangarap kong gumawa ng sariling research, kahit hindi funded kasi ang daming dapat gawin. At saka, gusto ko ring gumawa ng sariling format (para madali lang lol), yung pang-practice lang ba. (Isa pa, sinasabi ko lang naman ito, di pa rin tiyak kung gagawin).

            Na-enjoy ko pa rin ang kape ngayong gabi.

            Bukas, hindi ko alam kung matutuloy kaming magkita nila Eldie at Neri, ayoko muna umasa, dahil baka magbago na naman ang sked naming tatlo.

            Kaya ang target ko bukas ay gumawa… kung sakaling sipagin. Di talaga nauubos ang gawain, ang happy talaga ng life hahaha!

            3 minuto na lang ang natitira… ano pa ba ang nasa isip ko?

            …kung anong paper works ang gagawin ko bukas;
            …kung anong activities ang maaari kong ipagawa tuwing homeroom;
            …kung matutuloy ba ang lakad namin bukas;
            …kung anong pwede kong gawin to spice up my life, charot.

            Wala na, time’s up na.



Mga Komento

  1. Mukhang spiced up naman life mo. Hindi lang yung mga spices na gusto mo ang naihalo sa life. Hehehe! Ano bang research yan? Todo sa intense ha. Para sa NASA ba yan?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. siguro nga ibang spices ang hanap ko :)

      classroom-based research lang Mr. T, hindi pang-NASA level
      (pero minsan, feeling ko gusto kong mag-volunteer dun sa ipapadala sa Mars lol)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento