2018
06 12 (Tue, 12:21 AM)
Yung katotohanan na gising pa ako
hanggang ngayon ay isang patunay ng pagiging nocturnal ko. Kumusta naman ang
walang pasok na June 11? Ayon, nganga; sa sobrang sipag ko, puro tulog ang
inatupag ko hahaha.
Ano ang ganap ng buhay sa mga oras
na ito?... Bumaba ako sa kitchen kanina (kahit kusina lang ang tawag namin dun),
di pa kasi ako naghahapunan, pero kasi hapon na rin ako nag-lunch.
Nagtimpla ako ng Bearbrand milk
sakto pack… kaso di naman ako palainom ng gatas. Nakita ko yung Alicafe tea,
hinalo ko… so, sa isip ko para lang akong nagtimpla ng milk tea, solb!
Kumuha ako ng 3 slices ng sliced
bread lol. In fairness, ang daming palaman ngayon sa bahay… may peanut butter,
isa pang peanut butter, at isang coco jam. Pinaghalo ko yung dalawa. Bawat
isang sliced bread pinahiran ko ang kalahati ng peanut butter, yung kalahati ay
coco jam, tapus tiniklop ko. Di ba sa kanluran meron silang peanut butter –
jelly whatever you call it sandwich… ginawan ko lang ng sariling version.
Tsaran! May pagkain na ako hahaha.
Mala-milk tea na hot drink, at coco jam – peanut butter sandwich… hihintayin ko
na lang kung anong oras masisira ang aking tiyan.
Masarap naman ah…
Wala talagang kaganap-ganap ang June
11… na-suspend lang ang pasok, na-suspend na rin ang lahat ng iniisip kong
gawain. Magpapalit sana ako ng kurtina sa kwarto, kaso nakita ko ang alikabok
ng bintana, kaya pag tinanggal ko yun, magliliparan ang alikabok sa kwarto ko at
mapipilitan akong maglinis, mapapagod ako, eh nakakatamad ang panahon. So…
…natulog na lang ako. Araw-araw
naman ako nagwawalis sa kwarto, at nagpupunas ng mga alikabok ng lamesa, mga
estante (kahit isang bookshelf lang yun na hindi naman lahat ng nakalagay ay
books), nagpapagpag ng higaan, at nag-alis na rin ako ng agiw. Sinabi ko lang
ang mga iyan kasi baka masira ang hindi naman big deal kong imahe, hahaha!
What time ako matutulog?... Matutulog
pa ba?...
Mag binge watching ka ng mga series. Hehehe! Since June 12 na at araw ng kalayaan natin, mag organize ka na lang ng rebolusyon. Or sumali mamaya sa mga rally ng aktibista (sigurado meron yan mamaya). Hehehe!
TumugonBurahinPero kahit ako, kapag dumadating sakin yung mga moments na ganyan, kumakain lang talaga ako. Gutom kasi eh. You know. hehehe!
naka-plano talaga akong pumunta ng luneta Mr. T, at makiusyoso sa mga ganap doon; pero dahil nga maulan pa rin ang panahon, minarapat ko na lang na angkinin ako ng katamaran at ng higaan, hahaha!
BurahinNaku, minsan nagising ako dito sa lindol, as in malakas na lindol, pero natulog na lang ulit ako. LOL. Di ako makapagtweet. Ang layo ng phone ko sa higaan eh. HAHAHA.
TumugonBurahinIn fairness, may mga araw na masarap lang talaga humilata.. At gumawa ng PeanutButterCocoJam Sandwich.. ang haba naman.. PBCJ Sandwich.. PBJ lang yun sa ibang bansa.. LELS. Bat andami kong sinabi? Eh suspended nga ang klase. LOL.
naku, dapat nag-tweet ka cher :)
Burahinang sarap talagang humilata lang kapag ganitong panahon, pero pag nagbalik na ang lahat sa normal, nakapanghihinayang din ang katamarang nangyari... so, alin ang dapat? lol