"... parang World War Z!"



2018 06 04 (Mon, 8:56 PM)

               Kumusta naman ang first day high?

               Bago ko yan sagutin, magpapauso muna ako sa aking sarili. Bawat araw ay gagawa ako ng journal (parang ganito) pero isusulat ko lang sa loob ng twenty minutes! At kung ano lang ang masulat ko ay yun na ang ipapaskil ko. May advantage ito. Una, may entry na ako araw-araw (assuming na magagawa ko ito lage); at pangalawa, pang-exercise na rin sa mga daliri hahaha.

               Oh, mabalik ako sa tanong… narito ang mga sagot:

1.      Okay pa naman. First day pa lang eh, kaya natural lang na tagutaguan muna ng sungay.
2.      Mukhang effective ang hindi paglalagay ng basurahan sa classroom. Naiiwasan ang kalat. O baka nga first day pa lang.
3.      Napakainet sa hapon, pero mas keri ko naman ang sked na ito.
4.      Parang mas madaming madlang pipol sa hapon.
5.      Natural na siguro na may psychic power ang mga guro, kasi first day pa lang mukhang kilala ko na ang aking magiging mga favorite students! Hala, babantayan ko talaga sila.
6.      Dapat ko bang sabihin na enjoy din minsan magtataray? Hahaha!
7.      Nakakamiss magsalita sa harap ng klase kasi ang tahimik ko lang talaga in person.
8.      Isang lava cake lang ang meryenda ko kanina, nagsunod-sunod kasi ang sked eh, kineri naman ang gutom ng malamig na tubig, totoo ngang nakakabusog ang tubig lalo na kung malamig lol.
9.      I hope I always make sense sa loob ng classroom.
10.   Nakakatuwa rin na may mga challenging students sa klasrum, naku wag lang sana malala, or kung malala man sana makeri ng power of experience and wisdom.
11.   Wish ko sa sarili ko maging masipag at laging prepared sa klase para walang luge. Ang sarap kaya sa feeling kapag natututo ang iba sa iyo, syempre may natututunan din ako sa kanila.
12.   I hope mag-continue ang malinis at maayus naming klasrum.
13.   Nga pala, parang gusto kong mag-lapel; para kasing ang bilis na mapagod ng vocal cords ko. Actually, una ko itong napansin noong nakalipas na school year.
14.   At parang hindi naman patungkol sa first day high yung sinasabi ko, mga random thoughts to eh hahaha.
15.   Kaninang uwian, madali kong kinuha yung mga gamit ko sa faculty, sinuksok ko lang lahat sa bag at sa dala kong paper bag, sobrang inet na kasi at lagkit; kaso ang hirap naman lumabas ng campus sa sobrang dami ng mga estudz na lumalabas, sabi nga ng isa parang World War Z!


Mga Komento