Lumaktaw sa pangunahing content

2018 06 16



2018 06 16 (Sat, 9:09 PM)

            Sinubukan ko pa ring i-charge yung netbook ko, hoping na baka after 1 hour o higit pa ay magbukas na rin ito, sa ganung paraan kasi ito nagka-second life. Sad to say, walang epek!

            Nakaka-miss din ang netbook ko. Very portable at saka gamay na gamay ko ang mga keys; sa lapad ba naman ng kamay ko at haba ng mga daliri, kahit kaunting galaw lang (o kahit steady lang) ay makakapa ko pa rin ang mga keys nito. Sulit na rin ang netbook kong yun; 5 o 6 years ko na rin napakinabangan. At sa mga taon na iyon, ni hindi ko ito kinailangan ipa-reformat, ipaayos o anuman, naging swabe naman ang kanyang performance. Kahit pa nga nung nagloko ang ilan sa mga character keys nito, ako pa rin ang ang nag-adjust, nag-on screen keyboard ako lol, hanggang sa nag-function na lang ulit sya ng normal; oo may kabagalan pero napagtyatyagaan. Hindi ko pa ito plano na ipaayos kasi gusto ko mabuhay ulit siya mag-isa hahaha; sa dulo, ang nasa isip ko na lang ay makuha ang hard disk para ma-recover ko ang sandumakal na mga files.

            Sila Eldie at Neri na lang ata ang madalas kong ka-text. Sa panahon kasi ngayon, mas convenient na makipag-usap online kaysa text. Pero, mas preferred ko pa rin ang text, parang mas personal at important ang dating. Lagi kong sinisimulan ang text ko sa kanila ng –

            “eldie at neri…” + whatever na gusto kong sabihin sa kanila, pangungumusta, o pag-share ng kahit na anong ganap sa buhay, minsan mga sked o plano ng paggala, basta anything…

            …tapus itong si Eldie na-adapt na rin ata yung way ng pagte-text ko. Sisimulan naman niya ang kanyang reply ng “jep at neri…” Si Neri na lang talaga ang di sumusunod eh, laging “friends…” hahaha.

            So, ayun… malamig pa rin ang panahon.


Mga Komento

  1. Wag mo na ipaayos yung netbook mo, save for a new one na! Hahaha. Halos ganyan lang talaga ang saktong lifespan ng isang gadget.

    Wala kong textmate dito. Haha..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yup! nakabili na ako ng bago cher kat, yun nga rin ang sabi saken eh, idagdag ko na lang daw sa pambili ng bago, kaya yung hard disk na lang nun ang kukunin ko :)

      text mo kami cher, para madagdagan ang gm ko, magiging "eldie, neri & cher kat..." hahaha!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...